JENELYN:
MABIGAT ang katawan ko kahit nakahilata lang naman ako ng maghapon at magdamag dito sa apartment ni Dulce na kaibigan ko. Matapos kong umalis ng unit ni Noah kahapon kahit nanghihina pa ako dahil sa pagdating ng fiancee niya, kay Dulce ako tumuloy. Ayoko namang umuwi ng apartment ko at tiyak na nandoon si Lucy. Sa kapal ng mukha ng babaeng 'yon ay tiyak na ako ang kailangang mag-adjust para hindi kami magkita. Sa trabaho man. . . o sa tirahan.
"Hindi mo pa ba haharapin si boss Lander, beshy? Hinahanap ka niya sa akin kanina sa trabaho."
Napalingon ako kay Dulce na magsalita ito. Napahinga ako ng malalim na napapanguso habang nakahilata dito sa sofa niya na nakamata sa kisame.
"Mukha namang nagsisisi 'yong gago. Pero. . . hindi ko sinabing nandito ka o nakita na kita," dagdag pa nito.
"Hayaan mo siya. Wala na akong pakialam sa kanya," bagot kong sagot.
"Teka. . . tama ba itong narinig ko? Wala kang pakialam kay boss Lander? Si boss Lander, ha? 'Yong fiancee mong gago," pangungumpirma pa nitong ikinaasim ng mukha ko.
"Oo nga. Wala akong pakialam sa taong 'yon. Bahala siyang maghanap hangga't gusto niya. Wala na akong pakialam kahit magsama pa sila ng Lucy na 'yon," sagot ko na ikinatanga naman nito sa akin.
"Totoo ba 'yan, beshy? Ang bilis mo naman yatang ipamigay si boss Lander," bulalas nito na tila hindi makapaniwala sa narinig.
"Siguro kasi. . . naglahong parang bula 'yong pagtingin, pagmamahal at respeto ko sa kanilang dalawa. Nakakatawa nga eh. . . ni hindi na ako makadama ng galit o selos kapag naiisip ko ang eksenang 'yon na naabutan ko sa opisina niya. Wala akong ibang maramdaman kundi. . . nandidiri sa kanilang dalawa," sagot ko na ikinahinga nito ng malalim na naupo sa tabi ko.
"Umuwi ka na lang kaya muna sa probinsya niyo, beshy. Tingin ko kasi. . . hindi ka tatantanan ni boss Lander. Sooner or later, malalaman din niyang nandidito ka lang sa apartment kong nagkukulong," pagpapayo nitong ikinatango ko.
"Yeah. Bukas uuwi na ako. Kailangan ko ring ipaliwanag ng harapan sa mga magulang ko kung bakit hindi na matutuloy ang kasal namin ni Lander ngayong linggo," matamlay kong sagot.
Napabuntong hininga naman ito na pilit ngumiti sa akin na hinaplos ako sa ulo.
"Kaya mo ba? Gusto mo samahan kita pauwi?" alok nito na bakas sa tono ang pag-aalala.
Ngumiti akong kinuha ang kamay nitong humahaplos sa ulo ko na pinakatitigan siya sa malalamlam niyang mga mata.
"Okay lang ako, beshy. Salamat at nandito kang sandalan ko ngayong hinang-hina pa ako. Babawi ako sa'yo kapag nakabangon na ako," sagot kong ikinangiti nitong pinipisil-pisil ang kamay ko.
"Ikaw pa ba? That's what friends are for ika nga nila," sagot nitong niyakap ako.
Napangiti akong gumanting niyakap din ito na naipikit ang mga mata. Bawat paghagod ng palad nito sa ulo ko ay para nitong pinapawi ang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay napakasikip na ng syudad na ito para sa akin.
Gusto ko na lamang lumayo na muna sa lahat. Magsimulang muli at ibabangon ang sarili ko sa kinasasadlakan ko ngayong kalungkutan.
"O siya, magpahinga ka na, hmm? Mahaba-haba pa ang byahe mo bukas," saad nito na hinaplos ako sa pisngi.
"Goodnight, Dulce. Salamat for being here for me, ha?"
"Walang anuman, Jen. Goodnight too." Sagot nito na inayos na ang kumot ko bago pinatay ang ilaw.
Pumasok na ito ng silid na ikinabuntong hininga ko ng malalim. Napadantay ako ng braso sa noo na napapikit. Pilit nagpapatangay sa antok kahit hindi pa naman ako inaantok.
Nakagat ko ang ibabang labi na sumagi sa isip ko ang mga namagitan sa amin ni Noah nitong mga nagdaang araw. Mapait akong napangiti na naawa sa sarili ko. Nawalan na nga ako ng bestfriend at fiance. Nawalan pa ako. . . ng virginity. Hindi ko alam kung anong masamang nagawa ko para maranasan ko ang gan'to. Wala naman akong inagrabyadong tao. Naging mabuting anak at kaibigan ako sa lahat. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit. . . sa dinami-rami ng makasalanang tao dito sa mundo ay ako pa ang minalas ng gan'to.
"Makakalimot at makakabangon ka rin, Jen. Hindi man ngayon pero. . . sisiguraduhin kong hindi habang buhay ay nakalugmok ka sa kalungkutan. Babangon tayo. Pangako," pagkausap ko sa sarili na kinukumbinsing malalagpasan ko rin ang pinagdaraanan ko ngayon.
Napabuga ako ng hangin na nagpahid ng luha. Pilit kinakalma at pinapatatag ang sarili ko. Hanggang sa nakaidlip na rin ako na hindi ko namalayan.
NAPAUNGOL ako na may yumuyugyog sa balikat ko. Sobrang hapdi pa ng mga mata kong kulang sa tulog.
"Hoy, Jen. Bumangon ka na. Magta-taxi pa tayo patungong daungan," saad ni Dulce na siyang yumuyugyog sa akin.
"Uhmm. . . anong oras na ba?" inaantok kong sagot na napapaungol ng nagrereklamo.
"Alassingko na. Maliligo ka pa at magkakape. Bangon ka na d'yan," saad nito na tuluyan kong ikinabangon kahit inaantok pa ako.
Napapahikab akong tumayo na nag-inat ng mga braso.
"Maligo ka na doon, Jen. Ihanda ko na ang agahan," saad nito na nasa kusina na at naghahain.
"Salamat, Dulce. Good morning." Nakangiting saad ko na nagtungo na sa banyo.
"Hmm. . . kung hindi lang kita kaibigan eh. Good morning din sa'yo, beshy." Sagot nitong ikinahagikhik kong pumasok ng banyo.
Mabilis akong nagsipilyo at naligo para makagayak na rin. Tiyak na mahaba-haba ang pila ngayon sa pantalan pauwi ng probinsya. Hindi ko pa natatawagan sina Mama na uuwi ako ngayon lalo na ang ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin ni Lander.
Wala pa akong maayos na mairarason sa kanila kung bakit. Naging malapit na rin kasi sila kay Lander at mga magulang nito kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanilang hindi na tuloy ang kasal. Lalo na ang sabihin ang tunay na dahilan kung bakit hindi na iyon matutuloy.
Matapos kong makaligo at bihis ay lumabas na ako ng banyo. Sakto namang nakapaghain na si Dulce ng agahan namin.
"Maupo ka na dito, Jen. Kumain ka na muna bago kita ihatid ng Port." Saad nito na kasalukuyang nagkakape ng sandwich.
"Thanks, Dulce. Favorite ko pa talaga ang mga nakahain, ha?" nakangiting sagot ko na naupo na rin.
Para naman akong hinahaplos sa puso ko na mga paborito ko pa talaga ang iniluto nito ngayon. Sinangag with veggies, pritong itlog, tuyo, longanisa at barakong kape.
"Syempre naman. Hindi naman ito ang huling breakfast natin together, noh?" saad nito na pinaglagyan ako ng sinangag sa plato ko.
"Oo naman. Magpapalakas lang ako sa amin. Babalik din ako," sagot ko na nagsimulang kumain.
"Kailan naman kaya, hmm?"
"Kapag kaya ko na, beshy. Babalik ako," sagot ko na ikinatango-tango nitong kumain na rin.
"Basta kapag kailangan mo ng tulong ko, hwag kang mahihiyang magsabi, ha? Kahit magkalayo tayo ay bestfriend mo pa rin ako. Pasensiya ka na, Jen kung madalas akong prangkang kaibigan pero. . . maipapangako ko naman sa'yong hinding-hindi matutulad ang friendship natin sa friendship niyo ni Lucy. Kapag handa ka na ulit na magmahal, ako ang kauna-unahang taong susuporta at magiging masaya para sa'yo," seryosong saad nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko.
Napangiti akong inabot ang kamay nito na pinakatitigan siya sa kanyang mga mata.
"Salamat, Dulce. Masaya akong naging bestfriend kita. Tama ka, prangka ka nga at sinasabi mo anuman ang opinion mo. Pero mas gusto kitang kaibigan kaysa kay Lucy na malambing nga pero. . . tinatago pala ang baho." Sagot ko na ikinangiti nitong pinipisil-pisil ang kamay ko.
"Hwag mo akong kalilimutan, ha? Hayaan mo. . . kapag may mga free time ako ay maghahanap ako ng ibang kumpanyang malilipatan ko. Para kapag may ibang bakanteng pwesto doon ay tatawagan kita at irerekomenda din sa bagong amo ko. Ayaw ko na rin kasing makatrabaho pa si Lander at Lucy. Baka hindi ako makapagtimpi at ibulgar ko sa kumpanya niya ang kababuyan nila ni Lucyfer!" ingos nito na mahinang ikinatawa kong napatango-tango.
"Sige. Salamat, Dulce."
MATAPOS naming kumain ay sabay na kaming lumabas ng apartment. Magliliwanag na rin kaya kailangan na naming makaalis. Mahirap na. Baka mamaya ay biglang sumulpot dito si Lander. Hindi pa ako handang makaharap ang traydor na 'yon.
"Tara," bulong nito na pinara ang paparating na taxi.
Kaagad kaming sumakay nito sa backseat. "Manong, sa pantalan nga po." Saad ni Dulce na ikinatango ng driver.
Napabuga ako ng hangin na naisandal ang katawan. Malamlam ang mga matang nakatanaw sa labas ng bintana. Pinagsasawa ang mga mata sa mga nadaraanan naming nagtataasang gusali. Tiyak na mamimis ko ang syudad kapag nasa probinsya na ako. Dahil ibang-iba ang buhay dito. . . kaysa sa probinsya.
Umakbay naman ito na ikinangiti kong sumandal sa balikat nito.
"Kaya mo 'yan, Jen. Matatag at palaban ka. Pagbalik mo, sasamahan kita para singilin sila sa ginawa nilang pandudurog sa'yo. Nakahanda akong samahan ka para singilin ang mga taong nanakit sa'yo," saad nito na ikinalabi kong namuo ang luha.
"Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng babaeng gagamitin niya ay si Lucy pa? Gano'n din kay Lucy. Ang dami-dami namang lalake eh. Bakit si Lander pa?" mapait kong turan na tumulo ang luha.
Napapikit ako na sumagi naman ang sa isipan ko ang araw kung saan sinabi ni Lucy sa akin na may natitipuhan siya sa kumpanya ni Lander. Matagal ng may namamagitan sa kanila ng lalakeng iyon, pero hindi siya gusto nung lalake dahil may nobya na ito. Na nilalapitan lang siya no'ng lalake kapag kailangan nito ng paglalabasan ng init.
"Mga walanghiya sila. Matagal na pala nila akong niloloko," mapait kong turan na napahikbi at kuyom ng kamao.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Nabanggit ni Lucy sa akin ang bagay na 'yon minsan, Dulce. Na may lalake siyang kursunada sa kumpanya. Pero taken na 'yong lalake. Matagal ng may namamagitan sa kanila no'ng lalake pero hanggang s*x lang daw. Ginagamit lang siya nung lalake kapag kailangan niya ng paglalabasan ng init ng katawan niya. At dahil gustong-gusto siya ni Lucy ay paulit-ulit naman niyang binibigay ang katawan sa lalakeng iyon." Pagsusumbong kong ikina-igting ng panga nitong namutla sa narinig. "Ang tanga ko, Dulce. Ang tanga-tanga ko na hindi ko manlang napapansin ang galawan nila. Ang tagal na pala nila akong iniiputan sa ulo ko. Now I realize. . . hindi ko talaga naging kaibigan si Lucy. Dahil kung kaibigan ang tingin niya sa akin? Hindi niya maaatim na tikman ang boyfriend ko. Napaka walanghiya nila. Pagbabayarin ko sila sa pagpapaikot nila sa akin. Ginawa nila akong laruan, tanga at katawa-tawa. Naging mabuti ako sa kanila. Minahal ko sila at nirespeto pero. . . ito lang pala ang isusuli nila sa akin?" puno ng pait kong turan na umaagos ang luha.
"Tahan na. Atlis ngayon ay alam mo na. Tapos na ang panloloko nila sa'yo. It's a blessing in disguise na rin na nahuli mo silang dalawa bago pa kayo ikasal ni Lander. Ang gawin mo ngayon. . . bumangon ka, Jen. Magpatuloy ka, magpalakas ka. Kapag handa ka ng bumalik? Nandidito lang ako. Magsabi ka lang at sasamahan kitang singilin ang mga taong wumalanghiya sa'yo." Puno ng sensiridad nitong saad na pinahid ang luha ko.
"Salamat, Dulce." Humihikbing saad ko na niyakap itong natatawang niyakap din ako pabalik habang hinahagod-hagod ako ng isang kamay nito sa likod ko.
PAGDATING namin ng Port ay ito na ang pumila na bumili ng ticket ko pauwi. Gusto pa nga sana nitong sumama sa akin sa probinsya pero tumanggi ako. May mga kapatid din naman kasi si Dulce na sinusuportahan sa probinsya nila. Kaya ayokong lumiban pa ito ng trabaho para masamahan ako. Kaya ko namang umuwing mag-isa. Lalo na't sa bahay namin ako uuwi. May mga mapagmahal na Mama at Papa akong maaabutan doon na magiging karamay ko sa pagbangon ko.
"Beshy, ticket mo. Sige na, pumasok ka na doon." Saad nito na iniabot ang ticket ko.
Pilit akong ngumiti na tumayo mula sa kinauupuan ko na niyakap itong bahagyang natigilan pero yumakap din naman pabalik.
"Mamimis kita, Dulce. Alagaan mo ang sarili mo dito, ha? Saka. . .maganda rin na maghanap ka na ng ibang trabaho. Baka mamaya ay pag-initan ka pa doon ni Lander." Saad ko na ikinatango-tango nitong pinahid ang tumulong butil ng luha ko.
"Ingatan mo rin ang sarili mo doon, ha? Hwag mong kalimutang tawagan ako palagi," pagpapaalala pa nitong ikinatango kong muling niyakap ito. "Sige na, pumasok ka na doon. Mamaya maiwan ka pa ng barko."
"Salamat ulit sa lahat-lahat, Dulce. Mahal na mahal kita. Hindi lang bilang matalik kong kaibigan kundi para na rin kitang kapatid."
Naluluha naman itong ngumiti na tumango-tangong.
"Mahal na mahal din kita, Jen. Hindi man ako malambing at showi na tao pero. . . alam mong totoong mahal kita at kaibigan ang tingin ko sa'yo." Sagot nito.
Muli kaming nagyakapan nito bago ako pumasok ng Port. Bawat hakbang ko ay pabigat naman nang pabigat ang dibdib ko. Masakit sa akin na lumayo pero. . . alam kong ito ang makakabuti para sa aming lahat.
Hindi ko pa kayang makaharap si Lander at Lucy. Si Noah naman. . .masakit man pero kailangan ko na rin siyang kalimutan dahil ikakasal na siya. Aminado naman akong attracted din ako kay Noah. Pero mali na ibigin at pangarapin ko siya dahil. . . pag-aari na siya ng iba. Ayokong agawan ng minamahal ang kapwa ko babae dahil alam ko na ang pakiramdam. . . ng inagawan ng mapapangasawa.
Naupo ako sa sulok kung saan katabi ang bintana. Tahimik na nakasuot ng sunglasses at earphones na nakikinig sa malulungkot na kanta. Naramdaman ko namang may naupo sa tabi ko na binatang ikinalunok ko lalo na't naka-sumbrero ito, sunglasses at facemask.
Pasimple kong sinisilip ito sa peripheral vision ko at kitang matangkad at matipuno ang pangangatawan nito. Maputi din siya na napakabango. Kahit simpleng black shirt at black sweat pants lang ang suot ay napakagwapo at bango niyang tignan!
"Want some?" anito na nag-abot ng dalawang candy sabay tanggal ng suot niyang facemask.
Nahihiya man ay kinuha ko iyon na ngumiti dito kahit hindi ako sigurado kung nakatingin ba siya.
"Salamat, Sir." Sagot ko na isinilid sa bulsa ko ang isang candy habang isinubo ko naman ang isa.
"It's nothing. Anyway. . . saan ang punta mo?" tanong nito na nilalaro-laro sa loob ng bibig.
Napalapat ako ng labing nag-iwas ng tingin dito na humarap siya sa aking napapangiti. Nag-init tuloy ang mukha ko na makitang napakagwapo nito! At ang nakakainis? Kahawig siya ni Noah!
"Uhm, pauwi po sa probinsya namin sa Romblon, Sir." Sagot ko na sa labas ng bintana nakamata.
Ramdam ko pa rin namang nakatitig ito kaya hindi ko magawang lingunin siya.
"Really? Romblon din ang punta ko eh. May maire-recommend ka bang resort na pwede kong pagtirhan ng ilang araw?" saad nito na ikinalingon ko sa kanya.
Matamis itong ngumiti na dahan-dahang inalis ang suot na sunglasses na ikinaawang ng labi ko. Kung gwapo na siya kaninang may suot na sunglasses? Mas triple pa pala kapag walang suot na sunglasses!
"I'm Haden, by the way. You are. . .?" anito na naglahad ng kamay.
Nahihiya kong inabot ang kamay nito na pilit ngumiti.
"Jen po, Sir."
"Nah, you can call me by my name, Jen. Ang lakas kasing makatanda ng malutong mong Sir eh," natatawang saad nito na marahan pang napisil ang kamay ko.
Nag-iinit naman ang pisngi ko na pasimpleng binawi ang kamay ko dahil kakaibang boltahe na ng kuryente ang nadarama ko mula sa kamay nito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero. . . napakagaan ng loob ko sa kanya. Na parang matagal ko na siyang kakilala. At kung itsura lang ang pagbabasehan ay masasabi kong mabuti siyang tao.
Kita at dama ko rin naman na komportable siya sa akin. Bagay na lihim kong ikinangingiti sa isip-isip ko.
"Sige po, Sir--uhm. . . Kuya H-Haden," mahina at nauutal kong sagot na ikinangiti nitong lalo niyang ikinagwapo!
Para tuloy lulukso ang puso kong kanina lang biguan pero ngayon ay tumitibok-t***k na naman! Kasalanan 'to ng Noah na 'yon eh. Napakalandi naman kasi. Nahahawa na yata ako sa kalandian niyang taglay!
HABANG nasa kahabaan ng nakababagot kaming byahe ni Kuya Haden ay kung saan-saan na nakarating ang kwentuhan namin. Makulit kasi ito at palakwento din. Hindi siya mayabang kausap na napaka lambing ng boses nito. Idagdag pang palangiti siyang tao kaya hindi siya nakakailang kausap.
Kung saan-saan na rin kami nakarating dito sa loob ng barko. Hanggang sa tumambay na kaming dalawa sa cabin. Dito nagkwentuhan ng mga ganap sa buhay na parang ang tagal na naming magkakilala kung mag-usap.
"You must be hungry now. Tara, kumain na muna tayo. May baon ako dito," kindat nito na kinuha ang backpack nito at nilabas doon ang dalawang lunch box na ikinalapat ko ng labing nangingiti.
Sayang lang at may asawa na pala siya. Ang sabi niya ay plano sana nitong bumili ng isla dito sa Romblon kaya siya nagawi dito.
"Tikman mo 'to. Luto ng wifey ko. Masarap 'yan," anito na napakasigla ng tono.
Nangingiti kong tinanggap ang bigay nitong disposable spoon at kumuha sa baon nitong pork adobo at walang kahiya-hiyang sinubo iyon.
"How is it? Masarap, 'di ba?" tanong nito na bakas sa tono ang pagmamalaki.
Tumango-tango ako na nagsubo ng kanin na hawak ko. Habang hawak naman nito ang ulam.
"Masarap nga po, Kuya. Mukhang. . . swerte din kayo sa asawa niyo," sagot ko na sinasabayan na itong kumain.
"Oo naman, Jen. Ang swerte ko sa misis ko. Kaya nga araw-araw ay pinagbubutihan kong maging ideal husband nito para hindi siya magsawa sa akin," nakangiting sagot nito na kita nga sa mga mata niya kung gaano niya kamahal ang asawa.
"Sana all po."
Natawa naman ito sa sinaad ko. "You know what? May nakababata akong kapatid. Tiyak na magkakasundo kayo no'n. Tingin ko nga eh. . . bagay kayo sa isa't-isa," makahulugang saad nito na napakindat pa.
Nag-init ang mukha kong nag-iwas ng tingin ditong nangingiting nakamata sa akin.
"Gusto mo ba siyang makilala? Ibigay ko ang number niya sa'yo," patuloy nitong panunudyo na ikinaiinit lalo ng pisngi ko.
"Ahem! Gwapo naman po ba katulad mo, Kuya?" pamamatol kong ikinahagikhik nitong tumango-tango.
"Naku, mas gwapo pa nga 'yon sa akin eh. Sa aming lahat na magkakapatid kapag nakita mo kaming lahat? Tiyak na ako ang pinakapangit. Ang gugwapo ng mga kapatid ko eh. Kabaitan lang ang lamang ko sa kanila," natatawang saad naman nitong ikinahahawa kong natatawa na rin. "Akin ng cellphone mo. I-save ko ang number niya. Sabihin ko rin sa kanya para mapaghandaan niya ang message mo," saad nito na hiniram ang cellphone ko.
Napapalapat ako ng labi na may cell number nga itong ni-save sa phone ko bago ibinalik iyon sa akin.
"Mr No?" sambit ko na napatingala ditong napahagikhik.
"Ahem! Siya kasi si Mr No. Madalas no ang sagot kapag may hinihingi kami sa kanya. Pero pagdating naman sa babae ay galante siya," kindat nitong napapahagikhik sa paliwanag.
Napatango-tango naman akong naniwala sa alibi nito. Hindi naman kasi siya mukhang manggagantyong tao. Ang sarap at gaan nga niyang kasama. Dahil sa kanya ay hindi ako nabagot sa ilang oras na byahe namin dito sa dagat.
MAGDIDILIM na nang makarating kami ng Romblon. Kasabay ko naman si Kuya Haden na lumabas ng barko.
"Malayo ba ang bahay niyo dito? Baka gusto mong sa resort na tutuluyan ko na muna magpalipas ng gabi. It's okay with me. Ikuha na lang kita ng silid mo." Saad nito habang palabas kami na nakaakbay sa akin.
"Okay lang po ba, Kuya? Malayo pa po kasi ang bahay namin dito sa bayan. Kailangan ko pang sumakay ng motor at bangka bago makarating ng barangay namin. Pero. . . kapag gan'tong oras ay wala ng masakyan," sagot ko na ikinatango-tango naman nito.
"Sure. No problem, Jen. Bukas ka na lang umuwi kung gano'n. Isa pa. . . delekado din sa'yong bumyahe ng gabi na mag-isa ka. Tawagan mo na lang ang parents mong bukas ka pa makakauwi, hmm?" saad nito na ikinatango at ngiti ko.
"Salamat, Kuya."
"Ikaw pa ba? Especial ka sa akin eh," kindat pa nitong ikinatawa kong napailing.
Lihim akong nangingiti na inakbayan ako nitong inakay palabas ng Port. Nagtataka naman ako na may hotel staff ang naghihintay sa kanya dito sa labasan na may karatula pang dala-dala nakasulat doon ang katagang. . . 'Welcome to Romblon, Sir Haden.'
"Tara," saad nito na inakay na ako sa kinaroroonan ng dalawang staff na naghihintay sa kanya.
Mukhang nakilala naman siya ng mga ito na sinalubong kami ni Kuya Haden.
"Hi, guys. Uhm, I'm with my little sister Jen. Handa na ba ang sasakyan?" nakangiting saad nito sa dalawa na napayuko pa sa amin.
"Yes, Sir. Tara na po," sagot ng mga itong ikinangiti at tango ni Kuya Haden na sinundan namin ang dalawa sa parking lot.
"Thank you," magiliw nitong pasasalamat na pinagbuksan pa kaming dalawa ng pinto ng van.
"Part of our job, Sir." Nakangiting sagot ng driver namin na marahang isinarado ang pinto.
Habang nasa byahe kami ay kinalabit naman ako nitong ikinalingon ko sa kanya na nagtatanong ang mga mata. Napangisi at iling pa ito na iniangat ang cellphone nito.
"I've texted my little brother. Nangungulit na nga eh. Tawagan mo daw," saad nitong ikinalunok ko.
"Po?"
Napakamot ito sa kilay na matamis ngumiti.
"Sinabi ko kasing may cute na bata akong nakasabayan sa barko. At ibinigay ko ang number niya sa'yo kaya hayun. . . hindi na ako tinatantanan kaka-message na tawagan mo raw." Saad pa nitong ikinangiwi kong hinugot ang cellphone ko sa bulsa.
"Uhm, mamaya na lang po siguro pagdating natin ng hotel, Kuya. Nahihiya pa ako eh," napapangiwing saad kong mahinang ikinatawa at tango nito.
"A'right. Basta tawagan mo, ha? Hinihintay no'n ang tawag mo, okay? sagot nitong ikinatango ko.
Napapalapat ito ng labi na pinamumulaan ng pisngi. Kahit wala itong sabihin ay kita ko naman sa mga mata niyang nanunudyo siya. Na tila. . . kinikilig na siya habang pinaglalapit kami ng kapatid niya.
Ilang minuto lang at nakarating na nga kami sa resort na pinag-book-an nito. Kabisado ko naman dito sa bayan. Maski mga resort dito ay kilala ko at dito na ako lumaki. Kaya kampante akong magtiwala at sumama kay Kuya Haden. Dahil bukod sa magaan ang loob ko sa kanya? Kabisado ko dito sa hometown ko. Hindi ako mawawala dito.
"Let's go?" anito na ikinangiti at tango kong nagpatianod ditong inakay na ako papasok ng hotel.
Namamangha pa ako na sinalubong siya ng mga staff dito na sinuotan pa kami ng shell garland bilang pag-welcome. Mukha ngang hindi siya basta-bastang tao para bigyan pansin ng gan'to ng hotel. Kung sabagay. . . kita naman sa itsura ni Kuya Haden na galing ito sa may kayang pamilya. Kahit simple lang ang suot nito ay nagmukhang elegante pa rin iyon na siya ang may suot.
"Good evening, Ma'am, Sir. Welcome to Dani's beach resort!" masiglang pagbati pa sa amin ng mga staff na ikinangiti naming napapayuko. Pati tuloy ako ay nadadamay.
"Good evening, guys. Thank you so much. I appreciate how you guys accommodate us." Nakangiting saad ni Kuya Haden sa mga itong kitang kinikilig sa kanya.
"You're welcome po, Sir. Enjoy your vacation here!"
Tumango-tango itong nagpaalam na sa mga ito at inakay na akong umakyat ng silid namin.
Pagdating namin sa magkatabing silid namin ay pinagbuksan pa ako nito ng pinto.
"Dito ang silid mo. Uhm, you can take a bath muna para mapreskohan ka. Bababa tayo mamaya para kumain, hmm?" saad nitong ikinatango ko.
"Sige po, Kuya. Salamat po."
Hinaplos lang naman ako nito sa ulo na pinapasok na ng silid ko. Napahinga ako ng malalim na napatitig sa cellphone ko. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na maalala ang nirereto nitong kapatid. Wala sa sarili na napa-dial ako sa number ng kapatid nito at halos hindi humihinga na hinihintay itong sumagot!
Mariin akong napapikit kagat ang ibabang labi ko habang nakalapat ang cellphone sa tainga ko at hinihintay na sagutin nito ang tawag ko.
Napadapa ako ng kama na mahinang napaungol na madama ang kalambutan nito.
"Hello?"
Napadilat ako ng mga mata ko na may baritonong boses ang sumagot mula sa kabilang linya na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko!
"Hello?" muling saad nitong ikinalunok kong naipilig ang ulo.
"Bakit parang. . . may kaboses siya? No. . . imposible namang si Noah ito," piping usal ko na umayos ng higa na napatikhim.
"Ahem! Hi, si. . . si J-Jen 'to. Uhm. . . ikaw 'yong nakababatang kapatid ni Kuya Haden?" tanong ko na pilit pina-normal ang boses.
"Yeah. It's me. Looks like. . . tamang-tama lang ang paglarawan sa'yo ng Kuya Haden ko ah. Sabi niya kasi. . . may anghel daw siyang nakatabi. Sa boses mo pa lang ay masasabi kong. . . tama ang Kuya." Malambing saad nito na ikinasilay ng ngiti ko.
Hindi ko alam kung bakit pero. . . gumaan bigla ang loob ko na kausap ko ito. Pakiramdam ko ay may connection kaagad ako dito kahit hindi ko pa naman siya nakikita ng personal. Nahihiya naman akong tanungin si Kuya Haden ng picture ng kapatid niya para may clue manlang sana ako sa itsura ng kapatid nito. Kung pwede bang. . .ipantapat kay Noah.
"Still there, beautiful?"
Napalapat ako ng labi na nagpipigil mangiti sa lalim ng baritonong boses nito.
"Uhm. . . Yeah."
"Okay ka lang ba? Kumain ka na?" magkasunod nitong tanong na ikinangiti ko.
Sa tono kasi ng pananalita niya ay dama mong sincere ito na may halong paglalambing.
"Okay pa naman. Uhm. . .kakain pa lang eh. Ikaw, kumain ka na?" balik tanong ko na nakakagat ang ibabang labi.
"Hindi pa nga eh. Nagugutom na ako pero wala akong ganang kumain," malungkot nitong sagot na ikinalunok ko.
"Huh? Bakit naman?"
"Eh. . . iniwan kasi ako ng mahal ko eh," matamlay nitong sagot na ikinapalis ng ngiti ko at dama ang lungkot nito.
Para naman akong kinurot sa puso ko na may mabigat din palang pinagdaraanan ito katulad ko.
"Pareho pala tayo."
"Iniwan ka rin ng mahal mo?"
"Hindi. Pareho tayong sawi sa pag-ibig. Ako naman. . .niloko ako ng mahal ko. Pinagpalit niya ako," paglalabas saloobin ko.
Hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko sa kanya. Na tipong kusa akong nagtitiwala at naglalabas ng saloobin dito na walang pag-aalinlangan. Kahit sa cellphone ko lang siya nakakausap ay dama kong. . . mabuti siyang tao. Siguro dahil nakilala ko ang Kuya Haden niya na kay bait at marespetong lalake. Kaya magaan din ang loob ko sa kanya dahil kapatid niya si Kuya Haden.
"Gusto mo ba tayo na lang?"
"Ha?"
Napakurap-kurap ako na parang lumukso ang puso ko palabas ng ribcage nito sa narinig na sinaad nito! Malutong naman itong napahalakhak sa kabilang linya na unti-unting ikinasilay ng ngiti sa mga labi ko. Ang sarap sa tainga pakinggan ang malutong niyang pagtawa na hindi pinipilit.
"Pwede naman, 'di ba? Iniwan ako, niloko ka. Pwede nating maging sandalan ang isa't-isa," saad nito na ikinainit ng mukha kong impit na napapairit!
"Ahem! Ayoko nga." Paingos kong sagot.
"Bakit? Ayaw mo bang tulungan kitang maka-move-on?" nanunudyong tanong nito.
"Ayoko. Sa personality mo pa lang dama kong. . . babaero ka."
"Fvck!"
Napahagikhik ako na napamura ito at sunod-sunod na napaubo sa kabilang linya.
KINABUKASAN ay inihatid pa ako ni Kuya Haden sa sakayan ng bangka patawid sa kabilang isla. Ibinigay din niya ang cellphone number niya na kung sakali daw at mangailangan ako ng tulong ay hwag akong magdalawang isip na tawagan siya. Lalo na't mananatili daw muna ito ng ilang araw dito sa isla.
Excited akong makauwi ng bahay. Taon din kasi ang nakalipas na hindi ako nakauwi. Mis na mis ko na ang mga magulang ko. Sana lang. . . maintindihan nila ang naging desisyon kong iwanan ng tuluyan si Lander kaysa ayusin ang problema namin.
Inabot din ng dalawang oras ang binyahe ko bago makarating ng bahay. Ilang beses akong napabuga ng hangin na kinakalma ang sarili ko habang palapit nang palapit sa bahay namin. Nangilid ang luha ko na sa wakas ay bumungad na sa paningin ko ang bahay namin.
"I'm home. I'm finally home," anas ko na nagpahid ng luha.
Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa bahay namin na may ngiti sa mga labi.
"Mama! Papa! Nandito na po ako!" masiglang pagtawag ko na excited mayakap ang mga magulang ko!
Pero unti-unting napalis ang ngiti ko na mabungaran ko ang mga itong nandidito sa sala namin na tila inaasahan na nila ang pagdating ko. Ni wala silang kangiti-ngiti at effort na tumayo para i-welcome ako.
"Mama, Papa, nandito na po ako." Mahinang saad ko na pilit ngumiti sa mga ito.
Sa ngangatog kong mga tuhod ay pinilit kong lumapit sa mga itong napatayo. Akmang hahalik ako sa pisngi ni Mama pero isang malakas. . . na sampal ang iginawad nitong ikinamanhid at init ng pisngi kong napatagilid!
Nangangatal ang kamay kong napahaplos sa pisngi ko na namimilog ang mga mata dala ng kabiglaan!
"Ang kapal ng pagmumukha mong magpakita pa dito matapos ang kahihiyang ginawa mo sa syudad! Nakakahiya ka, Jen! Nakakahiya ka!" nanggigigil na bulyaw nito na mahigpit akong sinabunutan at halos kaladkarin na palabas ng bahay!
"Mama! Masakit po! Ano po bang nagawa ko?"
Napahagulhol ako na inaalis ang kamay nitong mahigpit na nakasabunot sa buhok ko. Sa sobrang higpit ay parang matatanggalan na ako ng anit!
"Jennifer, tama na 'yan." Pag-awat ni Papa.
"Hayaan mo ako, Henry! Kailangan turuan ng leksyon ang batang 'to!" Singhal nito.
"Mama, magpapaliwanag po ako. Pakinggan niyo naman po ako," humahagulhol kong pakiusap na nakasalampak ng lupa habang nakasabunot pa rin si Mama sa akin.
"Makinig? Anong pakikinggan namin sa'yo, ha!? Na nakipagtalik ka sa ibang lalake kahit ikakasal ka na! Tignan mo nga ang nangyari ngayon!? Umatras na si Lander sa kasal niyo! Nakakahiya ka, Jenelyn! Nakakahiya kang maging anak! Umalis ka dito! Magmula ngayon. . . iisipin na naming patay na ang mga anak namin! Lumayas ka!"