Lumabas ako ng school at dere-deretsong naglakad pauwi ng bahay namin. Hindi ko maiwasang guni-gunihin ang mga nangyari kanina. He is just watching us at wala siyang pakialam. Nakasunod naman sa akin si Cass habang pilit na hinahabol ang aking malalaking hakbang. "S-Suzy..hintayin mo ako!" sigaw niya. Hindi ko mapigilang hindi ma-iyak sa aking kalagayan. Ang plantsado kong uniform ay parang hinugot sa kung saan. Tanggal pa ang ilang butones ng aking blouse habang wala sa ayos ang aking palda. Agad kong pinahid ang aking mga luha nang matanaw sa labas ng bahay namin sina mama at papa. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanila at mahigpit silang niyakap na dalawa. "P-Papa.. Mama.." sambit ko habang yakap sila. Naguguluhan silang tumingin sa akin at nagtatanong ang kanilang mga mata kun