Matapos niya akong bitinin, hindi na muling nagpakita pa sa akin si Agape Luna. Mabuti na rin iyon kasi baka matiris ko lang ang pagmumukha niya. Paano niya nagawang baliktarin ang sitwasyon namin? Minsan, gusto ko ring sampalin ang sarili ko eh! Masiyado na ata akong marupok at nakuha ko pang magmakaawa sa kaniya. That’s so not me. Kaya lamang, noong sumapit ang ika-limang araw na hindi siya nagpaparamdam o nakikipagkita man lang, may nabubuong kuryuso sa akin. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Hindi ko naman siya magawa i-text kasi masiyadong mag-fe-feeling iyon at baka isipin na naghahabol ako. Pero sobrang unusual na hindi talaga siya nagpaparamdam? Kahit sa elevator, hindi ko man lang nakakasalubong? Bumaba ako sa cafeteria para mag-lunch. Nandoon na si Hennessy at Nera na nag