JENELYN: MAPAIT akong napangiti na magising na wala naman pala akong katabi. Mabigat ang katawan ko na hindi makakilos sa kinahihigaan. "Panaginip lang ba iyon? Na dumating si Noah dito?" usal ko na hindi mapigilang mangilid ang luha. Naipilig ko ang ulo na dama ko namang totoo ang mga nangyari kanina. Kahit nga ang kaselanan ko ay dama kong mahapdi at namamaga. Imposible namang napasobra ako sa paglalaro sa sarili ko? Kahit halos hindi ako makabangon ay pinilit ko. Nakadamit naman ako 'yon nga lang ay sabog-sabog naman ang kama na parang may nagsagupaan doon. Paika-ika akong naglakad na nagtungo ng banyo dahil wiwing-wiwi na ako. Pero hanggang dito sa banyo ay nakikinita ko pa ang maiinit na tagpo namin ni Noah! Kung paano niya ako inaangkin sa lahat ng sulok. "Imposible, Jen. Na