Chapter 9

5000 Words
JENELYN: MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pagulong-gulong ako dito sa malaki at malambot kong kama na hindi mapakali. Bale nasa sampu ang mga kasama ko dito sa bahay nila Kuya Haden. Limang guard, apat na katulong at si Kuya Aljon na family driver. Lahat kami dito ay pilipino. Ako lang ang bata at wala pang pamilya sa aming lahat na nandidito. Magiliw at mababait naman silang lahat. Napaka-init nga ng pagtanggap nila sa akin at parang boss nila kung pagsilbihan. Napahinga ako ng malalim na napatitig muli sa picture ni Noah. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang. . . magkapatid sila ni Kuya Haden. Ikakasal na siya at malayo na ako sa kanya pero. . . pinaglalapit pa rin kami ng tadhana. Nakagat ko ang ibabang labi habang pinagsasawang pagmasdan ito sa kanyang larawan. Kahit simple lang ang posing nito kung saan nasa harapan siya ng salamin na kinunan ang sariling naka-topless ay abot ng higit isang million din ang react ng mga followers nito. May mga kilalang beauty queen, models, actress at mga anak pulitiko pa nga ang napa-react at comment sa post niya na mina-mine ito. "Haist. Kung alam niyo lang. Ang taas kaya ng libido niya sa katawan. Wasak ang lagusan mo pag natipuhan ka niya'n," usal ko na napahagikhik sa naisatinig habang nagbabasa ng comment ng mga naghahabol ditong patay na patay sa kanya. Napapailing na lamang akong may mga gan'tong uri ng babae na handang ipangalandakan sa social media ang kakatihan. Hindi na iniisip ang dangal basta maipagsigawan lang na gusto nila ang isang lalake. Handang magbaba ng dignidad kahit ipahiya na ang sarili mapansin lang ng kursunada nila. Napabuga ako ng hangin na umayos ng higa at itinabi na muna ang cellphone ko. May jetlag pa rin ako pero nilalabanan ko lang. Kaya nga nagkulong na ako ng silid matapos kumain para magpahinga pero. . . hindi naman ako dalawin ng antok. Napapikit akong inaalala ang mga namagitan sa amin ni Noah. Kahit ang laki ng nawala sa akin dahil sa pagkakamali kong iyon ay kakatuwang wala akong maramdamang pagsisisi sa mga namagitan sa amin. Mapait akong napangiti na napapikit at idinantay ang braso sa noo ko na hinayaan lang tumulo ang luha ko na maalala si Mama at Papa. Masakit sa akin ang mga binitawan kong salita sa kanila pero. . . hindi ko naman na mabawi pa ang mga iyon. Ni minsan ay hindi ako napagtaasan ng boses nila Mama at Papa. Ni hindi ako nakatikim ng palo sa kanila mula pagkabata ko. Naging masunurin akong anak sa kanila at magalang. Kaya nga proud na proud pa ang mga ito na naging anak nila ako. Sa lahat ng achievement ko sa school ay pinagmamalaki nila sa amin. Naghahanda pa nga kami sa tuwing kaarawan at graduation ko. Yearly kasi ay nagtatapos ako na top sa klase ko. Kaya gano'n na lamang sila ka-proud sa akin na ipinagmamalaki nila sa mga kumare at kumpare nila. Lalo na noong malaman nilang boyfriend ko noon si Lander na boss ko. Sobrang saya nila Mama at Papa noong dinala ko si Lander sa bahay at pormal na ipinakilala sa kanila ang nobyo ko. Sa nagdaang panahon ay sa akin umikot ang happiness nila Mama at Papa. Kaya pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko kahit napi-pressured na ako sa studies ko ay ginagawa ko pa rin ang best ko dahil mataas ang expectation ng mga magulang ko. Ayoko silang mabigo sa akin kaya halos isubsob ko na ang sarili ko noon sa pag-aaral. Hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan o kasintahan habang nag-aaral ako. Kaya naman napaka-boring ng naging lifestyle ko sa school ko mula elementary, secondary at college. Saka lang ako nakalaya noong lumuwas na ako ng Manila para magtrabaho. Masyado kasing mababa ang sahod ko sa amin bilang encoder sa munisipyo namin. Kaya napagdesisyunan kong sa Manila na magtatrabaho. Noong una ay ayaw ni Mama na pumayag malayo ako. Pero kalauna'y pinagbigyan din ako. Paulit-ulit nitong itinatak sa isipan ko ang mga habilin niya habang nagdadalaga ako. Kung saan hindi ako basta-basta makikipag nobyo. Lalo na ang ibigay ko ang katawan ko sa lalake. Dahil sa oras na ibinigay ko na ang dangal ko? Marumi na ako. Gusto ko rin naman ang pagdidisiplina niya sa akin. Dahil doon ay napanatili ko ang kalinisan ko kahit umabot na ako sa edad na bentesais. Mahigit dalawang dekada ko ring iningatan ang sarili ko para sa mapapangasawa ko balang araw pero. . . sa isang iglap ay nakuha iyon ng isang istranghero. Kaya nauunawaan ko ang galit ni Mama dahil napahiya din naman sila sa amin. Tiyak na pinagtatawanan na sila ng mga tao doon na naunang ipinagmayabang sa lahat na ikakasal ang unica hija nila sa isang milyonaryong binata. Pero may parte pa rin sa puso ko na nagdaramdam ako sa kanila. Dahil minsan lang naman akong nagkamali. Pero bakit nagawa nila akong saktan ng gano'n? Higit sa lahat. . . ang itakwil ako bilang kanilang anak. Kahit sinabi ko sa kanila na kakalimutan ko na sila at hinding-hindi na ako babalik doon katulad ni Kuya Owah ay may parte pa rin sa puso kong umaasang. . . makakabalik din ako sa bahay. At mabubuo pa kaming pamilya. Nagpahid ako ng luha na pilit ngumiti. Ilang beses na napabuga ng hangin bago dinampot ang cellphone kong nagri-ring. Nangunot ang noo ko na napaayos ng upo pasandal ng headboard na mabasang si Kuya Haden ang caller. Ilang beses pa akong napatikhim dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. "Hello, Kuya?" sagot ko na pina-normal ang boses. "Ahem! Hi, kumusta ka d'yan, Jen? Kumain ka na ba?" tanong nito na ikinangiti kong napatango-tango habang nakalapat ang aparato sa tainga ko. "Uhm. . . oo, Kuya. Kumain na ako kanina. Matutulog na nga eh." Sagot ko na pilit pinasigla ang boses ko. "Oh, I see. Uhm. . . kumusta naman ang flight mo? Ang mga kasama mo d'yan sa bahay? Okay ba sila sa'yo?" magkakasunod nitong tanong na may bumubulong pa sa tabi nitong tila may ibang nakikinig sa pag-uusap namin. "Opo, Kuya. Maayos naman akong nakarating dito. Uhm. . . hwag po kayong mag-alala. Magkakasundo kami ng mga tao dito. Nag-aaya nga sila Manang na mamasyal daw kami bukas dito sa Istanbul. Eh. . . nagkalat daw ang mga gwapong turkish guy dito. Tiyak daw na may makursunadaan ako kahit sa mga kapitbahay," natatawang pagkukwento ko. "What the fvck? Hindi pwede," dinig kong mura ng pamilyar na boses kasabay ng paghagikhik ni Kuya Haden. "Ahem! Yeah, tama 'yan, Jen. Mag-enjoy ka muna d'yan bago ka pumasok ng trabaho. Libangin mo ang sarili mo, hmm? Kung hindi lang kami abalang mag-asawa ay sasamahan ka namin d'yan," saad nito na ikinangiti ko. "Salamat po, Kuya. Pakisabi rin kay Ma'am Sofi na salamat sa pagpapahiram ng mga gamit niya." Sagot ko. "Okay, sabihin ko sa kanya. Uhm. . . sige magpahinga ka na d'yan, hmm? Tawagan ulit kita bukas to check on you. Ahm. . .gamitin mo 'yong card ko, Jen. Hwag mong tipirin ang sarili mo d'yan. Pwede mong gamitin ang perang 'yan, okay?" saad pa nito na ikinangiti kong napasulyap sa credit card na bigay nitong ipinatong ko sa bedside table. "Sige, Kuya. Salamat ulit. Goodnight po." "Goodnight, Jen. Sleep well." Naiiling na lamang ako na bago pa nito naibaba ang linya ay naririnig ko na ang boses ni Noah na nagmumura kaya napapahagikhik ang Kuya nito. Marahil ay nakikinig si Noah sa usapan namin dahil binabaan ko siya kanina nang tumawag siya. Nataranta kasi ako at hindi malaman ang sasabihin kaya binabaan ko siya. Hindi naman na siya tumawag pa kaya hindi ko na rin tinawagan pa. Pero para namang naramdaman ako nito na iniisip ko siya na heto at. . . tumatawag na naman siya! "Aahhh! Yawah naman oh!" reklamong daing ko na nabitawan ko ang cellphone ko at tumama sa ilong at labi ko. "Kalma, Jen. Si Noah lang 'yan. Hindi pa naman niya alam na alam mo na ang mga ginawa niya," pagkausap ko sa sarili na napapabuga ng hangin. Nang makalma ko na ang sarili ko ay saka ko sinagot ang tawag nito. Kabado man pero pinipilit kong patatagin ang boses ko. "H-hello?" Mariin akong napapikit na nautal pa ako kahit pinapatatag ko ang sarili. "Jen naman eh. Nakakainis." Piping kastigo ko sa sarili. "Hey, how are you, hmm? Bakit binabaan mo ako kanina?" Nakagat ko ang ibabang labi sa sinaad nito. Para akong nalulutang na hindi makaapuhap ng maisasagot dito. Heto na naman ang t***k ng puso ko na hindi ko makalma! "Still there?" "O-oo! Uhm, ibig kong sabihin. . . oo, nakikinig pa naman!" Napatampal ako sa noo na nataranta pa ako na sumagot ditong napahagikhik sa kabilang linya! "Ahem! Bakit ka napatawag?" tanong ko na pina-normal ang boses. "Namimis na kita." "H-ha?" "I said I miss you." Impit akong napapairit sa pangungumpirma nito na napakalambing ng pagkakasabi! "Ahem! Babaero nga. Hindi pa nakikita pero namimis na," parinig ko na ikinabungisngis nitong ikinahawa kong natatawa na rin. "Well, yeah. I do admit that. Babaero nga ako. Pero handang magpakatino para sa'yo," banat nitong impit kong ikinairit na narinig nitong malutong na napahalakhak! "Parang sira. Sige na. . . matutulog na ako," pamamaalam ko. "Wait, saglit lang naman. Kwentuhan muna tayo, sweetheart." Ungot nito na ikinalapat ko ng labi. "Sweetheart ka d'yan." Kunwari'y ismid kong ikinahagikhik nito. "Should it be. . .baby? My baby? Or honey? My honey--" "Okay na 'yong sweetheart. Kinikilabutan ako sa mga suhestyon mo," putol kong ikinabungisngis nito. "A'right. My sweetheart." Impit akong napapairit na nagpapagulong gulong sa kama habang nakalapat sa tainga ang cellphone ko na kausap ito. NOAH: HINDI ko maitago ang kilig na nadarama matapos makausap si Jen sa cellphone. Damn. Gustong-gusto ko na siyang sundan sa Istanbul pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. "Damn. Umayos ka nga, Noah. Para kang may tama," kastigo ko sa sarili. "Noah, hindi ka pa tapos magpa-cute d'yan, dude?" pagtawag ni Kuya Delta sa akin. Napangiwi ako na nilingon sila Kuya na nasa gilid ng pool na nag-iinuman. Nagtawanan at apiran pa ang mga ito na ako na naman ang nakitang pagdiskitahan. Kanina ko pa kasi kinukulit si Kuya Haden na magpunta dito para mag-inuman kami. Pero alibi ko lang 'yon dahil ang pakay ko talaga ay ipatawag si Jen sa kanya. Binabaan kasi ako ni Jen kanina noong tinawagan ko. Alam ko namang mapagkaka tiwalaan ang mga kasama niya sa bahay nila Ate Sofi doon sa Istanbul pero. . . gusto ko pa ring makasigurong maayos siyang nakarating doon. Kakamot-kamot ako sa batok na napapangusong lumapit sa mga kapatid kong panay ang pagtawag sa akin. "Hirap ma-inlove, noh?" ngisi ni Kuya Drake sabay tawanan na ikinangisi kong naupo sa pwesto ko kanina at inabot ang beer ko. "Tss. Ang sarap nga eh. Hindi ka maka-relate, Kuya. Wala ka kasi no'n," palaban kong sagot na ikinahalakhak ng mga ito. "Yeah, you're right, young man." Ani Kuya Delta na inakbayan ako. "Masarap naman talaga magmahal. Lalo na kung 'yong mahal mo? Mamahalin ka rin pabalik. Walang kapantay na halaga ang mahalin ka ng taong pinakamamahal mo," pagsang-ayon sa akin ni Kuya Delta na ikinabelat ko kay Kuya Drake na umasim ang mukha. "Tss, be careful, Noah. Iba ang sitwasyon mo, bata. Ibahin mo kina Kuya Delta, Haden at Leon ang sitwasyon niyo ng Jen na 'yan. Ikakasal ka na rin. Hindi ba dapat na 'yong mapapangasawa mo ang mahalin mo? At anong plano mo sa Jen na 'yan? Itatago mo sa publiko? Gagawin mong hidden mistress mo?" seryosong saad nitong ikinatahimik naming lahat. "Ahem! About that thing, Kuya. Nakapag desisyon na po ako. Si Jen ang gusto kong pakasalan at makasama. Kaya si Jen. . .ang pinipili ko sa kanilang dalawa ni Marga," sagot ko na ikinasinghap ng mga itong nagulat sa isinagot ko. "Hindi ba tayo magkaka problema d'yan, bunso?" ani Kuya Leon na ikinahinga ko ng malalim. "Yon na nga, Kuya. Hindi ko pa nakakausap si Marga. Pero nag-usap na kami ni Daddy. Siya ng bahalang kumausap kina Tito Devon. Ako naman kay Marga. Hoping na makausap ko siya ng maayos." Mababang saad kong ikinatango-tango ng mga ito na napapaisip din sa problema ko. "Dahan-dahanin mo lang, bunso. Masakit 'yon sa kanya bilang babae. She's expecting na ikakasal na kayo this week. Mabuti na lang at matalik na kaibigan ni Daddy si Ninong Devon kaya tiyak na hindi tayo magkaka problema kay Tito. Kay Marga lang," saad ni Kuya Delta sa mahaba-haba naming katahimikan na nagpapakiramdaman. "Yeah. I'll do that, Kuya. Salamat sa suporta," aniko na nakipag-toss sa mga ito. HATINGGABI na nang magsiakyat kaming magkakapatid ng kanya-kanya naming silid. Sina Kuya Delta, Haden at Leon ay umuwi na rin sa kanilang mansion. Dumadalaw dalaw na lang kasi sila dito magmula noong may mga naging asawa na sila. Kaya madalas ay sina Kuya Darren at Drake ang kasama ko dito. Ayaw kasi ni Daddy na bumukod na kami. As long as wala pa daw kaming asawa ay dito kami sa poder niya titira. Kaya kahit may mga condo at bahay na kaming lahat ay dito pa rin kami umuuwi sa mansion. Pabagsak akong dumapa ng kama. Nahihilo na rin ako sa dami ng nainom ko. Gusto ko na lamang matulog at bukas ay plano kong puntahan si Marga para makausap ito ng masinsinan. Sana lang mapapayag ko siyang kanselahin ang kasal namin para malaya na akong masundan si Jen sa Istanbul. Napatihaya ako ng higa na naidantay ang braso sa noo habang nakamata sa kisame. Gusto ko sanang puntahan ang pamilya ni Jen sa probinsya nila para kausapin ng tungkol sa amin ni Jen pero. . . nagdadalawang-isip ako. Ang sabi kasi ni Kuya Haden na siyang pinakiusapan kong sundan si Jen ay hindi naging maganda ang pag-uwi nito sa kanila. Binugbog daw siya ng Mama niya at itinakwil siya. Rinig na rinig ni Kuya Haden ang mga paninigaw ng Mama ni Jen sa kanya. Maging kung paano niya sinaktan si Jen ng paulit-ulit. Kahit gustong-gusto daw lumapit ni Kuya noong mga sandaling iyon na ginugulpi ng ina nito si Jen para saklolohan ito ay pinigilan niya ang sarili at hinihintay ng tiempo. Sakto namang lumabas na si Jen ng bakuran nila kaya dumaan na ito at katulad ng inaasahan niya ay humingi ng tulong si Jen sa kanya. Nagngingitngit ang loob ko habang pinapanood ang mga larawan na ini-send ni Kuya Haden sa akin matapos niyang gamutin si Jen at nakaidlip na ito. Puno ng mahahabang kalmot ang mukha, leeg at braso nito. Nagkapasa rin siya sa magkabilaang pisngi na sinampal daw ng ina niya. Kahit nga ang ibabang labi nito ay pumutok sa lakas ng pagkakasampal ng kanyang ina sa kanya. Nakarating na raw kasi sa mga magulang ni Jen ang tungkol sa kasal nitong hindi na matutuloy. May bahagi sa puso ko na nagdidiwang na hindi na tuloy ang kasal nila ni Lander Thompson pero. . . mas nananaig naman ang awa ko para sa mahal ko. Dahil sa namagitan sa amin kaya siya itinakwil ng mga magulang niya. Mabuti na lang at tinanggap nito ang alok na tulong ni Kuya Haden na lumayo na muna siya dito. Tumulo ang luha ko na hindi ko namamalayan. Hindi ko maiwasang makadama ng guilt para sa kanya. Naligtas ko nga siya kay Lander pero. . . nawalan naman siya ng mga magulang. Tiyak na nasasaktan at nahihirapan ngayon si Jen. Pero mag-isa lang siya doon na kinakaya ang lahat. Gusto ko na siyang puntahan doon. Samahan siya, alagaan siya at ibangon siya. Sobrang sakit lang sa akin na. . . kung kailan may babaeng nakaagaw ng attention at nakakuha ng pagmamahal ko ay para namang langit at lupa ang pagitan namin. Para siyang bituin sa kapangitan na tanaw ko na pero. . . hindi ko maabot-abot. "I'm sorry, sweetheart. I'm sorry for causing you too much pain. Papawiin ko lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo. Pangako. . . babawi ako," usal ko na napahalik sa screen ng cellphone ko na naka-wallpaper sa akin ang nakangiting larawan nito. MAAGA pa lang ay naligo na ako at lumabas ng mansion kahit wala pang agahan. Hindi na ako mapaghintay na makausap si Marga. Sana lang ay makausap ko ito ng maayos at maintindihan ako kung bakit kinakansela ko na ang kasal namin. Ayoko ng dayain ang sarili ko. Mahal ko si Jen. At siya ang nais kong makasama ko hanggang sa pagtanda ko. Ayokong sayangin ang pagkakataon ko na maitama ang nagawa ko at piliin ang mahal ko. Kahit naman hindi sinasabi ni Jen ay kita ko sa mga mata niya at dama ko sa puso kong. . .mahal niya rin ako. Marahil ay natatakot lang itong sumugal dahil nakilala niya akong isang dakilang playboy. Aminado naman ako sa bagay na 'yan pero. . . nakahanda akong magpakatino katulad nila Kuya Haden, Delta at Leon na isang ulirang asawa at ama sa kanilang mag-iina. Pagdating ko sa coffeeshop kung saan kami magkikita ay nandidito na ito. Nakaupo sa pinakasulok kung saan walang ibang nasa paligid namin. Napabuga ako ng hangin na kinalma ang sarili bago pumasok ng coffeeshop na nilapitan itong kasalukuyang nagbabasa sa menu ng shop. "Hi, kanina ka pa?" saad ko na naupo sa harapan nito. Napaangat ito ng mukha na matamis na ngumiting makita ako. Pilit akong ngumiti na parang umuurong ang buntot ko na kaharap na ito ngayon. Nagniningning kasi ang mga mata niya na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Sa nakikita ko ay nag-effort pa itong mag-ayos ng sarili bago nakipagkita sa akin. "Good morning, babe. Are you okay?" malambing saad nito na kinuha ang kamay ko. "Uhm, yeah. Kulang lang sa tulog." Sagot ko na pasimpleng binawi ang kamay kong ikinababa ng tingin nito at kita kong napalunok. "Uhm. . . Marga, I'm so--" "Just a minute, babe. Kunin ko lang ang kape natin." Putol nito na matamis na ngumiting tumayo at bumeso pa sa akin bago nagpunta ng counter. Napabuga ako ng hangin na napasunod na lamang ng tingin ditong nag-order sa counter. Saglit lang at iniabot na sa kanya ang dalawang cup ng kape namin na dinala nito. Nag-iwas ako ng tingin nang pumihit na ito paharap na nakangiting nakamata sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang makadama ng guilt. Masaya at makulay ang naging friendship namin ni Marga. Siya ang dahilan kaya nahanap ako nila Daddy. Napayuko ako na nangilid ang luhang maalala ang nakaraan. Kung paano ako napunta sa poder ni Daddy dahil kay Marga. FLASHBACKS: YAKAP ang backpack ko na kinasisilidan ng ilang pares ng damit ko ay lakas loob akong sumakay ng bus noon sa bayan. Sinadya ko talagang magtungo sa sakayan sa bayan para makalayo ng bahay namin. Hindi ko na matiis ang kahayupan ng ama namin kaya naglayas na ako. Maswerte pa rin ako na nakasakay ako ng bus noon na hindi ako napapansin ng konduktor ng bus dahil nag-stop over lang sila noon. Naupo ako sa pinakadulo ng bus at piping nagdarasal na sana walang makapansin sa akin. Wala akong dalang pera maski piso sa bulsa. Naglakad nga lang ako noon na bumaba ng bayan, nakiusap sa kakilalang bangkero na isabit niya ako patawid ng isla na pinagbigyan naman ako. Habang nakasakay ng bus ay may batang nakiupo sa tabi ko. Napakagara ng suot nito habang naka-uniform ng Yaya ang kasama. Napansin ako nitong tahimik sa sulok na malayo ang tanaw. "Hi, you want?' alok nito na nag-abot sa kinakain nitong hamburger. Napalunok ako na hindi ito pinansin. Pero siya namang pagkalam ng sikmura kong kanina pa gutom na gutom. Napahagikhik ito na inilagay sa kamay ko ang hamburger at juice na ikinalingon ko dito. "Are you shy? Don't be. Take it na. Malinis naman 'yan. Look oh? Hindi ko pa siya kinagatan," saad nito sa hamburger na bigay nito. "S-salamat," utal kong sagot na ikinahagikhik pa nito. "You can speak naman pala eh. And you're so cute, ha? Anyway. . .where is your parents? Are you alone?" magkakasunod nitong tanong habang kumakain ng burger nito. "Ahem! Oo, mag-isa lang ako," mahinang sagot ko na ikinamilog ng mga mata nito. "Hwag kang maingay. Isusuksok ko ito sa bibig mo," banta ko na iniumang sa bibig niya ang burger na nakagatan ko na. "But why? Naglayas ka ba?" pangungulit pa nito na ikinabuntong hininga ko ng malalim. "Bakit ba ang dami mong tanong?" iritadong tanong ko. Napanguso naman ito na nalungkot ang mga mata. "I'm just asking. Masama ba?" "Hijo, pasensiya ka na dito sa alaga ko, ha? First time niya kasing sumakay ng bus eh. Nasiraan 'yong van namin sa daan kaya napilitan kaming sumakay ng bus," pagpapagitna ng Yaya nitong nakikinig sa usapan namin ng makulit niyang alaga. "Wala po iyon, Tita. Nakukulitan lang ako. Baka mamaya. . . may ibang makapansin sa akin dito dahil sa kadaldalan niya," mahinang sagot ko na ikinatango-tango naman nito. "Pero. . . hindi sa pangingialam, hijo. Naglayas ka nga ba?" mahinang tanong nito na matiim na nakatitig sa akin. Napahinga ako ng malalim na tumangong ikinasinghap nito. "Diyos ko! Mahabaging Maria!" bulalas nito na natutop ng palad ang bibig. "Saan ang punta mo ngayon niya'n, hijo?" Umiling lang ako na hindi makasagot. Lumamlam naman ang mga mata nito na napahaplos sa ulo ko. "Kung wala kang ibang mapupuntahan? Dalhin na lang kita sa orphanage ng mga amo ko. Maganda doon at mababait ang mga tao. Marami ka ring kalaro doon na katulad mo ay walang mga magulang na nag-aalaga. Pwede ka pa nilang pag-aralin," saad nito na ikinalingon ko sa kanyang napatitig sa mga mata nito. "Totoo po?" "Yeah, it's true! We have an orphanage. We're helping kids like you na walang mapupuntahan," pagsingit ng bata na pinaningkitan ko. "Ikaw ba ang kausap ko?" "Oops." Napalapat ito ng labi na napa-finger piece sign pa na inilingan ko lang. Nangingiti naman ang Yaya nito na palipat-lipat ng tingin sa amin ng alaga niya. "Hayaan mo, hijo. Tatawagan ko ang amo ko para idaan ka na namin mamaya sa orphanage, ha? Tingin ko naman ay mabait kang bata at kita sa mga mata mong may pinagdaraanan ka," saad ng ale na hinaplos ako sa ulo. Nangilid ang luha ko na pilit ngumiti dito bago bumaling sa labas ng bintana. "Inaabuso kasi ako ng Papa ko. Hindi ko na po matagalan ang ginagawa niya kaya lumayas na ako. Ayaw ko sanang iwan ang Mama at kapatid ko pero. . . para akong pinapatay doon sa tuwing. . . sa tuwing." Napayuko ako na napahagulhol na ikinayakap naman ng batang babae na katabi ko. Hinahagod-hagod naman ako sa likod ng Yaya nito na inaalo nila ako. "Tahan na, hijo. Ang mahalaga ay nakalayo ka na. Hayaan mo. . . mapapabuti ka doon sa orphanage. Magpakabait ka lang at mag-aral ng mabuti? Magkakaroon ka ng maginhawang kinabukasan. Siguro kaya kami pinasakay dito para. . . para matulungan ka," saad ng ale na ikinatango-tango kong nanatiling nakayuko. "Maraming salamat po sa pagtulong. Pagbubutihan ko po at hindi sasayangin ang pagkakataon na binigay niyo sa akin, Tita." Saad ko na hinawakan ito sa kamay na napangiting hinaplos ako sa ulo. "Walang anuman, hijo. Uhm. . . ano nga pa lang pangalan mo?" tanong nito. Napapahid ako ng luha na ngumiti sa mga ito. "Noah po." Napatango-tango ito na napangiting hinaplos ako sa pisngi. "Ako naman si Adeng." "And I am Margarette. But you can call me Marga," magiliw na pagsabat ng bata sa gitna namin na ikinabaling ko dito. "Okay, salamat sa pagtulong sa akin, Marga. Friends?" aniko na naglahad ng kamay ditong pinamulaan ng pisngi. "Can I just kiss you?" Napakurap-kurap ako na hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na itong napa-smack kiss sa mga labi ko na napahagikhik. "Ay pambihirang bata ka. Mana ka sa Mommy mong maharot," natatawang ingos ng Yaya nitong ikinahagikhik ng alaga. "Yaya, he's so cute kaya. I like him na," napapairit nitong saad na ikinatawa kong napakamot sa batok. INIHATID nga nila ako sa orphanage pagdating namin ng syudad. Noong una ay mahirap sa aking makihalubilo. Madalas ay mag-isa ako sa isang sulok. Iniisip ang Mama at kapatid kong naiwan sa probinsya. Hanggang sa nakasanayan ko na at nagagawang makipag kaibigan sa mga kasama ko sa ampunan. Tuwing weekend ay nandoon si Marga at Yaya nito para dalawin ako at kulitin. Kaya naging malapit kami ni Marga at nakasanayan ko na ang kakulitan nito. Hanggang grumaduate ako ng highschool at dumalaw itong kasama. . . ang Daddy Devon nito para batiin ako. Unang kita pa lang sa akin ni Tito Devon ay gulat na gulat ito sa itsura ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero. . . kinabukasan ay biglang dumating sa bahay ampunan si Tito Devon kasama. . . ang isang lalakeng kamukhang kamukha ko. Unang kita ko pa lang sa kanya ay iba na ang naging bugso ng damdamin ko. Noong niyakap niya ako ay kusang bumigat ang dibdib ko na napahagulhol katulad nito. Wala pa mang kumpirmasyon pero. . . damang-dama namin ang connection namin sa isa't-isa! Doon ako nahanap ni Daddy Dwight. Kinuha niya ako sa ampunan at iniuwi sa mansion nila. Nakilala ko doon ang iba ko pang kapatid at laking pasalamat ko. . . na ang babait nilang lahat. Lalo na ang Mommy Anastasia namin na mainit akong tinanggap sa kanilang tahanan. Wala pa sa pamilya ko ang may alam kung bakit ako noon naglayas sa amin. Ang alam lang nila ay lumayas ako at nakilala si Marga na naging tulay ko kaya napunta ako sa ampunan nila. Naging madali ang lahat sa akin dahil napakabait ng buong pamilya ko. Nagpatuloy ako sa pag-aaral at nagpatuloy din ang masaya at makulay na friendship namin ni Marga. END OF FLASHBACK. MAPAIT akong napangiti na nagpahid ng luha. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Marga na yakap-yakap ako na humahagulhol sa balikat ko. "Don't leave me this way, Noah. You know that I love you so much since we are young. I can't afford to lose you, babe. Please? Don't leave me," humihikbing pakiusap nito na ikinayuko kong napahagulhol. "Pero, Marga. . . everything was changed. Mahal na mahal kita, you know that. Pero. . . pero bilang kaibigan na lang. Ayokong dayahin ang sarili ko. Please, Marga? Let's just stay as. . . as friends." Malat ang boses na pakiusap kong ikinalakas ng hagulhol nitong mas niyakap ako. "No no no. I can't. I can't let you go. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Noah. Please, naman oh? Don't do this to me. I'll do everything you want just. . .just stay with me. Noah, kahit i-adjust na lang natin ang kasal kung naguguluhan ka. Naiintindihan ko. Naiintindihan ko, babe. Basta. . . hwag mo naman akong hiwalayan. Hindi ko kaya, Noah. Hindi ko kayang mawala ka," humahagulhol nitong pakiusap na mahigpit akong yakap-yakap. Napapikit akong hinayaan lang umagos ang masaganang luha sa mga mata ko. Naaawa din naman ako kay Marga at nasasaktan na nasasaktan ko siya. Pero. . . paano naman si Jen? Paano kami? "Marga, please?" "No. It's final. Go ahead, Noah. Hiwalayan mo ako. . . at magpapakamatay ako," madiing banta nito na kinuha na ang handbag at nagdadabog na lumabas ng coffeeshop. Napalapat ako ng labing nakasunod ng tingin ditong humahagulhol na patakbong nagtungo sa kotse nitong nakaparada lang dito sa harapan ng coffeeshop. Nataranta naman akong sinundan ito nang pinaharurot na lang nito basta ang kotse! Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa na tinawagan ito. Kakaibang kaba ang bumundol sa dibdib ko at kilala ko si Marga. Kung anong sinabi niya? Gagawin niya. Kaagad ko itong tinawagan na sumakay na rin ng kotse ko. "Marga, let's talk, please?" "No! Hindi ako makikipag hiwalay sa'yo, Noah! Hindi! Ayoko!" sigaw nito na humahagulhol. "Okay, okay. Calm down, huh? Hindi na. Hindi na ako makikipag hiwalay sa'yo. Please, bagalan mo ang patakbo mo. Baka maaksidente ka," pakiusap ko na patuloy ang pag-agos ng luha ko. "Who cares!? Hindi ba't gusto mo ng mawala ako?" "No, it's not like that, Marga. Mahal kita, Marga. Please, makinig ka naman sa akin," pagsusumamo ko. "I-adjust na lang natin ang kasal natin, okay? Kapag handa na ako, kapag sigurado na tayo? Magpapakasal na tayo, okay ba?" pangungumbinsi ko. "Really? You mean. . . hindi mo na ako hihiwalayan, babe?" Mapait akong napangiti na tumango-tango kahit hindi ako nito nakikita. "Yeah. I'm sorry, Marga. Tayo pa rin, okay? Please, bagalan mo na ang patakbo mo, ha? Mag-usap ulit tayo." Saad ko. "Okay. Sinabi mo 'yan, ha? Noah, don't leave me, ha? You know that I love you that much." "Yeah. I won't. Umuwi ka na, ha? Mag-usap ulit tayo sa susunod." "Okay. I love you so much, babe." "I love you too." Pagkababa ko ng linya ay napahampas ako ng manibela. "Damn! What should I do!?" JENELYN: MABILIS lumipas ang mga araw at linggo. Naging abala ako dito sa Istanbul. Nagtatrabaho ako sa clothing store ni Ma'am Sofi bilang saleslady doon. Nagpatuloy din ang magandang samahan namin nila Kuya Haden. Kahit nga ang asawa nito ay nakakausap at kulitan ko rin. Pero si Noah? Hindi ko alam sa lalakeng 'yon. Hindi na kasi siya muling nagparamdam. Nabalitaan ko rin na postponed ang kasal nila ni Marga. Hindi na rin siya active sa social media kaya hindi ko alam kung ano ng update sa kanya. Nahihiya naman akong magtanong kay Kuya Haden ng tungkol kay Noah. ISANG umaga. Napabalikwas ako sa kama na parang may humahalungkat sa sikmura ko! Takip ng palad ang bibig na patakbo akong nagtungo ng banyo at dumuwal nang dumuwal! Parang hihiwalay ang mga hita ko sa balakang ko sa sobrang panghihina ko matapos kong magsuka ng tubig. Nanlalambot ako at pinagpapawisan ng malamig. "Oh my God! Hindi pwede," usal ko na may ma-realize ako. Namimilog ang mga matang napahaplos ako sa puson ko na tumulo ang luha. "Gosh. . .b-buntis kaya ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD