NAGULAT ako ng makita sa harapan ng bahay namin ang kotse ni Mr. Easton. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman ang exact– ay, nevermind! Siya pala ang boss namin, so, alam niya ang bawat information tungkol sa mga employee niya.
Hindi pa nga ako maka-get over sa pagbigay niya ng bulaklak kahapon after ng production namin nina Zoe and Sasha. Hindi lang niyon, inannounced pa niya sa buong bar kagabi na nililigawan niya ako.
Buti na lang napigilan kong hindi mag-yes agad kagabi kahit ang sinisigaw ng mga customer namin that time ay sagutin ko na raw.
After nu'n, sobrang pulang-pula ang buong mukha ko pagkapasok ko sa dressing room namin. Halos lahat kasi sila inaasar ako at the same time, makakaahon na raw ako sa kahirapan.
Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay ni Mr. Easton sa akin. May-ari siya ng bar and mayaman ang angkan nila kaya bakit sa akin siya nahulog? Simpleng babae lang naman ako at minsan balasubas pa ang lumalabas sa bibig ko.
“A-anong ginagawa mo rito?” mahinang tanong ko sa kanya. Lumingon-lingon ako sa paligid namin, wala naman sigurong marites, ano?
Ayoko maging hot issue rito sa street namin. Wala akong inaksayang oras ay hinila ko siya papasok sa bahay namin. Mabuti na lamang wala rito sina Mariel at Ariel, nasa school si Mariel dahil sa club nila at si Ariel naman ay nasa bahay ng kaklase niya at gumagawa ng project.
“Anong ginagawa mo rito?” ulit na tanong ko sa kanya at pinaupo siya sa sofa namin.
Nakita ko ang paglibot ng kanyang tingin sa buong bahay namin. Alam ko namang hindi malaki ang bahay namin.
“Mr. Easton, ano po bang pakay niyo? Bakit po nandito kayo?” Pangatlong beses na ako nagtatanong sa kanya.
“Um, gusto lang kita makita, Gizzy. I know na nabigla ka sa pag-announce ko kahapon after ng prod mo pero totoo ang nararamdaman ko sayo, Gizzy. Kaya bumisita ako rito para ihatid kita mamaya sa club.”
Napapikit ako dahil sa kanyang sinabi. Tama ba ang rinig ko? Nandito siya para tignan ako at ihatid ako mamaya? And, nandito soya para makita lang ako. Teka, ano ba ang shampoo na ginagamit ko ngayon, iyon pa rin naman ‘di ba?
“A-ah, eh, a-ayos lang naman po ako, Mr. Easton. Sabay rin po kaming pumapasok ni Toni sa club kaya goods lang po ako.” ani ko sa kanya at nag-thumbs-up pa ako.
Lumakad ako papasok sa kusina namin at naghahanap ako na p'wedeng ihain sa kanya. Anong ibibigay ko kay Mr. Easton? Tubig? O, kape? O, soft drinks?
Napalingon ako nang may marinig akong yapak na papalapit sa akin at nakita ko sa hamba ng kusina namin si Mr. Easton, nakahilig siya roon habang nakatingin siya sa akin.
“M-mister Easton, a-ano po bang gusto niyo? Tubig, Kape or soft drinks po?” pagtatanong ko sa kanya at umiwas ako ng tingin.
Grabe naman kasi siyang tumitig para akong kakainin ng buhay.
Napalunok ako ng may makita akong paa, nakayuko ako ngayon. Bakit siya lumapit sa akin? Ano ba naman itong si Mr. Easton?!
“What I want, Gizzy?” pagtatanong niya sa akin at ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa aking leeg.
Bakit naman ganito siya kalapit sa akin ngayon? Hindi ba niya alam ang salitang social distancing?
“Um, Mr. Easton, sobrang lapit niyo po.” ani ko sa kanya at umiwas ulit ng tingin.
“Bawal ka bang lapitan ng ganito, Gizzy?” Nagulat ako sa kanyang sinabi. Tinaas niya ang aking mukha gamit ang kanyang daliri kaya napukaw ang tingin ko sa mata niyang kulay light brown.
“Um,” hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para akong napipi bigla dahil sa mga mata niya.
Pinaglapit niya ang aming noo sa isa't-isa at doon ako lalong nagulat nang pinaglapat niya ang noo at ilong namin sa isa't-isa. Amoy na amoy ko na ang mabangong hininga niya.
“Kalma, Gizzy! Kalma!” Pagpapahinahon ko sa aking sarili habang hindi pa rin naaalis ang aking tingin sa kanya. “Kailangan natin makaalis sa position natin ngayon, Gizzy. Masyado pang maaga, okay? S-saka hindi porket nagsabi siya ng manliligaw siya sa akin, e, p'wede na kami sa ganitong position, ano?! Kaya need natin siyang itulak, Gizzy!” Paulit-ulit kong sabi sa aking sarili.
Huminga ako nang malalim at pinakalma na talaga ang dibdib ko. Tinulak ko nang mahina si Mr. Easton. “Um, kukuha pa po ako ng maiinom niyo, Mr. Easton.” ani ko at lumayo na sa kanya.
Ang akala ko na makakalayo na ako sa kanya ay gano'n na lamang ang aking gulat ng hilahin niya ang aking kanang pulsuhan. Gano'n na lamang ang pagkalaki ng aking mga mata ng halikan niya ako sa aking labi.
“Waah!” Gulat kong sabi sa kanya at tinulak siya papalayo sa akin.
Hinalikan niya ako. Nahalikan niya ang labi ko. Ilang minuto ring tumagal iyong halik na iyon kahit sabihin mong nilapat lang ni Mr. Easton ang labi niya sa akin.
“M-mister Easton... B-bakit niyo po akong hinalikan?” pagtatanong ko sa kanya at palihim kong kinukurot ang aking sarili.
“Inakit ako ng labi mo, Gizzy.” Simpleng sabi niya sa akin na siyang kinatulala ko.
“H-huh?” Napanganga akong sa sinabi niya at unti-unting nagsi-sink in sa aking isipan ang kanyang sinabi. Napalayo ako sa kanya ng ilang pulgada. “What do you mean?! Wala naman ginagawa ang labi ko sayo!” Gulat kong sabi sa kanya at tinakpan ang aking bibig.
Hindi pa naman ako nagseselpiyo. Alam ko naman hindi ako nagkakaroon ng badbreath pero nahihiya pa rin ako!
“M-mister Easton, um, p-puwede po bang sa sala na lang namin kayo maghintay?” ani ko sa kanya at napaiwas ng tingin.
Dalawa lang kami rito kaya need kong lumayo-layo sa kanya. Kailangan kong makaiwas dahil gusto pa makapagtapos ng pag-aaral at hindi naman ako patay gutom sa sinasabi nilang s*x.
“Why, Gizzy, naiilang ka ba sa akin?”
Napatawa ako sa sinabi niya sa akin pero kinimkim ko lamang iyon sa aking isipan. Alam mo naman pa lang naiilang ako sayo, Mr. Easton, sana naman lumakad ka na papunta sa sala namin.
“U-um, hindi naman po, Mr. Easton.” Hinila ko ang aking buhok ng palihim. “H-hindi naman po, Mr. Easton! Mainit po kasi rito sa kusina namin, wala pong electric fan.” ani ko sa kanya at tinuro pa ang buong paligod ng kusina namin wala talagang electric fan dito, ceiling fan lang mayro'n kami. “Kaya po sa sala na po kayo maghintay.” Nakangiti kong sabi sa kanya at tinuro ang palabas sa kusina.
“Okay, Gizzy, if ‘yon ang gusto mo. I follow!”
May ngiti niyang sabi sa akin na siyang lalo kong kinailang. “Sige po, Mr. Easton! Feel free at home po kayo.” Mahinang sabi ko sa kanya at napabuga ako ng hangin ng mawala na siya sa harapan ko.
Grabe, ganito ba talaga ang pakiramdam kapag kaharap mo ang isang Maravilla?
Hindi ko pa naman nakikita ng personal ang crush kong si Tucker pero grabe pala ang itsura ng kapatid nilang si Easton.
Napahawak ako sa aking dibdib. “Oh, puso ko, huwag ka muna titibok ang husto.” Paalala ko sa aking sarili at napahawak na lang ako sa gilid ng lababo.