Chapter 3

1294 Words
Barrett's PoV Pag kapasok na pag kapasok ko sa bahay namin napatingin dito sa gawi ko si mama at si papa naman wala akong nakitang presensya niya, kaya dali dali kong tinanggal ang sapatos ko at iniwan 'yon doon na nakakalat may nag aayos naman eh. "Nasaan ang kapatid mo?"tanong niya sa akin ni mama at nag punas ito ng kamay dahil kagagaling lamang nito sa may kusina, ako naman hindi ko siya pinansin hindi ko alam kung bakit ako ganito ngayon para bang isa lang akong bata dito na nag lalaro ng video games na walang alam pala. "Hindi ko alam."iyon lamang nasabi ko at umakyat na ako papunta sa taas at pumunta ako sa may kwarto ko, sinarado ko ang pinto at binuksan ko ang laptop ko ichachat ko lang si Claire Blood, mukhang pamilyar naman sainyo ang apelyido na Blood iyon ay anak nila Tita Chloe at Tito Bryan. Ang pag kakaalam ko lang bestfriend daw ni mama si Tita Chloe at si Tito Bryan naman ay kaibigan ni papa, kaya naman hindi ako makapaniwala dahil sa ganoon paraan sila nag kakilala kaya ng ipakilala ako ni mama kay Claire para bang napalapit ako sakanya at siya ngayon ang bestfriend ko. "s**t! Hindi pala naka online ang babaeng 'yon?"bulong ko sa sarili ko dahil naka offline ang nakalagay sa skype kaya naman napa-poker face ako, ano naman kaya gagawin ko ngayon hays tawagan ko na nga lang siya baka sakaling sagutin niya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang numero niya at agad naman itong sinagot kaya ako na ang unang nag salita. "Hello?" [Napatawag ka? May problema ba?]iyon kaagad ang tanong niya sa akin, napaka maalalahanin talaga siya hindi ko nga alam kung kanino siya nag mana kay tito ba o kay tita hindi ko talaga makita sa itsura at ugali niya 'yon. "Naboboring ako gusto mo lumabas ngayon?"tanong ko sakanya at naghihintay ako ng sagot niya nang biglang pumasok dito si Kuya Kal ng biglaan kaya naman napaayos ako ng pagkakaupo sa kama at napataas siya ng kilay. [Ganoon ba? Ako din boring naputulan ako ng net kanina lang walang pang bayad si mom kasi wala pa daw perang natatanggap si dad]sabi niya sa akin kaya naman napatingin ako kay Kuya Kal na nag hihintay sa akin kaya naman napapikit ako ng mariin at sabay talikod para naman hindi niya makita 'yong ekspresyon ko diba? "Ah Claire siguro bukas nalang tayo mag bonding okay lang ba? Kasi may importanteng bagay na dumating dito sa amin"sabi ko habang kakamot kamot ng ulo ko at agad ko 'yon binaba siguro itetext ko nalang siya para naman hindi siya mag tampo. "Anong kailangan mo kuya?"tanong ko sakanya at agad akong tumayo, nilagay ko sa bulsa ko ang phone ko at agad akong nag lakad palapit sakanya dinaanan ko lamang siya, yayaain na naman kaya akong makipagsuntukan nito? "Dad is calling on the telephone he need to talk to you"sabi niya sa akin kaya naman napakuno't ang noo ko, ano naman kaya ang paguusapan namin ni papa? Tungkol kaya 'to sa pagiging Mafia Boss namin ni kuya? Binigay sa akin ni Kuya Kal ang nakalapag sa may drawer sa ibaba nito ang telepono namin kaya naman agad ko 'yon nilagay sa tenga ko at pinakinggan kung anong nangyayari doon malay natin may gyera na pala doon pero biro lang. "Hello papa?"bungad kong sabi. [It's this you Heckler?]sabi ni papa sa akin kaya naman napalunok ako at napatingin ako kay kuya na paalis na, kinausap niya si mama at tinulungan itong mag buhat ng mga damit na lalabahan napakabait ni kuya sa loob niya pero ako kahit na konting bagay hindi ko matulungan si mama dahil puro palpak ako. "Opo papa ako na po ito ano pong sasabihin niyo?"tanong ko sakanya at nag hihintay ako ng sagot niya at tumingin ako sa may labas ng bintana, dahil dito nakapwesto ang telepono kung saan nakakonek. [I want you to go to my territory right now, do you know where it is?]tanong niya sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko, isasama na nga ba talaga ako ni papa sa mga ganyan bagay? Dito na kaya matatapos ang pagiging pasaway ko at kabaliwan? "Alam ko po papa sige po pupunta na ako diyan."pagkasabi ko niyon agad kong binaba ang tawag at napayuko ako saglit dahil hindi ako makapagisip, kailangan kong pag aralan kung paano lumabas kung paano dumepensa, dahil kung hindi magiging lampa ako kagaya na lamang kanina lampa ako babae pa kalaban ko niyon pero hindi ko kayang lumaban dahil babae 'yon at maganda pa siya. Pumunta na ako sa itaas para mag palit ng damit at nag suot lamang ako ng itim na long sleeve at sinuot ko ang relong binigay saakin 'yong mag birthday ako, si Claire ang nag bigay sa akin nito mahalaga sa akin 'to kaya kailangan kong ingatan 'to mahal ang pagkakabili niya sa relong ito. Lahat ng binigay sa akin na regalo pinag tatambak ko lang sa ilalim ng kama ko dahil hindi ko kailangan 'yon itong relo lang talaga ang tinanggap ko. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si mama na nakatayo sa may tapat ng pinto at nag aayos ng sapatos kaya naman lumapit ako doon, kinuha ko sakanya ang sapatos na inaayos niya sa akin sapatos 'to 'yong di ko inayos kanina. "Aalis muna ako mama pupunta ako sa territoryo ni papa saglit lang siguro 'to."sabi ko sakanya at bigla naman siya ngumiti sa akin hindi ko alam kung bakit ganito kabait sa akin si mama, ayokong mawala siya sa tabi ko gusto ko nandito lang siya palagi. "Ingatan mo ang papa mo ah? Dahil siya 'yong tatay na paborito ka"sabi niya sa akin at tumayo na ito, nakita kong papalapit dito si kuya kaya naman napaiwas kaagad ako ng tingin at umupo siya sa tabi ko habang nag lalagay ako ng sapatos sa paa ko. "Mom really adores you."sabi niya sa akin kaya naman nanahimik ako at hinayaan ko siyang umimik parehas na naman kami ng susuotin na sapatos nakakainis bakit kasi ito ang binili ni mama sa amin eh, para tuloy kaming bata nito. "If you are angry about this shoes, then buy a new one. Mom buy this to us to be confirm that we are brothers"seryoso niyang sabi at tinapik niya ang balikat ko kaya naman napatingin ako sakanya, hindi ko maiwasan hindi maiyak pag si kuya ang nangangaral sa akin pag ganito ka komplikado ang sitwasiyon. "Hindi kuya gusto ko nga eh! Gustong gusto ko!"sabi ko at tumawa naman siya ng mahina tuluyan na kaming tumayo, nag paalam na kami kay mama na aalis na kami sabay lumabas na kami at sumakay ako sa kotse ni kuya sumakay na din siya sa driver seat. Hanggang ngayon wala padin akong kotse van lang meron dito at may mag dridrive para ihatid ko, hays bakit kaya ganito kaya? Buti pa si kuya may kotse na sport car pa, hindi ko alam kung anong tatak ng kotseng ito. "Be ready Heckler."narinig kong sabi ni kuya kaya naman napatingin ako sakanya at kumuno't ang noo ko, hindi ko kasi alam kung anong mangyayari pag pumunta kami doon sa territoryo ni papa kasi naman si kuya sanay na sanay na sa mga ganito eh. Kailangan kong alamin kung ano ang unang kwento nila mama at papa kung ano ang nangyari sakanila ng wala pa kami ni kuya sa mundong ito, siguro tatanongin ko lahat ng alagad ni papa ng wala pa kami ni kuya alam ko kasing marami 'yon. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD