Nakatingin lang ako sa likuran ni Agape noong naglalakad na kami sa parking lot. Pinatunog niya ang kaniyang puting Camaro na naka-park sa hindi kalayuang lugar mula sa SUV ni Hennessy. Pinanliitan ko ng mata ang likuran niya na para bang may masama akong gagawin sa kaniya anumang oras.
Masiyadong nakaka-offend ang ginawa niya. He acted like he does not know me. Aaminin ko, it hurt like hell, huh?
Nakasimangot ako sa pagkasakay ko. Naunang umalis ang SUV ni Hennessy at nang tingnan ko sa side mirror, nakasunod na ang puting Camaro niya. I mentally rolled my eyes.
Dahil iisa lang ang direksyon papunta sa hospital at sa opisina ni Agape, patuloy ko siyang natatanaw sa likuran namin. But when we hit the highway, sobrang bilis ng patakbo niya. He overtook Hennie’s car with his camaro at parang hanging iniwan kami.
“Woah, show off…” tumatawang sinabi ni Hennessy.
Tumingin ako sa kaniya. He smirked at me.
“Pasalamat talaga ‘yang Luna na ‘yan at hindi ko dala ang sportscar ko.” he said playfully.
Umiling ako.
“I heard from Nera that you knew each other.” sabi ko.
Tumango siya.
Mahiwaga ang rivalry nila. Sa elevator pa lang, ramdam ko na ang tensyon sa pagitan nina Hennessy at ni Agape. Pero dahil ayaw kong malaman nila ang koneksyon namin ni Agape, I stopped myself from asking too many questions. Malalaman at malalaman ko rin naman. I could wait.
“We are classmates before. We always fight for the top spot in everything. Rankings, awards and even girls…”
Tumaas ang kilay ko.
What should I expect?
Eh, pareho silang playboy. But it was so amazing that they are both successful now. A businessman and a successful doctor.
Nakarating na kami sa hospital. Naghiwalay na kami ni Hennie. Sinalubong ako ng mga trabaho. Nag-rounds ako kasama ang mga interns.
"Lina, please observe room number seven and track vitals every hour. Please jot it down so I could compare later." utos ko sa isang intern na na-assign sa akin.
Ito ang gusto ko sa pagiging isang doctor. Nakikilala ko ang iba’t-ibang tao. I prescribed some medicines sa isang batang pasiyente. Hennessy knocked on the patient’s door and smiled at me.
Binalik ko ang tingin sa papel at nagsulat muli.
“Hey, I need second opinion. It’s about my patient’s case.” Aniya.
Tumango ako at iniabot na sa nurse ang sinusulat ko at nilagay ang ballpen sa aking coat at lumapit sa kaniya. Nagpunta kami sa lab para tingnan ang mga test result ng isang batang pasiyente. Hennessy was very serious showing me his findings. Tumango ako at nakinig sa kaniya.
“What’s your take on this?” tanong ni Hennessy sa akin.
May mga interns na nakikinig sa amin. Tinuro ko ang parte ng CT scan ng bata. Tinuro ko ang sa tingin ko ay mas dapat naming pagtuunan ng pansin.
“I think we should operate. He's getting older and older. If we do not act now, the swelling of the tumor may block the airways. It's the worst case scenario, Hennessy. I know you know that.” sagot ko sa kaniya.
Tumango si Hennessy at binigay ang mga lab result sa kaniyang intern.
“I think so, too. It's good to know that we have the same findings. Let me talk to the parents. Are you ready to scrub in with me?” tanong niya.
Tumango ako.
I don’t say no in cases like this. As much as possible, doon ako sa mas makakatulong ako. Sa tuwing may pasiyente, nangingibabaw sa akin ang mga pag-iisip. Paano kung may mga doctor na tumanggi noon kay Daddy kaya hindi siya nabigyan ng first aid? Noong aksidente siya?
I am always guilty on the death of my father. Isa iyon sa dahilan kung bakit gusto ko na maging doctor. I vow to always help. Some doctors failed to save him so I will relieve my pain on other patient that needs my help.
Sumama ako kay Hennessy para ipaliwanag sa magulang ang magiging procedure. Mga bata pa ang mga ito at base sa kanilang kasuotan, pangkaraniwang tao lang sila.
“Five years old na si Jun at kakayanin na niya ang procedure. Maganda rin na ngayon na iyon dahil maliit pa ang tumor. Mas mabilis rin siyang makaka-recover.” paliwanag ni Hennessy.
“Gusto po naming gumaling si Jun, Doc… kaso wala naman po kaming sapat na ipon mag-asawa para sa gastos.” sabi ng ina ng bata.
Huminga ako nang malalim. Alam ko na hndi basta basta ang gagastusin nila para sa operasyon. Pero kung hindi sila magdedesisyon, maaaring lumaki ang tumor ng anak nila.
Hennessy nodded at them.
“I would like to help kung iyon ang pino-problema niyo.” sabi niya sa mga magulang nito.
“I don’t usually say this but my father is a congressman at parte ng mga programa niya ang libreng healthcare. I could recommend Jun’s case to him. We can cover half of the bills. I, myself, I want to help, too. I am willing to pay for the half.” paliwanag ni Hennessy.
Namamangha akong tumingin sa kaniya. Ito ang nagustuhan ko sa kaniya. He may be a jerk or womanizer but when it comes to his job, he really has the heart. Ngumiti ako.
Pumayag din naman agad ang magulang ng pasiyente at halos umiyak na. Napansin ko ang mga tinginan ng mga intern. Hindi kasi vocal si Hennessy sa pamilya niya at kaunti lang kaming nakakaalam na anak siya ng isang congressman.
Binalingan niya ang mga intern. He had this ready to kill aura kaya naman napatayo sila ng tuwid. I smirked and felt proud at the same time.
“Kiana, you better be ready to scrub in with me and Dra. Almendras. I expect you to not mess a thing this time. This operation is crucial. Understand?” tanong niya sa isang intern na halos manginig sa sinabi niya.
Tumango ito pero bakas ang takot.
"S-Sige po, D-Doc." she stuttered and fixed her eye-glasses.
“At kayo, manatili lang kayo sa watch room. You can watch the whole operation.” utos niya.
Inayos na ang operating room para sa amin. We both scrubbed in. May mga nurse na sinuotan kami ng surgical gown at pati na rin gloves. Ngumiti ako at tumango kay Hennessy.
I just assisted him. Napapailing ako at nakikita ang sarili noon sa intern na kabang-kaba at halos pagalitan na ni Hennessy. Para kasi itong mahihimatay sa sobrang kaba. Nagkatinginan kami ni Hennessy.
“f**k, Kiana. Kung ma-ra-rattle ka lang ng ganiyan. Your patient will be a cold cadaver.” sabi ni Hennessy.
Naiiyak naman na tumango si Kiana at humingi ng tawad. I could see her co-interns laughing at her. Naririnig kasi kami rito. I shook my head and looked at the girl.
“Hey,” tawag ko sa kaniya.
Kinakabahan niya akong tiningnan.
“Look up. They are all laughing at you.” matapang kong sinabi.
Nawala ang mga ngisi ng mga kasama niya. Tiningala ni Kiana at Hennessy ang mga ito.
“Do you want to be like that forever? Your batch clown?” tanong ko.
Umiling siya.
“Then, chin up and calm down. Show them that you are capable. Understand?” tanong ko pa.
Tumango siya. Lumunok ako at tinuro ang pasyente.
“Good. Give me a forceps.” utos ko.
Himala naman na umayos siya. Hennessy winked at me. Umirap ako. Halos ten hours ang procedure at successful naman iyon. Nagmamadali akong lumabas at tinapon sa bin ang surgical gown at gloves.
Umupo ako sa sahig at tumingala. Pakiramdam ko magkakaroon ako ng stiff neck. Hennessy came to me and gave me a bottle of water.
“Thanks for helping me and motivating my intern.” sabi niya.
Tumango ako at nilagok iyon. Ang unang lagok ng tubig ay talaga namang ginhawa. He offered his hand to help me stand up. Tinanggap ko iyon. Marami pa akong gagawin. As I walked back to my office, nakita ko ang isang Agape Luna na nakaupo sa waiting chairs sa harap noon.
Lumapat ang tingin niya sa akin. It’s exactly evening. Panay ang bulungan ng mga nurse sa kaniya. I walked faster at baka mamaya makita pa kami ni Nera o ‘di kaya ni Hennie.
“Ano ang ginagawa mo rito? Alas otso na ng gabi?” tanong ko.
Hindi siya sumagot. Inalis niya mula sa pagkaka-de-kwatro ang kaniyang mga paa at tumayo na. Then, I remembered something. I folded my arms and looked at him with a smirk.
“At hindi ba, hindi naman tayo magkakilala? Kaya ano po ang ginagawa mo rito, Mr. Never met me?” sarcastic kong tanong.
Tumaas ang kilay niya.
“I heard you’re with Hennessy and you’re operating on a patient?” tanong niya pabalik na parang wala siyang narinig.
Umirap ako at binuksan ang pintuan ng aking opisina. Pumasok siya roon. I locked the doors and watched him sitting on the couch. He even opened a magazine and read.
“So, ano ang kailangan mo? I don’t have any update on your tests. Pinapa-analyze ko pa sa ibang doctor ang case mo.” saad ko.
Tumango siya pero hindi inaalis ang kaniyang tingin sa magazine. He even flipped the pages.
“Kumain ka na?” he casually asked.
Nalaglag ang panga ko.
“Ano ba ang trip mo? Pumunta ka ba rito para tanungin ako kung kumain na ako?” tanong ko.
Sinara niya ang magazine at masamang tumingin sa akin.
“No. I am here to ask you another question…” sabi niya at hinagis nang mahina ang magazine sa center table.
He crossed his arms and looked at me.
“Why did Hennessy stay on your unit last night?” he asked.
Kumurap ako.
“Because he’s my friend? Bakit mo ba tinatanong?” I asked him back.
He licked his lower lip at sinuri ako. Bigla naman akong kinabahan sa titig niyang iyon.
“Because I want to know what happened last night. Tell me, Doc. Did he touch you?”
Kumalabog ang dibdib ko.
Hindi ako agad nagbigay ng sagot at nanatiling nakatitig sa kaniya.
Ano naman sa kaniya iyon?
Don’t tell me…
“Are you jealous, Mr. Luna?” tanong ko at nagawa pang tumawa.
He did not answer. Nanatiling nagbabanta ang mga mata niya.
“Just answer me, Doc.” he said.
I bit my lower lip. Biglang may nabuhay sa dibdib ko. I love playing this game. I gave him a flirty smirk and walked to him. He swallowed and watched my every stride.
Nang magkaharap na kami, I touched his collar and fixed it while looking directly at his eyes.
“Why are you so curious, huh? Huwag mong sabihin na I am driving you crazy, Mr. Agape Mikhail Luna? Am I that special?” I teased him.
“Yes. You are driving me so crazy.” he said without stuttering.
Biglaan namang mawala ang ngisi ko sa sinabi niya iyon.
I was just teasing him at hindi ko naman inaasahan na sasagutin niya talaga ako. I froze and before I even removed my hands on his collar, hinuli niya iyon para hindi ako makaalis sa harapan niya.
His eyes were dark looking at me.
Humihiyaw iyon ng panganib. At nagbabanta para sa akin.
Hindi ako humihinga habang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Our noses touched. Halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa akin. He sighed but he did not kiss me. Instead, he put his mouth in my right ear.
“I am so damn serious on being your f**k buddy, Doc. Just say yes.” he whispered breathily on my ear.