Chapter- 6

1623 Words
NAKATAYO si Angelica sa patio malapit sa entrance habang hinihintay ang pagdating ng abuelo. Sinadya niyang mauna sa grand ball party. Nais niyang malaman kung ano ang maging reaksyon ng kanyang tita Ver. Tumagilid siya at nagkunwari na may kausap sa cellphone ng matanaw ang pagdating ng tiyahin. Kasama nito ang anak at isa pang babaeng familiar sa kanya. Ilang metro ang layo ng mga ito sa kinatatayuan niya. Nang maalala kung saan niya nakita ang babaeng yon. Ito ang girlfriend ni Matteo. “Well, well well… ano ang ginagawa dito ng isang murderer?” malinaw na narinig ni Angelica ang sinabing yon ng babae. Humarap siya sa mga ito habang nakataas noo. “Ambisyosa! Ngayon nasaan ang asawa mong mayabang?” painsultong tanong ng kanyang tita Ver. Akmang sasagutin niya ito nang matanaw ang palapit na si Matteo. Bahagya siyang tumalikod sa banda nito at sumagot sa sinasabi ng tiyahin. “Patay na po ang asawa ko tita Ver.” matapat niyang sagot dito. “Kung ganun ay bumalik ka na sa bahay or tuluyan ng mamamatay ang iyong mama!” may diin nitong utos sa kanya. “Pasensya na tita Ver, pero hindi na ako babalik sa bahay mo.” nakangiting sagot ni Angelica sa tiyahin. Hinding hindi na siya papayag na muling apihin nito. Kung noon ay puro pahirap ang ginagawa sa kanya ng nga ito. Ngayon ay hinding hindi na mangyayari pa. “Then, bukas din ay paglalamayan ang iyong ina!” “Go ahead, tita Ver, basta pagkatapos mong patayin ang aking ina ay ihanda mo ang iyong sarili para sa kulungan. “Nagpapatawa ka, Roseanne, hinding hindi mangyayari na makulong ako dahil lang sa walang kwenta mong ina!” “Babe, kanina ka pa ba nariyan?” Hindi niya napigilan sulyapan si Matteo, nagkasalubong sila ng tingin kaya agad siyang humakbang palayo. “B*tch! Saan ka pupunta?” Hindi siya sumagot tuloy tuloy lang sa paglalakad. “Roseanne!” Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang boses ng tiyahin. “Bibigyan kita ng tatlong oras upang makabalik sa bahay!” “Angelica!” Lumingon siya sa taong tumawag sa kanya. Malapad ang ngiti ni Jags habang palapit sa kanya. Akmang yayakapin siya nito ng marinig ang malakas na boses ng tiyahin. “Who are you?” “Magandang araw po.” Nakangiti pa rin pagbati ni Jags sa tiyahin. “Ang sabi ko sino ka! Hindi yung ngingiti ka pa!” Singhal ni Tita Ver kay Jags. “Jags San Diego, po ma’am, kaibigan ni Angelica.” “Hindi ko tinatanong kung anong relasyon nyong dalawa!” “Jags, halika na at baka magsisimula na ang party.” “Ma’am, mauna na po kami sa loob.” Nagawa pa rin magpaalam ni Jags sa kanyang tiyahin. Inalalayan pa siya nito sa siko habang patungo na siya sa entrance. Ngunit may tumawag dito kaya muli kaming huminto sa paglalakad. “Boss Jags, naririto ang result na kailangan mo.” “Salamat, pakidala mo sa opisina ni Daddy.” “Boss Jags, papunta na po dito ang chairman.” Kakamot kamot sa ulo nitong wika kay Jags. “Okay, ibigay mo na lang sa aking secretary. Tatawagan kita bukas para sa ibang ipapagawa ko sayo.” Copy, Boss Jags, sige po mauna na ako.” “Go!” Saka siya binalikan ni Jags sa kanyang kinatatayuan. “Halika na, sweetheart, baka makasuntok ako kapag hindi ako nakapagpigil.” “B-Bakit may problema ba?” “Oo, malaki dahil nakatingin sayo ang halos lahat ng lalaking naririto!” Natawa siya sa tinuran ni Jags. Pagkatapos ay luminga siya sa paligid, tama naman pala. Pero bakit nga ba nakatingin sa kanya ang mga nadadaanan nila? “… your stunning, bakit yan ang sinuot mo?” Sabay hubad ni Jags sa suot nitong coat at binalabal sa kanyang likuran. “Hi! Jags San Diego, right?” Napa taas ang kilay ni Angelica ng makilala kung sino ang babae. Walang iba kundi ang anak ni Tita Ver, and obviously nag flirt kay Jags ang babaeng ito. “Sorry, pero may date ako at hindi ako interesado sa kahit sino.” Nakangiting sagot ni Jags sa napahiya na babae. “… let’s go sweetheart.” Sabay hawak ni Jags sa aking likuran at pumasok na kami sa loob. Ngunit nasilaw si Angelica, sa nagkikislapan mga camera. “Mr. CEO, siya na ba ang latest girlfriend mo ngayon?” Humarang sa kanila ang mga media. Naramdaman ni Angelica ang higpit ng hawak ni Jags sa kanyang palad. Ganun pa man ay sinikap niyang ngumiti sa harap ng camera. “Yeah, she’s the one, at gusto ko lang linawin, hindi siya latest dahil wala naman akong ibang naging girlfriend. Magmula ng nakilala ko siya since college kami. Siya na ang babaeng pinapangarap ko kaya ngayon hindi ko na siya pakakawalan pa.” “Kung ganun gaano katotoo ang balita na kalalabas lamang niya mula sa kulungan? Hindi ka ba nag-alala na baka dahil sa kanya ay masira ang career mo?” “Hindi ako apektado, beside nakulong lang naman siya sa kasalanang hindi niya ginawa.” Namamawis ang kamay ni Angelica at nanginginig ang kanyang mga tuhod, gusto na nga niyang tumakbo palayo. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya si Jags, ang kaisa-isang taong nakakaunawa. At tumanggap kung ano man ang kanyang mga pinagdaanan. “Jags, Angelica, halina kayo.” Nabaling ang media sa kararating na si Chairman Raiden San Diego at kasama nito si Senyor Montejo ang lolo ni Angelica. Pansamantala ay lumayo si Angelica kay Jags at nakangiting nagbigay respeto siya sa ama nito at sa kanyang abuelo. “Your so beautiful, apo bagay na bagay sayo ang suot mo.” “Salamat po, lolo.” Nahihiya siya sa mga papuri nito. Ngunit ang ngiti niya ay unti-unting naglaho ng makita ang parents ni Matteo Agad siyang umatras ngunit naramdaman niya sa kanyang likuran si Jags. “Relax, walang sinuman ang maaaring manakit sayo dito.” “Magandang gabi, Senyor Montejo at sayo rin Chairman San Diego.” Pagbati mula kay tito Dark at tita Maggie. “Magandang gabi rin sa inyo, narito ba si kumpadre Jade?” “Yes, Senyor Montejo, naroon sila sa loob.” Habang nag-uusap ang mga elders ay pawisan ang kamay ni Angelica. At napayuko na lang siya ng muling makita si Matteo. Bakit ganito na lang ang takot niya sa lalaking yon? Lalo na kapag salubong na ang nakapal nitong kilay. Pakiramdam niya ay papatayin siya ng mga titig nito. - Samantala, tiim bagang si M, habang nakatingin sa kinaroroonan ni Roseanne. Lalong higit sa lalaking kasama nito. Nag doble pa ang inis niya sa ingay ng dalawang lalaking malakas nag uusap. “She’s really beautiful, kaya lang kahit gaano pa kaganda kung isang murderer. Ang sabi pa ng kaibigan kong jail guard ay pinagsawaan daw ang katawan niyan ng mga kapwa niya preso. Marami din daw yan pilat sa katawan gawa ng mga saksak, himala nga lang daw na nabuhay pa.” “Pero bro nakaawa pa rin ang babaeng yan, sa likod ng kagandahan ay madilim ang kasunpa sumpang mga pinagdaanan. Pagkatapos ngayon apo pala siya ng isang tycoon, at nag iisang heredera.” Umalis si M sa kinatatayuan dahil sa mga naririnig. “Babe, naririto ka pala kanina pa kita hinahanap?” “Ano ba ang kailangan mo at bakit narito ka?” Seryosong tanong niya sa babaeng hindi naman niya kilala.” “Anong kailangan ko?” Bakit kapag nangangati ang b***t mo tinatanong ba kita kung ano ang kailangan mo?” Napa kunot noo si M, dahil sa mga naririnig. Tiningnan din niya ito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay napapa iling, na tinalikuran ito. “Sandali nga! Ano ba ang problema mo Matteo?” Akmang sasampalin siya ng babae ngunit biglang humarang ang bodyguard niya. “Oops! Bawal ang manakit.” Sabay mahigpit na hawak sa braso ng babaeng kulang lang umusok sa matinding galit. Iniwan na ni M ang mga ito at tinungo ang kinaroroonan ng mga magulang. Magpapaalam na siya at uuwi na ng bahay. Walang dahilan upang manatili siy sa pagtitipon na yon. Baka mamaya hindi pa siya makapagpigil ay masuntok niya ang kasama ng babaeng yon. “Boss M, puntahan mo raw ang kapatid mo.” “Sino ang nagsabi sayo?” “Hindi ko alam kung kanino galing ang mensahe na ito.” Inabot niya ang cellphone sa kanyang body ganyan. Agad na binasa yon. “Let’go! Bilisan mo, napapamura si M sa nangyari sa kapatid. Halos paliparin niya ang sasakyan makarating lang agad sa kinaroroonan ng kapatid. Hindi na pinatay ang makina ng sasakyan, tumakbo na siya papasok sa loob. At napasigaw ng makitang halos wala ng buhay ang kapatid. “Anong nangyari bakit nagkaganyan na naman siya?” Napanood niya ang interview kay Mr. San Diego, pagkatapos ay bigla na lang siyang nahihirapan huminga.” “Baka pinaalam nyo ang tungkol dito kay mommy at daddy?” “Hindi po, Boss M.” “Good! Hanggang kailan siya ganyan?” “Stable na ang kalagayan niya pero kailangan ng pahinga. Hintayin nyo na lang siyang magising mawawala din ang pamumutla niya babalik din siya sa normal.” “Salamat, doktor.” “Walang anuman.” Pagka alis ng butihing doktor ay nilapitan niya ang kapatid. Hinaplos haplos niya ang buhok nito. “Brother, please don’t give up, ang lahat ng mga nangyayari sayo ay trials lang. Maging matatag ka sana at huwag patalo sa mga nakikita o naririnig mo." Habang nakatitig sa kapatid ay literal ang nararamdaman niyang sakit. Simulat sapol pinuprotektahan nilang lahat ang kapatid. Ngunit nangyayari pa rin at hindi maiwasan masaktan ito. At kapag involve ang puso ay malaking panganib sa buhay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD