Between Now or Never
Kasalukuyang naka sandal ako sa headboard ng kama at hawak hawak ang cellphone nang asungot na tulog sa'king tabi. Masyado nang mataas ang sikat ng araw para pumikit pa at bumalik sa pagkakatulog. Gustuhin ko mang maghanda nang aming umagahan dahil sa nagugutom na rin ako ay hindi ko magawa, wala nun sa motel. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at inayos ang buhok ko mauuna na ba akong maligo? Napahilamos ako sa mukha ko at sinapo ang noo ko, kung ngayon ko pa pagsisihan ay alam kung huli na. Muli akong sumulyap sa kan'ya, sa lalaking kagabi ay nakasama ko sa kama na hanggang ngayon ay ang masarap parin ang tulog. Pagkatayo ko ay ka agad akong dumiretso ako ng banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Mahabang brown na buhay na sobrang gulo dahil sa kung anong giyera ang naganap kagabi. Maputi katawan na andaming pula at kiss mark sa katawan at maputlang mukha. Hindi ko alam kung bakit ang putla ng mukha ko siguro ay dahil sa masyado akong nabigla at napagod sa mga nangyare kagabi.
I sighed and slowy closed my eyes. " Brille, what happened to you? as if first time n'yo nag s*x?" I opened my eyes at dahang dahang tinatap ang magkabila kong pisngi.
Binuksan ko na ang shower at dahan dahan muling ipinikit ang aking mata. Ang sarap talaga mag senti pag may shower sa banyo. Kasi nakikita ko kase sa memes sa sss. Paano ka nga mag se senti kung de tabo? Hinahawi ko ang buhok ko habang inaalala ang sinabi n'ya kagabi sa'kin kung magkakaron man ng chance ay pipiliin n'ya ako. Meron naman talaga s'ya 'diba? pero bakit ugh... napakamot ako ng ulo ko at pinatay ang shower. Bakit hindi pa ba ako nasanay na isa lang yun sa palusot ng mga taong ayaw sumagot ng diretso at hindi rin naman ang ibig nun sabihin ay handang makipag commit at makasama ka na mamatay habang buhay. Ay, Masyado na palang malalalim 'yon pero hindi nga iyon ganun. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa aking pagligo upang mahismasan mula sa pagkalasing kagabi, tama nga siguro 'no na there's a lot of things na bigla mo nalang masasabi 'pag wala ka sa sariling katinuan. Sa sobrang dami kong nainom kagabi ay wala na akong maalala sa mga nangyare sana naman wala akong katratanduhan na ginawa.
"Hep hep, hoy! saan ka pupunta?" nagmadali akong hilahin ang braso nito para harangan. Kalalabas ko lang nito mula sa banyo at nakatapis pa ako ng tuwalya. Nasa dulo kase ang shower area sa banyo kaya hindi ko rin napansin na pumasok pala s'ya dun.
Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na walang ka react reaction sa mukha. Blankong expression lang binigay nito sa akin at saka lumunok.
"What?" naiiritang tanong n'ya. Habang nasa loob ng magkabilaang bulsa ang mga kamay neto.
Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya "Asan ang bayad mo? wala na akong pera eh." siningkitan ako nito ng mata.
"What the hell seriously? How did you come up here if you-" I cut him off. Hindi ba pwedeng naubos lang?
"Ssh" I placed my index finger on his lips,inalis ko rin ito agad pinunasan din neto ka agad ang labi n'ya. "We stayed here for almost 2 days na ano,2,500 na nga yung bill kahapon e what more-" hindi pa ako tapos magsalita ay hinarang neto sa mukha ko ang ilang libong pera at isa isang nahulong sa sahig. Tinitigan ko lang ang mga pera na nahulog at saka muling tumingin sa asungot na nasa aking harapan.
Bastos. Walang modo.
"Nagmamadali ako brille okay?" tumingin ito sa sahig kung saan nahulog ang mga perang hinarang neto sa mukha ko. "Go,take it. I don't have enough time para makipag usap pa."
"Wow," I chuckled. "Talaga?"
"Wala akong oras brille, kailangan ko pang sunduin sa samantha. Bahala ka kung kukunin mo o hindi aalis na ako."
"For what? Kayo na ba?" Pinipilit kong maging bingi upang maging sa handa sa kung ano man ang kan'yang magiging sagot. Gustuhin ko ring maging manhid ngunit masyado masakit para hindi maramdaman. Kung tumakbo lang sana ako at umatras hindi sana ako napako sa kung saan ako ngayon nakatayo.
"Its none of your business. Mind your own business we're not that close para ikwento ko sa'yo ang buhay ko." Itinulak ako neto ng marahan at tuluyan akong iniwan ang pagsara ng malakas na pinto na lamang ang narinig ko. Napailing nalang ako at napag buntong hininga.
Aaaa, kahit kelan ka talaga! napayukom ako habang nakatingin sa higaan. Ano pa nga bang inaasahan ko,bwiset talaga yun. Bumalik ulit ako sa banyo upang magbihis.Hindi ko pinulot ang pera na hinarang neto sa pag mumukha ko kanina dahil sa oras na mag krus muli ang landas namin isasaksak ko sa baga n'ya yun. Sinuklay ko na ang buhok ko pagkatapos kong mag bihis, naglagay lang ako ng sunscreen at bb cream pagkatapos ay kinuha ko na ang mga gamit ko. Muli kong binalikan kung saan nagkalat ang pera at inilagay sa bag ko. Humanda ka sa'kin Kaiden! Ibabato ko talaga sa iyo to!
Pagpunta ko ng lobby ay maraming mga nakapila na mag che check in din. Febuarary ba ngayon at dagsa ang mga gustong magpayaning? joke lang. Pumila nalang din ako at nakatingin na lang sa baba ayukong may makakilala sa'kin at bigla akong tawagin nakakahiya. Sa dami daming lugar sa pwede nila ako makita ay dito pa talaga. Paniguradong gugustuhin ko na lang kainin nalang ng tiles ngayon kesa ang sagutin kung bakit nga ba ako andito at mag isa pa? Masturbate sa ibang lugar lang ganun? Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso.
"Miss from room 46, 2 days mahigit po kami dun." paliwanag ko tumangi lang ito habang nagta type sa computer.
"3,200 po ma'am." Inabot ko na ang bill na 3,500. "Thankyou po,come again!" sabay abot nito ng sukli,ngumiti lang ako ng mapakla.
Come again? kung may suki card dito ay paniguradong meron na kami este ako. Ayuko s'yang isipin pagkatapos n'ya akong iwan. Ilang beses ba naman kami bumalik sa motel na 'to kada linggo. Pagkalabas ko ay ka agad akong pumara ng taxi, may huminto naman ka agad. Sumakay na ako sa loob ng taxi at inayos ang pagkakaupo ko.
"Sa alabang po,ito" sabay pakita ng direction papunta sa bahay.
Pinaandar na n'ya agad ang taxi at mabilis itong nag da drive. Hindi naman ako nag mamadali manong siguro pwede na'ting bagalan. Natawa nalang ako sa iniisip ko hindi naman ako halata dahil sa hawak hawak ko nga ang cellphone ko. Andami kong unread messages at ni isa sa mga yun ay wala ang inaasahan kong mensahe, pumunta ako sa ig para tingnan ang stories n'ya at sa inis ko ay inunstall ko ang ig ko.
So ito na yun? game over na? tapos na? teka ganun nalang yun? wala man lang formal goodbye? teka sino ba may kasalanan 'diba ako naman? Wala akong dapat mag maarte ngayon dahil ang lahat ng ito ay ginusto ko. Hindi nga lang ako nagplano hindi ko naman kase inisip na possible pala yung gan'to. Sabagay ilang linggo na rin kaming mas napapadalas na mag kita para lang mag motel at walang matinong usapan. Isa na rin siguro sa dahilan ay ang nagkakaron na sila ng maayos na relasyon, I mean feelings is mutual yung ganun. Pumikit nalang muna ako sa byahe, lilipas din naman 'to ang tanong kelan? Kung pwede lang sana ako maging bula ngayon ay gagawin ko na.