CHAPTER 1

1929 Words
Minahal Kita Chapter 1 Dapit hapon na sa mga oras na 'to. Malakas ang ihip at hampas ng hangin na nanunuot sa kanyang balat. Malamig na panahon ang dala ng hangin habang kumakapit ito habang sumasayad sa kanyang balat. Nilalamig ang babae na nakatayo lang habang umihip ng pagkalakas-lakas ang hangin. Kasabay noon ay bigla na lang yakap sa kanya ng malakas na hangin. Nilamig siyang bigla na ikinayakap niya ng dalawang braso sa kanyang katawan. Nanginginig ang babae sa lamig. Isang babaeng Ginang ang lumapit sa kanya. May dala ito na pantalakbong na siyang ibinalot sa katawan ng babae. “Halika na, pumasok na tayo sa loob ng bahay. Masyado na malamig dito. Baka mas lalo ka pang magkasakit. Pag hindi ka pa pumasok… if magtagal ka pa dito sa labas." pahayag na sabi ng Ginang. Nag-aalala sa kanya ang kanyang Yaya. Inalalayan siya nito nang hawakan niya sa magkabila niyang nanlalamig na braso. Nasalat ng Yaya niya ang nanlalamig niyang katawan na mas labis nito na ikinabahala. “Nakita mo na, malamig dito sa labas. Antigas kasi ng ulo mo. Ang lamig tuloy ng mga braso mo. Sabi ko sayo saglit ka lang dito. Pero anong ginawa mo? Nagtagal ka pa talaga kung hindi pa kita sinundan at sinundo. Baka nagyelo ka na rito sa labas. Hay, ikaw talaga na bata ka." pahayag ulit ng Yaya niya sa kanya. Nanenermon si Yaya niya, dahil sa kanyang pagtagal na nakatayo sa labas ng bahay 'sa tagal ng ginawa niyang pag-tambay sa labas ng kanilang bahay upang sana ay magpahangin lang. Nilalamig tuloy siya. Nagagalit ang Yaya ng babae. Nag-aalala talaga ito ng sobra. Kasi naman ay tulad ng kanyang nabanggit ng magpaalam siya na lalabas lang saglit. Subalit nagawa niya ang magtagal. Sobrang lalim kasi ng kanyang iniisip. Hindi na niya nakuha ang bumalik sa loob ng bahay. Tila lumipad muli ang kanyang pag-iisip at binalikan ang mga masaya at malungkot na bagay sa buhay niya. "Umiyak ka na naman 'ba?" tanong ng Yaya. “Hindi 'ba nag-usap na tayo na itigil mo na ang masyado pag-iisip. Dahil makakasama lang ito sa'yo. Alam mo naman ang sitwasyon mo sa ngayon. Mas importante ang makapag pahinga ka at umiwas sa maraming problema." paninita nito sa alagang babae. Nakita na naman nito 'ang na niningkit na namumugtong mga mata ng kanyang alaga. Huminga ito. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi 'ba sinabi na sayo 'na makasasama sayo ang madalas na pag-iisip at pag-iyak? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Ang hirap mong pagsabihan, Lara." si Yaya, napaluha sa pagsasalita at panenermon sa kanyang alaga. Nag-aalala ito na pinahid ang luha ni Lara sa mga mata. Niyakap niya si Lara. Maging tuloy si Lara, hindi na rin 'na pigilan ang umiyak. Kusa na bumagsak ang mga luha ni Lara. "Lara, ano 'ba! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Wag mong sayangin ang sarili mo at pahirapan ng ganito. Bakit hindi ka lumabas kasama ng mga kaibigan mo?" Umiling si Lara sa kanyang Yaya. "Bakit hindi ka makipag date sa iba?" Umiling muli si Lara. "Bakit hindi mo buksan ang puso mo sa iba?" nailing ulit si Lara, sumasakit ang ulo niya sa hindi makalimutan na masakit na alaala. Napabuntong hininga siya habang kinuha ang panyo sa bulsa niya at pinahid sa mga mata niya na mugto na sa kangina pa na walang tigil na pag-iyak. "Hindi ko po kaya— Hindi ko po magagawa." sagot niya may kasamang mabigat na paghinga. Lumuluha. "Napakatagal na... Please, Lara kalimutan mo na siya. Tulad ng madalas kong sabihin. Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Ano bang gusto mo na gawin? Bakit hindi mo siya magawang kalimutan at alisin sa buhay mo? Putulin mo na at simulan mo na alisin ang lahat ng mga pwede pang maging kuneksyon na maaaring magdugtong sa inyo, o mga alaala na madalas na nagdadala sayo sa nakaraan para balikan ang kahapon na wala na, tapos na. Kahit anong pag-iisip pa ang gawin mo, Lara. Tapos na ang sa inyo. Nakaraan na lang ang lahat ng mga pinagsamahan n'yong dalawa." pahayag na saad ni Yaya niya. Buntong hininga si Lara. Nan-lalalim ang mga mata niya at nais muli bumuhos ang napakaraming luha sa mga mata niya. Lumunok si Lara. Matapos ay humugot siya ng hininga. “Lara, papatayin mo ba ang sarili mo sa kalungkutan? Na hindi siya ang may kagagawan, kundi ikaw. O, gusto mong patayin ang sarili mo dahil sa ayaw mo lang lumimot at kalimutan lahat ng masasakit na pangyayari sa 'yo?" worried na pahayag ni Yaya niya sa kanya. Hindi na napigilan ni Lara. Bumagsak na naman ang isang katerbang luha sa mata niya. Kahit pinunasan niya na, bumabagsak pa rin at sunod-sunod. Napa hikbi siya. "Lara, si Damian—" putol na pahayag ni Yaya niya. "Si Damian— hayaan mo nalang siya sa ano ang gusto niya. Siguro 'nga ay hanggang doon na lang ang panahon kung saan magkasama pa ka 'yo masaya. Subalit sa mga oras na wala na siya sa tabi mo. Hayaan mo na rin ang sarili mo lumaya sa kanya. Hindi basehan ang mga masasayang pinagsamahan nyo para asahan mo pa na baka sakali balikan ka niya. Siya na rin ang nagsabi di 'ba? Tapos na ang lahat. So, ibig sabihin la 'ng n'on. Kalimutan mo na rin s'ya tulad ng paglimot at paglayo niya sayo." maging tuloy si Yaya niya. Umiiyak na rin ito ng mapahinto sa pagsasalita ng dahil sa kanya na pagkakaalala nito sa kasintahan ng kanyang alaga. Ilang taon na ang lumipas ng magkahiwalay si Lara at Damian. Walang malinaw na paliwanag. Subalit biglaan na lang isang araw. Nagdesisyon si Damian na buwagin, ang anuman na namamagitan sa kanila. Napakabilis na parang isang iglap. Tapos agad ang meron sila. Dahil sa mga pangyayari. Dinibdib ito ni Lara at nagkulong nalang siya sa kanyang kwarto. Hindi na siya lumabas pa ng bahay simula ng iwanan siya ni Damian at matapos ang huli nilang pag-uusap at tapusin ang relasyon nila. Hindi na rin sila nagkita pang dalawa. Nasasaktan pa rin si Lara kahit ilang taon na ang lumipas. Si Damian pa rin kasi ang nilalaman ng puso niya at hindi niya ito maalis-alis sa isipan niya... Kahit ano pang gawin niya sa kanyang sarili. Kahit sa ilang taon nilang nagkahiwalay. Kahit ikinulong niya ang sarili niya sa kwarto. Hindi pa rin siya makawala sa nakaraan at tuluyan makalimot. "Lara, tara na pumasok na tayo sa loob. Magbihis ka rin at palitan mo na itong damit mo. Baka lalo kang lamigin sa suot mong 'to!" sabi ulit na pakiusap na pahayag ng nag-aalala niyang Yaya. Magsasalita pa sana si Yaya niya ng hindi na natuloy pa ni Yaya niya ang nais nito sabihin sa kanya. Tumingala kasi ito at napatingin sa ibang direksyon. Biglang umihip muli ang napakalakas na hangin. Maging si Yaya niya ay binalot at nakaramdam ng panlalamig. Hinawi ni Yaya niya ang lumaylay na buhok ni Lara. Maging ang luha sa mga mata niya na bumagsak kangina ay pinahiran nito gamit ang isang panyo. Huminga rin ito ng malalim habang biglang pumasok sa kanyang isipan at naalala ang araw kung saan ay nagkahiwalay ang kanyang alaga at ang kasintahan nito ng hindi rin niya malaman ang reason maliban sa pagkakaalam niya na bigla nalang nakipaghiwalay si Damian nang walang gaano na malinaw na reason. Naalala din niya na wala naman naging pagtatalo ang dalawa. Lalo na't hindi rin naman nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa ilang taon ng dalawa na naging magkasintahan. Masaya lang ang mga ito palagi. Hindi sila nagkaroon ng kahit konti na pinagtatalunan. Kahit ang isang beses hindi sila nag-away. Wala din sign na nagluko o may babae si Damian. Pero ang masakit. Nagawa nito na umalis at iwan si Lara matapos na makipaghiwalay. Isang pakiusap pa ang iniwan nito kay Lara na mas dumurog sa puso nito. Isang pakiusap na ayaw sana ni Lara. Pero si Damian. Ito ang gusto niya. Mapilit ito at hindi napigilan ni Lara na sundin nalang ang pakiusap nito... “Wag ka nang umasa na babalik pa ako. Wag mo na rin akong hanapin. Wag mong pag-aksayahan ng panahon ang isipin pa ako. Dahil, kahit anong gawin mo. Tapos na tayo! Wala nang magbabago. Hindi na ako babalik sayo." iyak ng iyak si Lara ng araw na yon. Hindi siya makapaniwalang ang lalaking minahal niya ng buong puso. Iiwan lang din pala siya. Humahakbang ang mga paa ni Lara. Pero ang kaluluwa niya parang naiiwan. Ang sarili niya na parang lumilipad. Tinatangay ng hangin palayo. Wala na siya sa sarili na inaalalayan siya ng kanyang Yaya. Subalit ramdam niya ang bigla nalang nawawalan siya ng kanyang lakas at panimbang. Nanlalabo ang mga mata niya. Nanlalambot ang buo niyang katawan. Tila lumulutang sa hangin ang tingin niya sa sarili. Nagbibilang siya sa isip. Isa, dalawa, tatlo... hindi na natapos ang pagbibilang ni Lara sa sampu. Tuluyan na siyang bumagsak. Nawalan ng malay si Lara. Nasalo siya ng kanyang Yaya sa kanyang kamuntikan na pagbagsak sa lupa. "Lara, gising. Lara, gising, gumising ka." ginigising ni Yaya, si Lara, subalit hindi na maimulat nito ang kanyang mata. "Lara" tinapik niya ng mahina ang pisngi ni Lara pero wala pa rin response. Wala pa rin itong malay. Nataranta na si Yaya. "Saklolo" sigaw nito. "Si Lara, Edward" tawag nito sa driver. "Lara, gising, gumising ka!" nagmamakaawa niyang pakiusap sa alaga. Wala pa rin itong malay. Mas kinabahan tuloy ito at hindi na alam ang gagawin sa alaga niya. "Edward" pangalawang beses niyang tawag sa driver. "Bakit? Anong nangyari?" kararating lang ng driver habang mabilis na napaupo na nakaluhod sa harap na nakaupong si Yaya. "Ano bang nangyari?" tanong ulit ng nag-aalala. "Hindi ko alam. Lumabas lang ako dito para sana sundan na siya at papasukin sa kwarto niya. Kaya lang habang naglalakad at nag-uusap kami. Bigla nalang siya bumagsak at nawalan ng malay." paliwanag na pahayag ng Yaya ni Lara. Kinuha ng driver si Lara sa pagkakahawak ni Yaya— Si Yaya ni Lara hindi mabitawan ang katawan ni Lara na walang malay. Hinawakan ng driver nang mabuti ang walang malay na katawan ni Lara. Binuhat niya upang ipasok muna sa loob ng bahay. "Tawagan mo si Doctor De Leon." utos agad ng driver sa Yaya. "Sige!" natataranta nitong sagot. Hinahanap sa bulsa ng suot niyang damit ang cellphone niya. Nanginginig ang mga daliri nito habang dinadial ang numero ng doctor ni Lara. "Bilis! Sumagot ka na Doctor De Leon, please sumagot ka." bulong-bulong niya habang tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. Nag-ring lang ang phone ng tinawagan niya. "Parang awa mo na, Doc sumagot ka." umiiyak nitong pakiusap na bumubulong. Ngunit nakailang ring lang nawala na agad. Napaupo siya na napaluhod. Nawalan ng balance ang mga binti niya. Para siyang bubuwal at susunod sa kanyang alaga. Hindi na niya alam ang gagawin. Ngunit nagdadasal siya na sana sagutin ni Doc ang tawag niya ng sa ganun ay matingnan nito ang kanyang alaga. Inulit niya muli ang pagtawag. Sa halos isang oras niya na pagkontak sa doctor. Sumagot din ito. Sinabi niya ang mga details kung ano ang nangyari at paano nawalan ng malay si Lara. Nakahinga siya ng maluwag. Sinabi ng doctor sa ilang minuto na sinabi nito dadating siya upang tingnan ang nangyari kay Lara. Mas nakahinga na siya at nabawasan ang kanyang pag-aalala. Tumayo na siya upang tunguhin at tingnan ang lagay ni Lara. Madali siyang tumakbo papasok ng bahay. Ngunit sa pagpasok niya sa kwarto ni Lara. Napasigaw siya ng malakas. "Lara..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD