Isang sigaw ni Cass mula sa labas ng bahay ang nagpatigil sa aking pag-iyak. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ito pero pumunta pa rin ako sa labas upang tingnan siya. "A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa namamaos na tinig. "I was just passing by, may binili ako sa market pero narinig kitang umiiyak kaya..anong nangyari?" Binuksan ko ang gate at hindi pa man ito lubusang nabubuksan ay malakas niya na itong itinulak. Mahigpit niya akong niyakap. "Anong nangyari? Nasaan sila? Nasaan ang malandi mong asawa?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Cass.." hikbi ko. "Ano? Nasaan sila Suzy? Anong ginawa nila sa'yo?" "Wala na sila," iling ko, "Umalis na sila." "What? Umalis? Pinaalis mo? Kailan?" sunod-sunod na naman niyang tanong. "Sa..sa loob natin pag-usapan," tugon kong sum
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books