She needed a man.
Kailangan niya nang lalaking may ₱7,000,000 na pwedeng ipahiram.
Pinagmasdan ni Deniah Lillium Lagazca ang ginawa niyang homemade campfire sa gitna ng kanyang living room, wondering if she had officially lost her mind. Hawak hawak niya ang listahan ng mga katangiang gusto niya sa isang lalaki. Loyalty. Intelligence. Humor. A strong sense of family and love for animals. At higit sa lahat, a healthy income.
Halos lahat ng mga kailangan niya ay nakahanda na. Isang piraso ng buhok mula sa isang lalaki na miyembro ng pamilya- hanggang ngayon galit parin ang kuya niya sa kanya dahil dito. A mix of scented herbs at isang maliit na stick para sa... well, she hoped that didn't mean what she feared.
Napahugot siya ng hininga at tinapon sa apoy ang maliit na piraso ng papel. Para siyang tanga sa paggawa ng love spell, pero wala siyang choice at wala din namang mawawala sa kanya. Bilang nagmamay- ari ng eclectic bookstore dito sa Cebu, she figured she was allowed some quirks.
Inabot ni Deniah ang fire extinguisher sa kanyang tabi na hinanda niya kanina pagkatapos ng ilang minuto. Ang usok nito ay nagpaalala sa kanya ng sunog na pizza mula sa kanyang oven. She crinkled her nose, pinatay ang apoy, at nagtungo sa kusina para kumuha ng baso at red wine. Time to celebrate.
Kinakailangang ibenta ng kanyang ina ang Daza. Her family home.
Kinuha niya ang bote ng Cabernet Sauvignon habang iniisip ang problemang kinakaharap ng kanyang pamilya ngayon. Ang kaniyang bookstore ay naka-sangla na at ang iniisip niyang expansion ay kailangan ng mariing pagpa-plano pero wala siyang pera para simulan ito. Pinalibot niya ang tingin sa kanyang Victorian loft apartment, ngunit wala siyang makitang mahalagang bagay na pwedeng ibenta online.
Siya'y dalawamput- pitong taong gulang na dapat nakatira sa isang stylish condo, with designer clothes at may date every weekend. Instead, nag- aampon siya ng mga homeless dogs sa mga local shelter at bumibili ng mga chic scarves to update her looks.
She believed in living in the sunlight, open sa mga bagong opurtunidad, at pagsanuod sa kanyang puso. Unfortunately, none of those traits would save her mother's house.
Sumipsip siya nung ruby red wine, tanggap na niyang wala na talaga siyang magagawa. Ni sino man sa kanilang magkakapamilya'y walang sapat na pera at kapag bumalik yung tax collector, there wouldn't be a happy ending. She was no Scarlett O'Hara. At sa tingin ni Deniah na ang paggawa niya ng love spell to lure the perfect man to her door was going to help.
Tumunog ang doorbell.
Napanganga si Deniah. My God, was it him? Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang suot na oversized hoodie at pajama, may oras pa ba siya para magpalit? Tumayo siya at papasok na sana sa kanyang kwarto nung tumunog muli ang doorbell. Tinungo niya ang pintuan, huminga ng malalim, and reached for the knob.
"About time you answered the door."
Her hopes plummeted. Pinagmasdan ni Deniah ang kanyang half-Filipino half-American best friend, Alana Huxley, at napakunot ng noo. "You were supposed to be a man."
Napa-irap si Alana at tuloy-tuloy sa loob. She waved a hand in the air, flashing cherry red nails, and flopped onto the sofa. "Yeah, mangarap ka. Tinakot mo yung last date mo kaya hindi na kita muling i seset-up. Anong nangyari dito?"
"Anong ibig mong sabihin na tinakot ko siya? I thought he was going to attack me."
Napakurap si Alana. "He leaned in to give you a good night kiss. Dali-dali kang umatras kaya ka natumba, and he felt like an idiot. People kiss after a date, Naya. It's a ritual thing."
Pinulot ni Deniah ang mga ginamit niya kanina at tinapon sa basurahan bago sumagot. "Ang dami niyang kinain na bawang habang kumakain kami at ayaw kong lumapit siya sa akin."
Inabot ni Alana ang wine glass na nilapag niya sa coffee table at tinungga ang laman nito. She stretched out long legs clad in black leather, and hooked her high heeled boots over the edge of the battered table. "Ipaalala mo nga saakin kung bakit boring ang s*x life mo this las decade?"
"Witch."
"Celibate."
Deniah gave up and laughed. "Okay, nanalo ka na. Anong pakay mo at dinalaw mo ako at sa gabi mismo ng Sabado? You look good by the way."
"Oh, thank you. May ka-meet ako mamayang eleven. Gusto mo sumama?"
"On your date?"
Napasimangot ang best friend niya habang nagsasalin ng wine sa kanyang baso. "Mas maganda ka pang kasama. He's a bore."
"O, bat' ka lalabas kasama siya?"
"Hmmm. He looks good."
Napabuntong-hininga si Deniah at naupo sa tabi ng babae. "I wish na kagaya kita, Alana. Why do I have so many hang-ups?"
"Bakit nga ba wala ako?" Sarkastiko nitong sabi, at tinuro ang metal bucket na nasa gilid ng sofa. "So, what's the deal with the fire?"
"G-gumgawa ako ng love spell. To, uh... Get a man."
Tinitiga siya muna nito bago tumawa ng malakas. "Okay. What's that have to do with a bucket?"
Namula ang mga pisngi ni Deniah. She'd never live this down. "Um- to honor the Earth Mother."
"Oh. My. God."
"Makinig ka muna sakin. I'm desperate. Ni hindi ko pa name-meet si Mr. Right at may dumagdag na naman na problema na kailangan kong lutasin, kaya naisipan kong isulat sa iisang listahan."
"Anong klaseng listahan?"
"Isa sa mga kustomer ko ang nagsabi na may binili siyang book on love spell, at nang gumawa siya ng listahan ng mga gusto niya sa isang lalaki, he showed up."
Now, Alana looked interested. "A man appeared in her life with all the things she wanted?"
"Yep. Ang listahan ay dapat partikular. It can't be too general, or supposedly the universe gets confused with your desires and sends nothing. At kapag sinundan mo ng maayos yung spell, the right man will appear."
"Talaga? Patingin nung libro."
Nothing like another single female to make you feel better about the quest for a man. Inihagis niya rito ang maliit na libro, feeling less like an idiot.
"Hmmm. Patingin ng listahan mo."
Tinuro niya ang bakal na timba. "Tinapon ko na sa apoy."
"Huh! Alam kong meron kapang isang kopya sa ilalim ng kama mo. Forget it, I'll get it myself."
Nagmartsa ito patungo sa kanyang canary yellow futon at kinapa-kapa ang ilalim nito. Within seconds hawak na niya ang isang maliit na piraso ng papel, and licked her lips as if she was about to dive into a lusty romance novel. Napabuga ng hangin si Deniah at sumandal sa upuan. Let the humiliation begin.
"Number one," malakas na bigkas ni Alana. "A Mets fan."
Inihanda niya ang sarili sa anumang sasabihin ng kaibigan.
"Baseball!?" Sigaw nito sabay wagayway nung papel sa ere for dramatic effect. "Damn it, bakit number one priority mo ang baseball. Ang boring ng larong yun, buti sana kung basketball. It's a fact in the Philippines there are more basketball fans than baseball, and that wipes out most of the male population."
She gritted her teeth. Bakit ba palagi siyang hinuhusgahan over her choice of sports game? "Baseball nga ang gusto ko."
"You're hopeless. Suko na ako. Number two: loves books, art, and poetry." Huminto ito na parang nag-iisip, at nagkibit balikat. "I accept. Three: believes in monogamy. Very important to the list. Number four: wants children." Tumingin ito sa kanya, "ilan ba gusto mo?"
Napangiti siya sa tanong. "Gusto ko ng tatlo. Pero okay na din ako sa dalawa. Teka, dapat ba sinulat ko kong ilan?"
"No, Earth Mother will get it right." Alana continued. "Number five: knows how to communicate with a woman. Good one. Pagod na akong magbasa ng mga libro about Venus and Mars. Natapos ko nang basahin ang whole series pero wala parin akong clue. Number six: loves animals." Umirap ito, "that's as bad as the baseball!"
Hinarap niya ang kaibigan, "kung ayaw niya sa mga aso pano naman ang volunteer program ko dun sa shelter? At pano kung mangangaso siya? I'd wake up in the middle of the night and find a dead deer staring at me from over the mantelpiece."
"Ang drama mo." Hinampas siya nito sa braso at binalik muli ang atensyon sa papel. "Number seven: has a moral code of ethics and believes in honesty. Ito dapat ang numero uno, but what the hell, I'm not a Mets fan. Number eight: a good lover." She waggled her eyebrows. "Kung listahan ko to? Number two yan sa list ko. Pero proud parin ako at meron ito. Maybe you're not as hopeless as I thought."
Deniah swallowed hard, dread curling her insides. "Keep going."
"Number nine: has a strong sense of family. Makes sense- nakaka-inggit ang relasyon ng pamilya mo. Okay, number ten..."
The clock ticked. Nakita niyang binasa muli ng kaibigan ang pang-sampo.
"Naya, sa tingin ko mali pagkabasa ko sa number ten."
"Probably not."
"Needs seven million available cash." Tumingin ang kaibigan sa kanya, "I need more details."
Umupo ng tuwid si Deniah. "I need a man I can love, with extra ₱7,000,000 thrown in. And I need him fast."
Inobserbahan siya nito at umiling "para saan?"
"To save Daza"
"Daza?"
"Oo, ang bahay at lupa ng mommy ko. You know, yung parang sa movie na Gone with the Wind? Naaalala mo ba yung joke noon ni mommy na we need more cotton to pay the bills? Hindi ko pa nasasabi sa iyo na ganon kalala, Alana. Gusto niyang ibenta pero ayoko. Wala silang pera, at wala din silang ibang mapupuntahan. Gagawin ko ang lahat para makatulong, kahit na mag-asawa. Just like Scarlett."
Alana moaned and grabbed her purse. Nilabas niya ang kaniyang telepono at nagsimulang mag-type ng numero.
"Anong ginagawa mo?" Nilabanan ni Deniah ang takot na lumukob sa kanya sa kaisipang hindi siya naiintindihan ng kaibigan. After all, she'd never asked for a man to solve her problem before.
"Cancelling my date. Sa tingin ko marami tayong dapat pag-usapan. Then, tatawagan ko ang therapist ko. Magaling siya, discreet, and she takes midnight appointments."
Napatawa nalang siya sa inusal ng kaibigan. "You are such a good friend Alana."
"Yeah, tell me about it."