MAGKASABAY na tumayo sa kinauupuan ang magkapatid nang makitang lumabas ng elevator ang kanilang ama. “Dad!” tawag ni Seki rito at nagmamadaling lumapit. Humalik siya sa pisngi ng ama at ganoon din ang kapatid. “Hindi kayo umuwi ni Mommy kagabi, ano pong nangyari.” “I texted you, right?” Kunot noo namang humarap ang kanilang daddy. “Your mom is not here, she visited Zeus on the hospital.” Nauna itong maglakad habang binabati ng mga tauhang nadaraanan sa loob ng Seven Dwarf. “Yeah, nabasa po namin pero ang gusto kong malaman ay tungkol sa result. How is it, Dad? You succeed, right?” Nakasunod lamang sila sa ama habang naglalakad papasok sa isang may kalawakan na hallway. “Please answer us, Dad, we're dying.” Huminto sila sa paglalakad sa harap ng itim na pintuan ng isang silid. Hind