Hindi na ako sumagot. Whatever the history between him and Hennessy, labas na ako roon. Besides, I can always ask Hennessy about it. Mas may sense kausap ang isang iyon kaysa kay Agape.
Tahimik kami buong biyahe. Or should I say ako lang? Dahil simula ng umalis kami sa tower, parang call center agent itong si Agape at panay ang tawag sa kaniyang cellphone. Work, some investments and maybe girls? Who knows?
“No, Tita. I promise I did not know that Scott has a girlfriend. Athena Marquez, right? I can call someone to investigate her background and send it to you.” aniya sa kausap.
Saglit kaming nagkatinginan. He creased his forehead and cleared his throat.
Ano raw? Investigate? Girlfriend?
“I will call you later, Tita. Don’t worry. Have a good day.” aniya at pinutol na ang tawag dahil nakikinig pa rin ako.
“Will you stop listening to my calls? Wala ka bang ibang puwedeng gawin bukod sa pagtingin at pakikinig sa akin?” tanong niya sa akin.
Tumaas at umasim ang mukha ko sa sinabi niya.
“Nag-iisip ka ba? Ano ang gusto mong gawin ko sa loob nitong sasakyan mo? Zumba?” sarcastic na tanong ko sa kaniya.
His brows furrowed. What? I am just saying the truth!
“Do something on your phone or check some patient’s cases instead of being nosy?” he asked me.
I rolled my eyes. Ito talagang lalaking ito! Masiyado siyang masungit. He’s really hot and cold. Hindi ko maintindihan. I crossed my arms. Ilang minuto na lang at nasa hospital na kami. Sumandal ako sa upuan at tiningnan siya na bumalik na muli sa pagbabasa ng kung ano sa ipad niya.
“You investigate the girlfriends of your family? Ganiyan kayo ka-strict? Do you have standards? Did you background check Nera’s husband, too?” I cannot help but to ask.
Pumikit ng mariin si Agape pero mukhang upang ikalma ang kaniyang sarili. Ngumisi ako. I really like it when I am winning against him. Sinara niya ang cover ng ipad niya at tumingin sa akin.
“We background check when necessary. That’s all.” He answered.
Lumunok ako at kinagat ang ibabang labi. I saw how he watched me with his intense eyes. Pinanliitan ko siya ng mata.
“Did you background check me, Mr. Luna?” tanong ko.
I equaled his intense gaze. He swallowed and answered me.
May kaunting tawa sa kaniyang labi na parang may nakakatawa.
“No.” simpleng sagot niya.
Hindi ko mawari kung bakit parang nakaramdam ako ng hiya sa sariling tanong. Why would I assume na pinaimbestigahan niya ako? Was I that important?
But as an alpha woman, I need to save myself from shame. Kaya kahit alam ko ang sagot, I will never accept defeat.
“How did you know where I work?” tanong ko, not dropping the topic.
He bit his lower lip and now his playful self, showed up. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga habang hinihintay ang sagot niya.
“You don’t know me, Doc.” simpleng saad niya at may kung ano siyang pinindot sa kaniyang upuan.
Nagulat ako nang makita ang pagtaas ng animo’y isang divider sa pagitan namin at ng driver. I swallowed hard when it closed. His left hand made it’s way on to my thighs. He caressed me through the thin cloth of my slacks. It sent electrifying bolts throughout my body. It's tingly and it made my temperature rose.
Pinanood ko ang well-groomed niyang kamay. It stayed on my thigh for seconds bago tuluyang lumipat sa coat ko na nasa hand rest ng kaniyang pilot seat.
“You brought one of these that night, right?” tanong niya.
Tumaas ang kilay ko. Oo, may dala akong coat na nasa bag ko dahil sa pagkakatanda ko, galing ako sa duty noon. His finger traced the embroidered letters of my name together with the hospital logo.
“I have a sharp memory, Doc Germaine Almendras. And my cousin works at this hospital so this coat is very familiar. Do not make yourself feel that you are that special because of what we did last night.” He answered and pushed the button to open the divider again.
Halos malaglag ang panga ko. Did he just said na assuming ako? Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko nang tumigil ang sasakyan. Agape bit his lower lip and tilted his head while looking at me.
“What?” tanong ko, puno ng iritasiyon.
Tumaas ang kilay niya at binuksan ang bintana. Nakita ko ang driveway ng hospital.
“What are you waiting for? We’re here. So, go down.” He said.
Walang sabi-sabi ko na kinuha ang aking coat at bag at padabog na bumaba. He did not even look at me and asked his driver to drive fast. Pinanood ko ang pagharurot ng sasakyan niya.
“Freaking Agape Luna! Ang yabang yabang mo! May araw ka rin! Kakainis!” sunud-sunod ang mura ko habang nagmamartsa papunta sa elevator.
Natigil lamang ako at pinilit na i-compose ang sarili nang may mga sumakay na doctor. I greeted them. I inhaled and held it for seconds before I exhaled to calm myself. Naglakad ako papunta sa opisina ng Hospital Director.
Ngumiti ang sekretarya niya at dinala ako sa conference room kung saan kami mag-uusap. I am part of a clinical study at i-co-congratulate niya kami dahil outstanding innovation iyon. Kasama ko si Hennessy at isang mas matandang Doktor pero mukhang kami lamang dalawa ang naririto.
The Director gave us reward. A hospital sponsored trip to anywhere at the country for three days. Tiningnan ko ang certificate. May time pa ba ako para mag-travel? They could have converted this to cash!
Henessy did not show up the whole day. Tahimik naman ang trabaho ko. No surgeries kaya magaan ang workload. Nagawa ko pang mag-early lunch dahil himala na matumal ang pasyente ko. I chose my food and seated at the usual spot kung saan kami kumakain nina Hennessy at Nera.
Nera showed up on lunch time. She ordered her food bago umupo sa harapan ko. She glanced beside me.
“Hennie?” tanong niya.
Uminom ako sa tubig ko.
“Nasa family niya.” I answered.
Kumunot ang noo ni Nera.
“Are you okay? Did my cousin caused you trouble?” tanong niya.
Umirap ako sa pagkakabanggit ni Nera. She smirked at my reaction and laughed like she gets it. Tamad na sinubo ko ang aking pagkain.
“I know Agape’s a jerk but he’s the only person I could think of. He’s living at the penthouse of your tower. At least, umabot ka sa meeting niyo hindi ba?” aniya.
“Ganoon ba talaga ang pinsan mo? Ang moody masiyado.” sabi ko.
Kumunot ang noo ni Nera.
“Moody?” tanong niya.
Tumango ako.
“Yes.” sagot ko.
“Well, that’s the first time. Sa aming magpipinsan, siya ang ladies’ man. He loves to be around girls. Mas marami pa ngang naging fling iyon kaysa sa kapatid niyang si Sil and even Clyde.” sabi niya.
May kapatid ang masungit na ‘yon?
“Talaga? Kung ako ang babae, hindi ko magugustuhan ang pinsan mong iyon. No offense meant, ah? Mayaman pero saksakan ng yabang.” puna ko na nagpatawa kay Nera.
I swear, he cannot do s****l things to me anymore. Kung si Agape rin lang naman, huwag na lang ano! Mukhang siya pa ang babae sa tindi ng mood swings.
“Ganoon naman talaga ang mga Luna. I cannot blame them. Lumaki kami na nakukuha ang luho na gustuhin namin. Si Agape pa lang ang nakikilala mo. Just wait to meet Silvestre and Clyde. Hindi ko nga lubos maisip kung paano nagtagal ang mga asawa noon sa kanila.” She laughed.
“Ikaw lamang ang babae sa inyo?” I curiously asked.
Umiling si Nera.
“No. Agape has an older sister. Charlotte Graciel. She’s abroad all the time. She’s a ballet star.” she answered.
Kumunot ang noo ko. Charlotte Graciel, the ballerina? She’s Agape’s sister? Eh halos lahat ng batang babae kong pasiyente gusto iyon. I’ve heard that she’s a really great ballerina kaya naman isang araw noong bored ako, pinanood ko ang mga video noon. She’s really good and pretty. Edukada at articulated magsalita. Kaya hindi kapani-paniwala na kapatid iyon ni Agape.
“Talaga? Ang layo sa hitsura ni Agape.” sabi ko muli.
Tumaas ang kilay ni Nera at pinagmasdan ako nang mabuti. Hindi ko naman siya hinayaan na makitaan ako ng kung ano sa aking mata. I am really pissed na hindi ko kayang itago iyon.
“I do not know what did my cousin do or say to you. But I really guess, it’s bad to make you react like this. Kung hindi kita kilala, iisipin ko na isa ka sa mga one-night stand niya to make you react like this.”
Hindi ko napigilan ang gulat at naibuga ko ang kinakain ko sa sinabi ni Nera. She was quick to hand me a tissue to wipe myself. Lumingon ang mga doktor na naroon at may pandidiri sa kanilang mga mata. Nahihiya kong nilinis ang binuga ko at uminom sa tubig.
“Are you okay? May nasabi ba akong mali?” Nera asked me.
Nag-init ang pisngi ko.
How could I say na totoo ang sinabi niya? Na may nangyari sa amin ng pinsan niya kahit pa pinagsisisihan ko na iyon at mas malala pa, siya pa ang nakakuha ng virginity ko?
“W-Wala naman. I remember, mayroon nga pala akong gagawing test. Mauuna na ako. Tapos na ako kumain, Nera.” pagdadahilan ko at kunwari pang tumingin sa relo para makaiwas.
Nakahinga lang ako nang makalabas sa cafeteria. I was walking when my phone rang. Kinuha ko iyon at sinagot ang video chat ni Mommy.
“Hi, Mommy.” bati ko sa kaniya.
Mommy looked like the splitting image of me. Isa sa rason kung bakit mabait ang stepdad ko sa akin. Aniya, parang mini version ako ni Mommy.
“Hello, hija. How are you? How’s work?” tanong niya.
Ngumiti ako.
“I’m good, Mommy. Kayo ni Papa? Okay lang ba kayo diyan? Where’s he?” tanong ko.
Pumasok ako sa fire exit at umupo sa isa sa mga baiting ng hagdanan para mas makausap ng maayos si Mommy.
“We’re good, hija. We might visit you and Gierome next month. Your Papa’s business is really doing well here. He will fly to Manila when the schedule has been made for a contract signing.” Mommy explained.
Sumaya ang puso ko. Matagal na noong huli kaming nabuo. My brother’s busy in Davao at minsan lang kami magkausap at sa text lamang iyon. I should call him some other time to check up on him. Gierome’s like me. Kung may lalaking version ako, he’s perfect. He’s an alpha male and no one can break his principles. Kaya nga noong mag-decide siya na sa Davao siya magtatrabaho, walang nakapigil sa kaniya.
“That’s good to hear, Mommy. Mag-iingat kayo ni Papa diyan. Call me when you have the exact date. I will pick you up on the airport. I love you, Mommy.” paalam ko.
“I love you too, daughter. Take care.” She ended the call.
Tumunganga ako roon ilang saglit bago ako bumalik sa floor ko. Nag-rounds lamang ako hanggang sa maubos ang oras ko. I felt incomplete lalo na at wala ang pamilyar na mukha ni Henessy sa ward. I packed up my things and ready to go home when a familiar number sent me a message.
Unknown number: I’m here at the parking lot. White Camaro.
Tumaas ang kilay ko. I bid goodbye sa mga nurse at sinabihan na tawagan na lamang ako kapag may problema. Mabibigat ang hakbang ko papunta sa parking lot. Walang plate number na binigay si Agape pero agad kong natunton ang sasakyan niya, dahil siya lang naman ang puting Camaro na naroon.
I did not bother to knock. Bumukas ang passenger seat window at bumungad na naman siya sa akin. He’s the one driving, and he’s wearing the usual sunglasses. He motioned me to seat in front.
I opened the door. He quickly closed the windows and drove away. I put on my seatbelt. He’s driving with one hand and handed me the envelope.
May logo iyon ng isang hospital na malayo rito. I opened it. Results iyon ng mga tests. It’s surprising to see na wala ni isang pangalan niya o pagkakakilanlan ang mga iyon.
“I will have it checked by our resident urologist and even psychiatrist. I will let you know the findings.” simpleng sabi ko.
Tumango si Agape.
“Better be. I want this problem solved as soon as possible. I need to get back on track.” aniya.
Tumawa ako nang bahagya sa kaniya.
“Yeah. So, you can shag girls every night like they’re toys again?” sarcastic kong sinabi sa kaniya.
Kumunot ang noo niya sa akin. There’s a slight irritation in his eyes.
“What the hell do you mean by that?” tanong niya.
I bit my lower lip and rolled my eyes for the nth time.
“Can’t you see, Mr. Luna?” I emphasized and smirked at him, “That maybe this erectile dysfunction is your karma?” I continued rubbing the truth to his face.
“Are you indirectly saying that you’re my karma, Doc?” he challenged me.
I smirked.
“No, I am not just your karma, Agape. Do not dream me to be. Because I can tell you, I am a nightmare once you know me.” I said playfully.
I will never back down to you, Agape. Never.