Chapter 10 Denise's POV; "Ate."napatingin ako sa pinto ng iluwa nun si Khai na may hawak na tray habang dahandahang lumapit sakin. "Ate sorry na."ani niya habang nakasimangot at inaabot sakin ang Tray. "Ginawa mo ito?"tanong ko bago kuhanin yung tray na agad kinangiti ko ng makitang sunog yung Cookies at may happy face na nakalagay habang yung orange juice ko namumuo yung powder juice. "Halata ngang ikaw."natatawang sambit ko bago iangat ang tingin at tingnan ang kapatid ko. "Bati na tayo ate?"tanong niya na kinatango ko. "Bati naman talaga tayo wag mo lang ulit ako pag aalalahanin okay?"tanong ko na kinatingi niya ng malapad. "Opo ate ubusin mo yan ah gawa ko yan."pagmamayabang niya bago sumampa sa kama ko at umupo. "Uubusin ko talaga?"tanong ko na kinatango tango niya habang ako