TMT - 5 : Friends

2604 Words
Kaagad kaming bumaba ng sasakyan pagka-park nito sa tapat ng bahay ng isa pa naming kaibigan na si Dwight. “Do Dwight was there?” Stout asked me. Kaagad akong tumango. “Yeah tumawag ako kanina, mukhang hindi rin naman siya abala dahil nasagot agad ang tawag ko.” Naunang mag-doorbell si Zeus sa isang kulay silver na gate. Lumabas naman ang isang gwardiya doon at pinagbuksan kami ng pinto. They know us dahil palagi kaming nandirito kila Dwight tuwing weekend. “Goodmorning Ma'am, Sir,” bati ng gwadiya at ngumiti. Matagal na itong gwardiya nila Dwight, nasa trenta na ang edad nito at may angking magandang pangangatawan na sakto sa profession nito. “Where’s Dwight?” Sere asked. “Sa garden po, pasok na po kayo.”, Pagkasabi no’n ay dumiretso na kami sa garden at naabutan si Dwight na prenteng nakaupo sa isang set of table sa gitna ng garden nila habang nagbabasa ng isang makapal na libro. Ito lang naman ang madalas na gawain ng lalaking ito. Ang magbasa ng libro at pag-aralan ang kung ano-anong bagay na bago sa paningin niya. Si Dwight ay anak ng parehong doctor na si Tita Dasha at Tito Brent. Sila ang mga doctor ng organisasyong pinamumunuan ng ama namin ni Sere. “Dwight!” I called him to capture his attention. Kaagad niya naman kaming napansin at inilapag ang hawak na libro sa mesa. We sat down on different chair around the rounded table in our center, bago magpatawag si Dwight ng isang maid upang magpahanda ng meryenda. “I’ve been waiting you for almost an hour,” bungad na sambit sa akin ni Dwight kaya naman napailing na lamang ako nang maalala ang nangyari sa amin ni Zeus kanina lang. That's policewoman grr!! “Let's just forget about it Dwight, kinda frustrating,” I said, para tumigil na siya sa pagtatanong. Napansin ko namang nagsitawanan sila Sere kaya napailing nalang ako. Hindi maganda ang bungad ng araw ko, Sana naman hindi na sila dumagdag pa. Aish! “So, what’s the matter?” Dwight asked us and Zeus tell him the whole story na sinabi niya sa‘kin kanina, kasama na ring nakinig sila Sere at Stout. We need their help, para maisagawa nang maayos ang mission na kailangan namin. “And the plan is?” Tumingin sa amin si Dwight na nagtatanong matapos ikwento ni Zeus ang buong pangyayari kung papaano niya naiwala ang isang mamahaling painting ng kaniyang mama. Hilig ni Zeus ang arts, mahilig din mangolekta ng paintings si Tita Yazumi na siyang ina ni Zeus. Ngunit ganoon pa man, hindi ko lubos maisip na itong painting na ito ang ilalabas ni Zeus para sa isang Art Exhibit. “You need to help us finding the location of those to be held aution here in the Philippines,” I replied as the head of our group; The Mafia Teens. Aminado akong ako ang namuno ag bumuo ng grupo at wala akong pinagsisisihan. Hindi kami naging tulad ng mga basagulerong grupo na tanging sakit lang ng katawan ang hanap. Binuo ko ang Mafia Teens bilang panimula ng buhay pinuno na maari kong manahin mula sa aking ama; ang Mafia Lord. “And what's next?” tanong ni Dwight matapos ang sinabi ko. “We’ll attend it one by one.” “What?! That's impossible, we’re just a teen?” Tumayo si Stout habang ang dalawang palad ay nakapatong sa bilugang lamesang nasa harapan namin. “We can’t do it. It's impossible.” “Tama si Stout hindi tayo makakapasok sa mga ganoong auction, lalo na’t malalaking auction ito panigurado.” Huminga nang malalim si Dwight at pinagsalikop ang palad sa harapan habang nag-iisip. “Yeah, not possible because of our age. But, please don’t ever forget about our underground identities. We are Mafias, we are The Mafia Teens, remember?” Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Dahil sa sinabi ko ay tila nagising ko ang kanilang lakas ng loob, dahil sa mga ngiting iginanti nila sa akin. “I agree. Seki is all right. Matagal na rin simula nang gumawa tayo ng underground mission noon.” Nakangiti si Dwight habang sinasabi ito. Sa wakas ay naintindihan din nila ang ibig kong sabihib. “All we have to do now is check them,” he added, tumayo siya upang magtungo sa loob ng bahay nila kaya naiwan kaming apat sa labas ng garden nila. Hindi niya sinabi kung anong gagawin niya ngunit hindi na kami nagtanong. “We need a well-planned plan, this will be dangerous. Hindi na ito tulad ng mga underground fights na sinasalihan natin noon. This one is different. We need to work with purpose,” ani ni Stout na sumeryoso ang mukha. “Yeah, we'll see,” I replied her while we were waiting for Dwight to go back here. “Hello, ang dami niyo dito ngayon ah?” Napangiti kaming lahat, nang isang masayang bati ni Coco. I mean Hershey ‘Coco’ Latrinidad, only daughter ni Uncle Zack at Aunts Yamaha. They named her from what Aunts Yamaha wants to eat noong nagbubuntis siya and that is chocolate. Masiyado naman na sigurong obvious to spill out? Hershey with Coco? Napailing nalang ako sa naiisip ko. “Oh! Coco!” masayang bati ni Stout at malapad na ngumiti. “Glad you’re here.” Humalik siya sa pisngi ni Coco at inaya itong maupo. Si Coco ay pinsan ni Zeus, magkapatid kasi ang mga ina nila. Si Auntie Yamaha at Auntie Yazumi. Parehong may dugong Japanese, kaya naman medyo naniningkit din ang mga mata ni Dwight, lalong-lalo na si Coco. “Hello everyone—Oh, Sere? Gash! You’re still that handsome. I’m captivated,” she said and winked at my brother, Sere. Nag-iwas lang ng tingin si Sere. Coco used to tease him that way. “I’m back—Coco? You’re also here,” gulat na bati ni Dwight nang bumalik siya sa garden bitbit ang laptop at isang itim na bag. “Sanay na sanay na sa inyo ang gwardiya ng bahay namin, talaga namang diretso nalang kayong nakapapasok sa bahay.” Natawa na lamang si Dwight matapos ay bumalik sa kinauupuan kanina lamang. “Anong meron? Bakit biglaan ang pagkikita nating ito?” tanong ni Coco habang katabi ni Stout sa upuan. Mukhang kailangan nanaman namin magpaliwanag. “I'll explain you later, but for now, we will listen to their discussion,” paliwanag ni Stout kaya naman nakahinga na kami nang maluwag. Inilapag ni Dwight ang laptop sa lamesa pagkatapos ay may kung ano siyang inilabas sa dalang bag. He assembled his things first bago buksan ang sariling laptop, we're all waiting for his activity specially nang magsimula na siyang mag-type sa laptop at may kung ano-anong lumalabas sa screen. “Here, napakaraming lumabas, but we have to separate them by their qualification. Mas marami ang maliliit na updated smallest auction kesa sa mga luxurious,” Dwight said when a long list of ‘to-be held’ auction in the phillipines appeared on the screen. Mukha ngang napakarami nito. Ilang scroll na kasi ang ginawa ni Dwight ngunit wala pa kami sa dulo nito. “How many luxurious auction is on the list?” Lumapit si Zeus upang makita rin niya ang screen ng laptop ni Dwight. Dahil pabilog ang mesa, kailangan naming magkumpulan upang makita ang laman ng screen ng laptop ni Dwight ngayon. “I guess, twenty?” Dwight replied. “And the smallest?” I asked. “Hundreds.” “Kung ganoon magsimula tayo sa kaunti?” patanong na wika ni Coco at luminga-linga sa amin. Mukhang hindi niya pa rin naiintindihan ang ginagawa namin. Well, I understand. “Yeah wait, let's separate them.” Bumalik si Dwight sa kung anong ginagawa sa laptop. Dumating ang isang kasambahay nilang may bitbit na isang malaking tray, may laman itong makakain at isang ‘di kalakihang pitcher kasama ang ilang babasaging baso. Nang mailapag ang tray, doon namin nakita ang isang rounded chocolate cake. “Wow! I’m really craving for chocolate cake today.” Nauna na si Coco na humiwa ng sarili nitong makakain sa isang maliit na platitong kasama rin na dinala ng kasambahay nila Dwight. “Done,” sambit ni Dwight na nakapagpahinto sa amin sa pagmemeryenda. “Alright, can I borrow a phone?” Kinuha niya ang cellphone na inabot ni Stout at kinonekta ito sa laptop na gamit. I don't know what extractly they are doing, but it seems like Dwight transferring a file to Stout's phone. “What are you doing?” tanong ni Stout. “Saving a copy of data.” Tanging sa laptop lamang ang tuon ni Dwight suot ang makapal na salamin nito sa mata. Paniguradong mataas na ang grado ng mga mata nito dahil sa halos buong araw nitong pagkakatutok sa radiation ng mga gadgets niya. “Can I also have a copy?” I asked after sipped my drink. “Yes. I will also transfer it to my flashdrive,” Dwight’s replied me. “Where and when will be the first auction we need to attend?” tanong ni Zeus na kababalik lang sa upuan t nakikinig sa amin, katabi si Sere na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. “Will be in Cebu next week, pero hindi nakalagay kung anong araw at oras? Anyway, walang magaganap na auction ngayong linggo, kailangan nating mag-antay ng susunod na linggo,” mahabang paliwanag ni Dwight kaya napatingin ako kay Zeus. Isang buwan lang ang mayroon kami para mahanap ang painting pero mukhang hindi nakikisama ang mga bagay-bagay sa amin. Aish! What should I do? “We need to search for an accurate information. I think one of us should go to Cebu tomorrow and get some information since we can't tell where and when was the exact dates and location, we know how vast Cebu is,” Sere told us with his cold tone. He had the point. “Wala na bang ibang paraan para malaman?” tanong ni Coco, mukha namang naiintindihan niya na ang binabalak namin, ngunit hindi ang dahilan kung bakit namin ito ginagawa. Si Stout na lamang ang bahalang magpaliwanag. “No, it’s an underground auction. Pili lamang ang mabibigyan ng imbitasyon at hindi nila ito ipo-post online,” I replied. Nagsimula akong bumalik sa kinakain at ganoon din sila. Kailangan naming malaman ang araw at oras ng auction, ngunit paano naman kaya? “Ako na lamang ang pupunta ng Cebu,” wika ni Zeus na nakapagpahinto sa amin sa kinakain at napatingin sa kaniya. “I'll go to Cebu, since this is my problem. Sasabihin ko nalang sa inyo kung may malalaman ako.” Malalim siyang bumuntong hininga pagkatapos. “Sasama ako, your problem is our problem too.” Ngumiti si Coco kay Zeus. “Pero pwede bang malaman muna kung ano ag problema?” dugtong niya at mahinang tumawa. “Sasama rin ako,” ani ni Dwight. “Hindi kami makakasama ni Sere, malabo dahil paniguradong hindi kami papayagan ni Dad at Mom kung biglaan,” ako na ang nagsalita para sa amin ni Sere, dahil sigurado ako sa bagay na iyan. Hindi gusto ni Mommy na lumiliban kami sa klase ng walang malalim na dahilan. Kung next week ang auction, sa tingin ko magagawan ko naman ng paraan. *** KINAUMAGAHAN ay hindi ko na inantay pang tumunog ang alarm clock ko. Maaga akong bumangon sa kama at inayos ang mga gamit ko. Alas-otso ang pasok ko, at five thirty palang naman ng umaga. Maaga akong naligo at bumaba sa sala. Narinig ko ang pag-uusap nila Mommy at Daddy sa loob ng dinning kaya naman dumiretso na ako doon. Hindi na bago sa akin kung maagang magising ang magulang ko. Tuwing alasais umaga ay umaalis si Dad upang pumasok sa opisina at pamunuhan ang organisasyon nang sabay. “Tell me i'm not dreaming Sevi please,” wika ni Mommy habang nakatingin kay Daddy (Sevi ang tawag niya kay Dad at Wife naman ang tawag ni Dad sa kaniya) Lumapit si Mommy kay Daddy. “Kurutin mo ako, para malaman kong hindi ako nananaginip dahil maagang bumangon ang anak mo sa kama niya,” dugtong pa ni Mommy. “Insane, you’re not dreaming Wife, your son is in your front,” tugon ni Dad sa sinabi ni Mommy habang nagbabasa ng dyaryo at nagkakape. May mga nakahanda na ring pagkain sa lamesa. Napakamot na lamang ako sa batok ko at umupo sa isang bakanteng upuan, nagsimula na akong kumuha ng makakain. Big deal talaga kapag maaga akong nagising, trenta minutos pa lamang iyan pero parang limang oras akong napaaga. “How's school?” tanong ni Daddy. Hindi na ako tunanggi pa nang si Mommy na ang nag-asikaso ng pagkain ko. Ipinagsalin niya rin ako ng mainit na kape sa isang tasa. “Ayos lang po, malabong bumaba ang grado ko.” “Mabuti naman, may tiwala kami ng Daddy niyo sa inyo ni Sere. Ang gusto kong malaman ay bakit ang aga mo bumangon? May ginawa ka ba?” Umupo si Mommy sa isang upuan katabi ni Daddy at nagsimula nang kumain. “Good morning Mom, Dad.” Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang pumasok si Sere sa dinning at humalik sa pisngi ng mga magulang namin. “Ano bang meron bakit ang aga niyo? Nakapaninibago,” pangungulit na tanong ni Mommy habang titig na titig sa amin ni Sere. Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam kung bakit nauna pa ako sa alarm clock ko. “Zeus called me this early that awaken me,” tugon ni Sere at naupo sa isang upuan na hinatak niya sa tabi ko. “He left Seki,” bulong nito sa akin nang tuluyang makaupo. “How about you Seki? What makes you up thirty minutes early?” Nakapangalumbaba si Mommy habang hindi inalis ang titig sa amin ni Sere. “A girl called you?” “H-hindi ho—” “Impossible, Mom.” Pinutol ni Sere ang sasabihin ko matapos ay tatawa-tawang kumuha ng makakain sa isang plato. Tumayo si Mommy at inasikaso si Sere sa pagkain nito katulad na lamang sa amin ni Dad, ganito kaalaga ang mommy namin, no wonder why dad's chosen her to marry. “That’s enough Wife, do you want to come with me later? I have free time in the afternoon,” tanong ni Daddy kay Mommy na ikinangiti naman nito. Bumalik si Mommy sa upuan at nagsimula silang mag-usap ni Mommy nang magkatabi. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ginawa ni Dad. Humarap ako kay Sere. “Ang laki ng Cebu, sana magawan niya ng paraan. Isang buwan lang ang meron tayo,” pabulong kong sambit habang nagpapatuloy sa pagkain. “Dwight and Coco will help him, don’t worry.” Napahinto kami sa pagkain ni Sere nang marinig namin ang mahinang pagtikhim ni Daddy. “What's with that murmur?” Dad asked us confuse of what me and my brother doing. “Just about our school project, magkakaroon kami ng theater play next month.” Hindi ako magaling magsinungaling kaya naman ito na lamang ang sinabi ko, which is completely true. Abala ang paaralan namin para sa malaking theater play sa susunod na buwan. “Yeah, that's true Dad.” Simpleng ngumiti si Sere na ikinatango na lamang ni Daddy. “Can we have vacation next week?” tanong niya na ikinakunot ng noo ng mga magulang namin. Bahagya kong siniko ang tagiliran ni Sere at tumingin sa kaniya nang may pagtataka. “V-vacation?” I whispered. “Vacation? Hindi ba’t may pasok kayo? Hindi pwede. Walang special treatment sa school niyo kahit na tayo pa ang nagmamay-ari no'n, o kahit na kapatid ng Dad niyo ang inyong dean,” paliwanag ni Mommy. Totoo ang mga tinuran niya. Si Tita Scarlet O'hara ang aming dean, adopted child ng pamilya Fustante na lumaki sa ibang bansa at napakatalino. Siya ang nagpalago ng pinatayong school nila ni Dad, ang Falcon College Univeristy. They delivered the school name from my mom's middle name para walang maakalam na konektado sa mga Fustante ang school na ito. They avoid any circumstances of that school regarding about underground world where my family belong. Paniguradong pag-iinitan ng mga kaaway ni Dad ang school kung malalaman na kami ang nagmamay-ari. “No,” maiksing sagot ni Dad and everyone knows it's final. No buts and whatsoever. Aish! Anong gagawin namin? Paano kami magtutungo sa mga auction na dapat naming puntahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD