Barrett's PoV
"Mama saan mo ba pinaglalagay 'yong mga long sleeves ko!"sigaw ko kanina pa ako nag hahalungkat ng mga gamit ko dito sa may cabinet pero walang nakalagay doon, putik kung makikita niyo lang ang laman ng kabinet ko matatawa kayo promise ako nag sasabi.
"Andiyan lang 'yan halungkatin mo lang ng halungkatin hehe!"rinig kong sigaw ni mama kaya naman sa inis ko nilabas ko lahat ng damit na nakalagay doon sa kabinet at 'yong mga t-shirt ko na pinag bibili ni mama nilabas ko lahat 'yon, sawakas nakita ko na ang pinakamamahal kong long sleeve na kulay puti.
Agad akong nag bihis at nag ayos ako ng buhok ko, hindi ko akalain na sa ganitong panahon na 'to ginagawa parin akong baby ni mama hindi ko nga alam kung bakit eh. Pinag titiisan siguro siya ni papa? pero bakit kaya ganoon? parang may kakaiba sakanila eh na hindi namin alam ni kuya.
Iniwan kong nakasabog ang mga damit ko dahil may katulong naman kami dito na taga linis lamang pero si mama talaga gusto niya siya ang nag plaplantsa ng mga damit namin ni kuya, gusto niya siya mismo ang mag aayos ng mga gamit ko dito sa loob ng kwarto.
Pag baba ko pa lamang nakita ko na si mama na nag hahanda ng pag kain at ngumiti ito sa akin nakita ko naman nakaupo si kuya sa may dulo kaya tumabi ako sa may gilid, si papa naman nag babasa ng dyaryo kaya naman napa ehem ako.
Sa tuwing kakain kami napaka awkward talaga parang may tinatago sila sa akin pakiramdam ko lang 'yon ah. Syempre ako ang pinakamakulit sa pamilyang ito si kuya kasi walang ginawa kundi ang mag pinta tapos may transaction siyang ginagawa hindi ko nga alam kung ano 'yon.
"Dad do you really want me to do this?"tanong ni kuya kay papa kaya naman napatingin ako sakanilang dalawang nag uusap at may pinakita si kuya na hindi ko naman alam kaya umiwas ako ng tingin, tumingin ako kay mama na nakangiti sa akin.
"Baby heckler alam mo kung gusto mo mag trabaho sabihin mo lang sa papa mo ipapasok ka niya sa trabaho niya."sabi ni mama kaya naman kumuno't ang noo ko anong trabaho naman kaya ang ibibigay sa akin ni papa? Ang pag kakaalam ko CEO siya sa malaking kompanya.
"Well, that's what I want wife I want heckler to work with his brother."sabi ni papa kaya lalo akong nag takha dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin, anong pinag sasabi niyang mag tratrabaho ako kasama si kuya?
"Anong ibig niyong sabihin papa?"tanong ko sakanya at nilapag niya ang dyaryo niya sa lamesa, pinag dikit ang kamay niyang dalawa kasabay ng pag lapag ng pinggan na may kasamang pang breakfast at naging seryoso si papa.
"Do you know that I'm a Mafia Boss?"sabi ni papa kaya naman nagulat ako hindi ba ang mafia boss ay isang pinaka delikado sa buong mundo? Hindi ba pumapatay ng mga tao 'yon pero bakit ganoon ang trabaho ni papa? Sino ba talaga silang dalawa ni mama?
"Hoy arvic! Inaccept ko ba offer mo sa anak natin na mag tratrabaho sila ng mabibigat na bagay?!"pag iingay ni mama at napasama ang tingin niya kay papa kaya naman lalong kumuno't ang noo ko.
Ano ba ang iniisip nila?
"If you will continue on playing with that fvcking video games what dream will you succeed huh?"sabi sa akin ni kuya kaya naman agad akong napayuko, wala akong masabi kahit ni isang salita sa buong buhay ko nakasama ko si kuya at puro pangangaral lang ang binibigay niya sa akin.
"Okay I will accept that, if dad wish it that I will become a Mafia too."seryoso kong sabi at nag simula na akong kumain ng bacon at egg ito lang ang alam lutuin ni mama buti hindi nag sasawa dito si papa? Pero okay lang mahal ko naman 'yan si mama eh.
Habang kumakain kami nag vibrate ang phone ko at pag tingin ko nag text sa akin ang barkada ko na nag aya sa akin kanina na gumala kaya agad akong nag reply na hindi muna ako makakapunta, dahil may importante akong pupuntahan ngayon.
"Barrett after this breakfast you will come to me."sabi ni kuya at tumango naman ako at nang matapos na kaming kumain agad akong napatayo, nag ayos ako ng pananamit ko dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta nitong si kuya.
Saan nga ba? Nako alam niyo naman pag nakikita kami ng mga tao sobrang nag titilian at hindi mo malaman kung anong pinagiisip dahil alam niyo na pinag biyak kami ng mukha at mag kaiba lang sa amin ay ang kulay ng buhok.
Pumasok na ako sa kotse at pumasok na din si kuya sa may kotse, siya ang nag maneho kaya habang nag mamaneho siya tinanong ko siya kung saan kami pupunta at hindi kaagad umimik, umimik lang siya ng hininto niya ang kotse.
"Dad's old territory I know that all his men are still in there protecting something I don't know."sabi ni kuya kaya napatango tango na lamang ako at nakarating kami sa mga gubat gubat, dito pala nakalagay ang isang teritoryo ni papa? Ang layo ah pero bakit sa may gubat?
Is dad really a Mafia Boss who keeps hiding in there?
"I see"iyon lamang nasabi ko dahil inihinto niya na ang kotse at lumabas na kaming dalawa, may dalawang lalaking lumapit sa amin kinuha ang coat ni kuya, ako naman nag hihintay na kunin din ang suot kong coat.
"Hahawakan niyo talaga 'to hanggang sa mamatay kami?"sabi ko at agad naman napatingin dito si kuya kaya binigay ko kaagad ang coat ko hehehe nag bibiro lang naman ako alam niyo na sobrang gwapo ko para ipahawak ang gamit ko sa iba.
"Ang layo naman ng lugar na 'to."bulong ko sa sarili ko at pumasok na kami sa pinakaloob at punong puno ng mga alagad ni papa ang nandito. Ang pag kakaalam ko normal na tao lang si papa pero hindi ko inakala na isa talaga siyang Mafia Boss.
"Sit down."sabi ni kuya kaya naman napaupo ako sa may sofa at pinatong ko pa ang paa ko, wala silang paki kung nakapatong ang paa ko alam naman siguro nila na ako ang boss na dito ngayon pero teka boss din kaya si kuya?
"Now you're sitting like a boss huh?"sabi ni kuya kaya napaupo ako at napaayos ako sa sarili ko, may binibigay siya sa akin na baril na ikinagulat ko kaya napatingin ako sakanya, talaga bang hahawakan ko 'to at magagamit ko 'to?
"Your kidding me kuya? Talaga bang papatay tayo ng masasamang--."hindi ko natapos ang sasabihin ko ng ibigay niya sa akin iyon ng pilitan kaya naman napayuko lamang ako, napatingin naman ako sa hawak kong baril ngayon.
"Of course you are my brother, you are part of this."seryoso niyang sabi at umupo siya sa kabilang sofa na katapat ko lamang, may binigay siya sa akin na isang dokumento na hindi ko naman alam kung anong laman.
"Anong laman nito kuya?"tanong ko sakanya at agad ko 'yon kinuha, pag bukas ko palang isang babae nasa litrato ang bumungad sa akin at sa ibaba niyon may nakasulat na impormasyon kaya agad ko 'yon binasa.
Name : Nina Jadelyn Cobalsius
Birthday: November 5, 1997
Height: 160 cm
Weight: 42 kg
Blood Type: AB
Work: Mafia
Place: SMB DX Building 2 Hotel
Agad akong napangiti dahil maitsura ang babaeng 'to talaga bang ito ang una kong kakalabanin seryoso ba si kuya sa mga pinag bibigay niya saakin? Mamaya mo diyan mainlove ako tapos pati siya mainlove din hays.
"Sige kuya alam ko na ang gagawin ko"sabi ko at agad akong tumayo tinaas ko ang dokumento at ngumisi ako. Sabay talikod at lumabas na ako dito sa teritoryo ni dad sabay ngumisi ako, nag pahatid ako sa isa sa alagad ni papa kung saan nandoon ang babaeng 'yon.
**