TRIPLE HUB SERIES 2:
U N D E S I R E D
Kabanata 2
NAPILITAN SI SHEEVA na gumising dahil tila yata walang balak ang mga pasaway niyang housemate na tantanan ang pagkalampag at pagkuskos sa pinto ng kuwarto niya mula sa labas.
Ginawa ni Sheeva ang nakasanayan at in–on ang wall bluetooth speaker. Kinonekta niya iyon sa kanyang Android phone sa kabila ng kaunting siwang ng kanyang inaantok pang mga mata atsaka ipinatugtog ang medley ng mga awitin ng paborito niyang local Singer na si Andrew E bago sinubukang ituloy ang payapa niyang tulog.
Kinagigiliwang libangan ng mga housemate niya ang makinig sa mga kuwelang awitin na iyon ni Andrew E. Kapag ganoon ay behave na ang mga ito at hindi na nang–aabala at nangungulit.
Subalit sansaglit pa’y mas lalong lumakas ang kaluskos ng mga kuko sa kaniyang pinto.
She groaned in annoyance. Sumusukong iminulat na lamang ni Sheeva ang mga mata.
“Anak ng sinampalukang pepé! Mga ‘tol, alas otso pa lang. Alas dose ang gising natin. Pambihira!” Reklamo niya sa malakas na tinig na para bang maiintindihan ng mga housemate niya ang kaniyang daing.
Mumukat–mukat siyang tumayo at nagsuot ng tsinelas. Hihikab–hikab si Sheeva nang tinungo niya ang aparador para sumungkit ng itim at mahabang kimono bathrobe. Dali–daling isinuot iyon ni Sheeva sa hubo’t hubad niyang katawan.
Hindi niya mapunto kung gaano na niya katagal na nakasanayan ang matulog ng walang saplot. Basta ang alam niya ay naiilang siyang matulog ng may saplot.
Padabog na lumabas si Sheeva sa master's bedroom at dumiretso sa kusina. Maiingay ang lima niyang housemate na nakabuntot sa kaniya. Sinadya niya roon ang pantry na hindi pagkain ng tao ang laman kung hindi cat food at dog food.
Malaki ang dumadating sa bank account ni Sheeva para sa kaniyang monthly allowance ngunit tanging pagkain at vitamins lang ng mga alaga niyang kalapati, fennec fox at great dane dog ang ibinabawas niya roon.
Tuwing huling linggo ng buwan ay nasa Triple Hub island si Hydrus Hugo dahil sa protocol ng kinabibilangan nitong fraternity. Ibig sabihin ay week off niya rin iyon at sa buong linggong iyon ay nasa Metro Manila si Sheeva. Umi–ekstra si Sheeva bilang tattoo artist sa tattoo parlor na pagmamay–ari ng isang fratmate ni Hydrus na si Grazz Grygor Goldfinger. Doon kumikita si Sheeva para pangtustos sa kaniyang sarili.
Dati ay customer lamang si Sheeva sa Goldfinger Ink Hub hanggang sa madiskubre ni Sheeva ang tila likas niyang talento sa pagta–tattoo. Hanggang haka–haka pa lamang si Sheeva na baka iyon ang profession niya noon. Na baka isa nga siyang sugo ng sining o maaaring impluwensiya ng mga taong malapit sa kaniya noon.
Sheeva got a body modification like inks in her spine, left and right inner bicep, rib cage and in her back and upper shoulder. She also had a helix and belly button piercing. And she have to hide it all in her temple dresses. Ilang beses na kasi siyang inatake ng severe headache sa tuwing pinipuwersa niya ang sariling utak na alalahanin kung ano ang deep meaning ng mga ink niya sa balat. She really felt that all of it has a deep meaning.
Napahawak si Sheeva sa kaniyang sentido at marahas na bumuntong-hininga.
Bilin ng kaniyang doktor ay hindi niya kailangan na puwersahin ang sarili na maghalungkat ng mga nakalibing na memorya sa kaibuturan ng isip niya. Panahon ang magpapasya kung kailan siya dadamayan ng kaniyang mga nawalang memorya hanggang sa lahat ng ibig niyang maalala ay manumbalik na sa isip niya.
Mabilisang inilapag ni Sheeva sa dining table ang limang antique ceramic plate at isa-isa niyang nilagyan ng pinaghalong cat food at dog food.
“Yazhte. Izyazhdam! Come up here, Bass, Kosa, Dope, Abra.” Eat. Eat up! Engganyo ni Sheeva sa naturang niyang mga housemate na nasa bilang na lima na mga fennec fox.
“Salba, food's ready, ‘tol. Ano ba? On diet ka ba, ‘tol?” Pasigaw niyang tawag sa panglimang fennec fox na tila may minamanmanan sa labas ng glass window at hindi ito mapakali.
Karaniwan ay ‘di na magkandaugauga ang mga alaga niyang fennec fox sa tuwing inihahanda na niya sa dining table ang ceramic plate. Kagyat na tatalon ang mga iyon sa lamesa upang kumain pero ngayon palakad–lakad lang ang mga ito at aligaga.
“Inisto–istorbo ninyo ako pero hindi pa naman pala kayo kakain.” Nameywang si Sheeva. Isa–isa niyang dinampot ang apat niyang fennec fox at inakyat sa dining table.
Lumapit siya sa kinaroroonan ng panglimang fennec fox na si Salbakutah o Salba upang dalhin din ito sa lamesa.
Nang aksidente siyang mapalingon sa bintana ay nahuli niya ang tatlo niyang Great Dane sa gate.
Isa lang ang ibig sabihin niyon. May tao sa labas ng beach house.
Dala ng pagmamadali ay walang ibang nahila si Sheeva maliban sa table cloth cover ng center table upang ibalabal sa kanyang leeg upang matiyak na hindi lilitaw ang ink niya sa kanyang batok.
“Oh my Waifu! May lahi ka bang intsik at kay aga mo yatang aakyat ng ligaw?” Bungad niya kay Hydrus nang matagpuan niya ito sa labas ng gate.
He looked dashing as ever. He was embracing his hot and dirty look with his facial hairs but it only enhanced his s*x appeal. With his oriental facial features, passionate black eyes, very masculine charm and macho sexy physique, undoubtedly he would set every women's heart and libido on fire. Much of his skins got inked with new school tattoos and watercolor tattoo styles that made him looked hotter and sexier. At ibang usapan na kung papalarin kang ngitian nito. Tiyak sisilakbo ng husto ang puso mo.
Nga lang, kung inaasam mong ngingitian ka ng isang Hydrus Hugo ay para ka na ring nag–aasam na makakita ng Aurora Borealis sa Manila Bay.
Sa hindi kalayuan ay may dalawang lalaki at isang babae na pinag-aaralan ang buong site at kumukuha ng litrato.
“Morning,” he unemotionally greeted. Parang singaw sa nabiyak na iceberg ang tono nito. Dalawang dipa ang layo nito sa gate.
“It is a yes, Waifu.”
Nagsalpukan ang makakapal nitong kilay gawa ng pagkalito. “Yes? You mean to say you will abandoned that house today so we can proceed with the renovation?”
Napangiwi si Sheeva. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Yes kasi sinasagot na kita. Tayo na ba. I mean, huwag ka nang manligaw. Easy–to–get ako kaya yes agad. Puwede na tayong maglandian. Puwede mo na akong hilahin sa dilim. Puwede mo na akong sisirin at papakin. Love you, Waifu. Ikaw lang, sapat na. Saiyo ako’y handa nang magpa–bira.”
“Ms. Sheeva, hindi ako pumarito para makinig sa mga kalokohan mo. I'm giving you twenty-four hours to leave the house.”
Ilang araw na kasi siyang pinapatalsik ni Hydrus sa beach house na iyon. Nabili kasi nito ang property na katabi lang ng Hydrus Haven kung saan nakatirik ang beach house na tinutuluyan niya.
She was renting the beach house since she came in Poza Rica. It's part of her job to stay close to him. Nagulat na lang siya na naibenta na pala ng mga Longoria ang property na iyon kay Hydrus nang wala siyang kaide–ideya. Kaya pala hindi siya siningil ng renta noong nakaraang buwan.
“Hazky, Smug, Aklas, balik sa kennel.” Utos ni Sheeva sa tatlong great dane dog niya. Nilalabas nito ang matatalas na ngipin indikasiyon na tinataboy ng mga ito si Hydrus.
Marahas na tumahol ang tatlong aso.
“Chill mga ‘tol! Masungit lang iyan pero baby ko iyan. Hindi kalaban si Waifu. Sa takdang panahon ay magiging parte na siya ng pamilya natin.”
Tumigil naman sa pagtahol ang mga aso na kumawag-kawag ang mga buntot bago tumakbo sa kanya–kanyang kennel.
“No thanks, Ms. Sheeva. I'd rather be alone forever than to be a part of your animal kingdom.” Mistulang nagbabaga ang disgusto nito sa kaniya.
“Grabe ka. Mapanakit ka ng damdamin, Waifu. Ayaw mo no’n? Aalagaan na kita, sasambahin pa kita. Iingatan ka, aalagaan ka. Sa puso ko ikaw ang pag–asa.”
“Enough with your bullshits, Ms. Sheeva. In twenty-four hours, I want you out of my property already.” Pinal nitong saad atsaka tumalikod.
“Hindi ako makakapayag!” Singhal niya. Okay sana kung ililipat ako ng masungit na ito sa villa niya nang sa ganoon mas mapapadali ang trabaho ko, ano.
Narinig ni Hydrus ang pagsalungat niya kaya muli itong lumingon. Madilim ang anyo ng mukha at nayayamot. “My property, my word. Don't dare to test my patience, Ms. Sheeva. You won't like it if I run out of patience. Kung hindi ka susunod sa itinala kong palugit, asahan mong sasampahan kita ng kaso. One for your liability for threatening my guests’ safety, second is for trespassing the bounds.”
Bagsak ang balikat ni Sheeva nang bumalik sa loob ng beach house.
Sungit–sungit! Walang puso.
Paano na ngayon ang task niya? Malayu-layo pa man din ang residential area sa Poza Rica. Doon marami siyang puwedeng rentahan na bahay nga lang ay mga isang kilometro rin iyon mula sa Hydrus Haven.
Hindi maaaring lumayo sa paningin niya si Hydrus. Paano niya ito mababakuran laban sa mga haliparot na babaeng nagkakandarapa rito kung malayo na siya?
Hindi siya maaaring pumalpak.
Nahihilo na siya sa kakaisip kung ano ang susunod niyang hakbang.
Nagpahinga muna si Sheeva at itinigil ang pamomroblema sandali. She blew a sharp breath and decided to go back to her room.
Hindi siya bumalik sa pagkakahilata sa kama. Bagkus ay humarap siya sa dingding kung saan nakadikit ang samo’t saring larawan ng dalawang taong gulang na batang babae.
She scanned the pictures one by one and as for the usual, her heart strangely lightened and relieved.
“Good morning, baby Haven. Heto na naman si Tita Sheeva at kinukulit na naman ang mga picture mo. Hay! Ang sama ng umaga ko dahil sinungitan na naman ako ng Daddy mo. Kung ‘di mo lang Daddy iyon, pinalapa ko na iyon kila Aklas.”
Tinitigan ni Sheeva ang litrato ni Baby Haven kung saan ngiting–ngiti ito habang naghahagis ng pagkain sa artificial swan lake.
“Ang sarap sigurong titigan ng Daddy mo kung nakangiti siya. Ganiyan din siguro ang ngiti ng masungit mong ama, baby Haven. Pero umaasa pa rin ako na babait din siya sa Tita Sheeva mo, baby.”
Habang lumalaki si baby Haven ay nagiging kamukhang-mukha na talaga ito ni Hydrus Hugo. Huwag lang sanang mamana ng bata ang ugali nito.
“SHEEVA, MUKHANG hindi ka naman intersado sa sinasabi ko. I thought you want to stay in the resort.”
“H–ha? Nakikinig ako, Vee! Pabor ako r’yan. Maganda sa katawan ang prenatal yoga. Marami ang makukuha mong benepisyo,” saad niya pero ang mga mata niya ay tutok na tutok kay Hydrus.
Naroon ito sa pavilion na nagsisilbing open dining hall ng Hydrus Haven. Hindi ligtas ang pakiramdam niya sa babaeng kausap nito.
Since she started spying him, iyon ang unang beses na tumagal ng ganoon ang pakikipag–usap nito sa isang babae. Hindi rin ito mukhang bored kahit hindi ngumingiti sa kausap sa pavilion.
“Ano ka ba, Sheev? Lumipas na ang topic natin about sa prenatal yoga class ko. Kanina pa iyon. Hindi ka nga nakikinig.” Natatawang umiling si Vivian.
Nasa loob siya ng souvenir shop sa hapong iyon kasama si Vivian. May sinasabi itong hindi niya masundan dahil panay ang manman niya kay Hydrus.
“I am sorry, Vee. Naiintriga lang ako kay Hydrus at sa babaeng kasama niya. Hindi naman siya ganiyan ‘di ba? He's a womanhater to me.”
Sandaling nilingon ni Vivian ang pavilion na katapat lang ng souvenir shop.
“Ah iyon ba? Hindi naman kasi kung sino lang iyong kausap na babae ni Hydrus.”
“Kilala mo siya, Vee?”
Tumango si Vivian. “That is Architect Nicole Omac. She was Hydrus’ childhood sweetheart. Hindi ko lang sure pero ayon sa narinig ko noon kaya naghiwalay ang dalawa kasi he cheated on Nicole with Paige Zavala. And when he came back from Istanbul, ayon nag–propose siya kay Paige pero she rejected his proposal.”
She blinked unbelievably.
Mang–aagaw si Paige? What the...
“Sa tingin mo, single iyang si Architect Omac, Vee?”
“She insisted she is. But I saw an article online and she was spotted outside Yarick Yarden’s house. Yarick is Hydrus’ fratmate.”
Baaa! Ang ganda. Siya na ang Diyosa. Dalawang TH boys ang tinuhog. Talandi.
“Anyway, as I was saying. Gusto kong i–hire kang assistant dito sa souvenir shop pansamantala. I'm on my second trimester at balak kong umuwi sa Surigao next month. Doon ko balak manganak, Sheev.”
Ah! Iyon pala ang sinasabi nito kanina na hindi niya napagtuunan ng pansin.
“Oh sure!” Iyon ang sagot sa kahilingan ni Sheeva. Kahit ipagiba ni Hydrus ang beach house na iyon, may kuwarto naman sa itaas ng souvenir shop. Puwede na iyon. Mas malapit pa siya kay Hydrus.
“Nga lang ay kakausapin ko ulit si Hydrus tungkol sa plano ko, Sheev. Sana lang ay pumayag siya sa mungkahi ko.”
Dahil naibaling ni Sheeva ang atensiyon kay Vivian kaya hindi niya napansin na nakaalis na pala si Hydrus at Architect Omac sa pavilion.
Nagmamadali siyang nagpaalam kay Vivian upang hanapin ang dalawa. Mahirap na! They were childhood sweetheart at baka may natitira pang spark sa pagitan ng dalawa.
Nang hindi niya makita ang dalawa sa shoreline ay tumakbo na si Sheeva papunta sa private villa ni Hydrus. She jumped on the wooden fence. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang may tumahol mula sa likuran niya.
Her eyes turned into a saucer wide when she found the two scary doberman Pinscher behind her.
Hindi umipekto ang charm niya sa mga guwardiya ni Hydrus at hinabol siya nito.
She jumped into the saltwater pool to get away, totally forgetting that she doesn't know how to swim.
Mabuhay ang tanga!