NANG araw na ikasal si Roseanne sa kanyang asawa na halos ka edad lamang niya ay nakaramdam siya ng kapanatagan. Lalo ng marinig sa bibig mismo ni Matteo ang pagbabanta kay Tita Ver. Sinabi nito huwag gagalawin ang aking ina at sa puntong yon ay lihim siyang nagpapasalamat sa Diyos.
Subalit nang dumating sila sa destinasyon ay halos hindi na magawang ihakbang ang kanyang mga paa.
Agaw dilim at liwanag ang paligid. Ngunit malinaw niyang nakikita ang mala-haunted house na bahay. Hindi lang yon, nakatayo pa sa pinakamataas na parte ng lugar.
Akmang kakausapin niya si Matteo ngunit wala na ito sa inuupuan nito. Lumingon siya sa paligid at wala ng tao kaya napilitan bumaba.
“Ms. Rose, halika sumunod ka sa akin.” nagulat pa siya sa babaeng biglang nagsalita sa kanyang gilid.
“Roseanne, po ang pangalan ko.” pagtatama niya sa kanyang pangalan. Ngunit hindi na sumagot ang babae. Kaya napilitan siyang sumunod dito.
Pumasok sika sa malaking pintuan at binaybay nila ang mahabang pasilyo. Pagdating sa pinaka dulo ay binuksan ang isang pinto.
“Simula ngayon ay dito ka matutulog, maiwan na kita.”
“Maraming salamat po.” pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Carpet ang kanyang nilalakaran at napakalambot. Kaya sa halip ay bumalik siya sa may pintuan at hinubad ang sapatos.
Inabot ang switch ng ilaw pagkatapos ay nagliwanag ang buong paligid.
Namangha siya dahil sa mga nakikita. Sobrang laki ng silid, lahat ng gamit ay puro mamahalin at elegante.
Tinungo niya ang unang pinto na nakita at binuksan iyon. Subalit parang bigla siyang naparalesado dahil sa nakikita.
Gusto ng tumakbo ngunit hindi niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa.
“R-Roseanne, come here my wife.” kinilabutan siya sa narinig. Pero hindi magawang umalis. “R-Roseanne, lumapit ka dito, asawa ko.” ngayon ay unti-unting luminaw sa kanyang isipan na si Matteo ay hindi tunay na asawa.
Totoo ang nakalagay sa prenuptial agreement. Seventy-year-old ang kanyang asawa. At heto siya nakahiga sa malaking kama.
Ayaw niyang pumasok ngunit sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng matanda. Dahilan may isang bisig ang malakas humila sa kanya. Walang iba kundi si Matteo.
“Kapag tinawag ka ng asawa mo ay lumapit ka!” malakas na sigaw sa kanya nito. At nakaramdam siya ng matinding takot.
“A-Apo, huwag mo siyang sigawan.” hindi sumagot si Matteo, pero nananatiling nakatayo sa kanyang gilid.
“Lumapit ka sa kanya!” utos sa kanya ni Matteo bago malakas siyang tinulak.
“Apo, iwanan mo na kami a-ako na ang bahala sa aking asawa.”
“Fine!” pagkatapos ay tuluyan ng umalis si Matteo. Naiwan siya sa gilid ng kama habang nakamasid lang sa paligid.
“Come here.” sabay tapik ng matanda sa gilid ng kama upang paupuin ako doon. Sa puntong yon ay wala akong nadamang pagtutol.
Sinunod niya ito at umupo na, ngunit ng hawakan nito ang kanyang kamay ay mabilis niyang nahila iyon.
“Huwag kang matakot sa akin, Roseanne.”
“P-Pero paanong si Matteo po ang pinakasalan ko pagkatapos ikaw po pala ang asawa ko?”
“Tama, siya ang pinapunta ko sa kasal dahil hindi na ako nakakalakad.”
“P-Pwede po bang magtanong?”
“Yes, go ahead.”
“Bakit po ako ang napili mo na maging asawa. Ang layo po ang edad ko sa inyo at parang lolo lamang po kita?”
“Tama, ako ang asawa mo, Roseanne. At sa ngayon ay hindi kita masasagot sa mga tanong mo. But when the time's come, malalaman mo rin ang dahilan.” hindi na siya muling nagtanong pa. Para saan ay isang salita lang naman ang nais niyang alamin at nasagot na iyon.
“... Roseanne, lumabas ka sa pintuan at pumasok sa ka sa isang pinto na makikita mo.”
“O-Opo, ahm… pagkatapos ano po ang gagawin ko doon?”
“Pumunta ka muna doon at saka ka bumalik dito.” kahit atubili ay sinunod niya ang utos nito. Humakbang siya palabas ng pintuan at tinungo ang isang pinto na nakasarado.
Binuksan niya at pumasok agad siya, walang pagkakaiba sa kabilang silid. Malawak at puro elegante ang mga gamit. Ang kanyang paa ay lumulubog din sa lambot ng carpet.
Lumapit siya sa malaking kama at dinama iyon. Pagkatapos ay binuksan ang veranda at lumabas upang sumilip sa buong paligid.
Bumalik din siya sa loob at na upo sa mahabang sofa. Ngunit napalingon nang may narinig na nagsalita
Halos manlaki ang kanyang mga mata sa nakikita. Natulala din siya at hindi makapagsalita. Si Matteo, nakahubad habang patungo sa kinatatayuan niya.
“Ngayon ka lang nakakita ng ganitong katawan at nakatulala ka riyan?” bigla siyang tumalikod ng marinig ang boses ni Matteo.
“... anong ginagawa mo dito at sinong nagsabi sayo na pwede kang pumasok sa silid na ito?”
“A-Ang l-lolo mo.” kanda utal-utal niyang sagot kay Matteo habang nananatiling nakatalikod. Aalis na sana siya ng walang sumagot ngunit bigla itong lumitaw sa kanyang harapan.
Napaatras siya ng bumulaga sa kanyang mga mata ang bagay sa pagitan ng mga hita nito.
“Kapag inulit mong pumasok dito ay ipapasok ko diyan sa pagitan ng hita mo ang bagay na ito.” sa narinig ay para siyang nagising sa mahabang pagkakatatulog. Pumasok sa isipan niya na asawa siya ng lolo ng lalaking ito. Kailangan niyang maging matapang.
“Sandali, bakit ka nakahubad, at isa pa nakalimutan mo na asawa ako ng iyong lolo? So, may karapatan ako sa lahat ng ito. Kahit saan ako pumunta ay karapatan ko rin yon. At huwag mong ipagmayabang sa akin ang maganda mong katawan. Ganun din ang sandata mong kasing laki ng kabayo! Dahil balewala sa akin yan! Bastos!” pagkatapos ay humakbang siya palabas ng pinto.
Nang makalabas ay napasandal siya sa wall. Nangalog din ang kanyang mga tuhod sa matinding kaba.
Mabuti at nakalabas siya sa silid ng lalaking yon. Inayos na muna ang kanyang sarili bago bumalik sa silid ng asawa na seventy-year-old.
“Roseanne, anong nakita mo sa loob ng silid na pinuntahan mo?”tanong ng kanyang asawa ngunit hindi agad siya nakasagot.
"Roseanne?"
“Kabayo… ay mali! Ahm… lolo… i mean, ano pala ang itatawag ko sayo?”
“Kahit ano, basta maging komportable ka.” napatitig siya sa matanda ang asawa na niya ngayon. Ganun pa man unti-unting nawala ang kanyang pangamba.
Siguro nakita niya sa mga tingin na mabuti itong tao. Hindi lang yon, dama niya na apo ang tingin nito sa kanya. At sana lang totoo na mabait ang asawa at hindi kagaya ni Matteo.