"ANONG findings mo Doc. Adam?"tanong sa kanya ng farm owner kung saan siya OJT bilang vetmed student.
"Sa tingin ko po mastitis, pero mas magandang obserbahan ko po muna kasi may iba pa akong nakikitang sintomas"
Pinakatitigan niya ang susu ng kambing na alaga ng kausap. Namamaga kasi ang mga ito na isang sign ng sakit na sinabi niya pero Hindi siya dapat magbigay basta basta ng finding na walang concrete basis. Iyon ang bilin sa kanila bago sila pinayagan na mag-OJT para sa kurso nilang VetMed.
Magsasalita pa sana siya ng tumunog ang cellphone niya. It's Jewel.
Hindi sana niya papansinin ang tawag into pero nang natapos ang tawa nito muli itong nangulit sa kanya.
"Excuse me for a minute po"paalam niya sa kausap.
Lumayo siya ng kaunti para sagutin ang tawag ni Jewel.
"Je, this must be important. I'm in the middle of my job right now"bungad niya dito na wala ng hello-hello.
Nakakadala naman kasi ang pinsan niyang ito. Madalas sasabihin nito sa kanya na emergency or ASAP, siya naman magmamadaling puntahan ito tapos malalaman niyang may gusto lang itong ipakilala sa kanya na babae. Or sometimes aayain lang siyang samahan itong mag-shopping, sa pictorial etc. etc.
Iniiwanan niya ang kung anomang ginagawa niya para lang sa kapritso ng pinsan niya. Ganoon ito kalakas sa kanya.
"Yes it's important"mataray namang sagot ni Jewel sa kabilang linya.
"And?..."
"My chockie baby is sick. Can you come?"umiiyak na saad nito.
Napahinga siya ng malalim habang nakikinig sa hikbi nito. Nasa probinsya siya ng mga sandaling iyon samantalang nasa Manila naman ito. Napatingala siya habang nag-iisip ng solusyon sa inuungot na problema ng pinsan niya.
"I'll send you the chopper, I know you're in the province right now"hirit pa ni Jewel.
"Je, I know you can do that, sending helicopter in here. And you also know that I can do that too, may private chopper din naman si tatay. Pero kasi busy ako ngayon at hindi ako pwedeng basta nalang umalis dito. Hope you understand, baby kitten"
Lumakas ang ngawa ni Jewel sa kabilang linya na ikinainis niya but at the same time ipinag-alala na naman niya. Jewel is special to him. Very special.
Sa lahat ng mga pinsan niya si Jewel lang katangi-tanging malapit sa kanya na hinahayaan niyang diktahan ang buhay niya. Sometimes his family is asking him why his like that to Jewel and not in his other cousins, he just shrugged to them, telling that Jewel is the baby cousin he had. And besides he has his own reason for doing that, and that's for him to keep the rest of his life he guess.
"Baby kitten, please do understand that I'm busy too"his trying all his luck to make Jewel understand him.
"No, hindi na ako ang favorite cousin mo"iyon lang at pinutol na nito ang tawag.
Napahinga nalang siya ng malalim bago nagbalik sa trabaho. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon, kung uunahin ba niya ang trabaho o ang umuwi para aluin si Jewel.
...................................
AT THE END OF THE DAY, he choose to go home and to talk to Jewel.
"Love na love mo talaga ang kapatid ko"ani Cristal.
Kakambal ni Jewel, na opposite ng kakambal nitong si Jewel. Very silent, very shy, very timid, in short aloof with everyone. Totally opposite with Jewel na carefree and very lively, friendly din na kahit yata kakakilala lang gagawin na nitong bestfriend.
"Malakas lang siya sakin, my dear cousin"sagot niya ditto.
"Siya lang kasi ang sumasakay sa kahanginan mong taglay"ani Cristal bago siya iwanan.
Nakakunot noo na sinundan niya ng tingin si Crisatl na papalayo na sa kanya.
Siya mahangin, nah malabong mangyari. Nagsasabi lang naman siya ng totoo, asaan ang kahanginan doon.
"Adam"nakasimangot na bungad sa kanya ni Jewel.
Kababa lang nito mula sa kwarto nito. Bitbit nito ang aso nito na sa unang tingin alam mo na talagang may dinaramdam. Kilala na niya ang lahat ng aso ni Jewel, alam niya na ang lahat ng mga aso nito ay active as in super active. Itong si Chockie ang pinakapaborito ni Jewel dahil sa bukod sa makulit na aso very charming at super lambing na aso.
"What happen to you little chockie?"aniya at sinalubong na ang mahal na pinsan.
Literal na mahal na pinsan, wag niyo ng tanungin at wala siyang balak ipaliwanag.
"He stop eating, ang tamlay niya. Then his poop is so creamy and sticky, and the color of it looks like a blood. He even vomited several times already"umiiyak na paliwanag ni Jewel.
"Where are the other dogs of yours?"
"I put them all at their dog house"
May literal na bahay ng mga aso si Jewel, hindi kalayuan sa bahay ng mga Perez. Pinatayuan ito ni Jewel ng bahay na kasing laki ng normal na bahay ng mga tao. Bawat aso may sariling kwarto at may sariling mga yaya. Ganoon ka-obsess si Jewel sa mga alaga nitong mga aso. Na sinosuportahan ng buong pamilya nito, at maging siya.
Kaya nga siya nagVetMed dahil kay Jewel. Gusto ni Jewel ng sariling doctor para sa mga alaga nito, ang she requested him to be that one. Without thinking twice, umuo siya sa dalaga. Kaya heto siya ngayon dalawang taon nalang tapos na niya ang Vetmed.
"Good, because I think it's parvo. Nakakahawa iyon sa ibang aso, but to be sure dadalin ko si chockie sa vet clinic for further test to make it sure"aniya.
Mas lalo namang umiyak si Jewel habang hawak hawak pa din ang asawa.
"My baby chockie, please no my baby chockie"panay pa ang halik ni Jewel sa aso.
Nakagat niya ang sariling labi habang nakatitig sa labi ni Jewel na panay ang lapat sa alaga nitong aso. Napapikit nalang siya ng para iwasan ang tanawing nakikita niya. Tempting pa naman ang nakikita niya. But more on, nakakaramdam siya ng inggit.
Damn! Siya si Adam Monteverde nainggit, sa isang aso.
"Jewel, nakakahawa din sa tao ang sakit ng aso mo"sabi nalang niya.
Iyon talaga ang nasabi niya, ang laki naman niyang tanga.
"I mean, kung parvo nga iyang sakin ni chockie, baka maipasa mo sa iba ang sakit kapag..."napatingin siya sa mukha ni Jewel na nakatingala sa kanya particular na sa mga labi nito.
"Kapag...ano"napakamot siya sa sariling ulo.
Kailangan ko ng distraction...
He clears his throat three times before he grab the dog in Jewel's arms.
"I'll take in-charge of him. Babalik ko nalang siya kapag magaling na siya. For now, maligo ka kung may balak kang bisitahin ang iba mo pang mga aso"iyon lang at tinalikuran na niya ito.
Distraction, he really needs it so badly. His thinking while walking away from his dilemma, the dilemma that he had since puberty kicks in his system.
.................................
"Puntahan mo nga ang Kuya mo Adam. Nag-aalala na ako sa kanya, hindi na naman siya tumatawag. Baka hindi na naman kumakain sa tamang oras, o baka hindi na naman siya natutulog"puno ng pag-aalala na utos ng nanay niya.
"'Nay, malaki na si Kuya. Kaya niya sarili niya"
Nasa veranda lang silang mag-ina kasama ang bunso niyang kapatid na si Angel.
"Malaki na nga kayo, sumasagot ka na sakin ngayon Adam"may hinanakit na sagot din ng nanay niya.
Naibaba niya ang hawak na cellphone at napatingin sa nanay niyang nakatanaw sa malayo. Wala na talon a naman siya, kahit pa siya ang pinakagwapo sa pamilyang ito iba pa din kapag ang nanay na nila ang nag-emote.
"'Nay, ang sakin lang po hindi naman pinapabayaan ni Kuya ang sarili niya"
Malalim na buntong hininga ang sinagot ng kanilang nanay sa kanya. Naglalambing na sumandal ang bunso niyang kapatid sa kanilang nanay.
"I miss kuya Blaze nanay"nanghahaba ang nguso na saad ng bunso nila.
"I missed him too Angel. Gusto kong magsisi n asana hindi nalang naming pinarusahan ang kuya niyo. Hindi sana siya nakakaramdam ng ganito ngayon"
Doon naman siya aangal, hindi kailangan na sisishin ng nanay nila ang nangyari sa kuya nila.
"'Nay, doon ka naman nagkamali. If kuya suffer this day because of his lost hindi niyo kasalanan iyon. Nagmahal lang si Kuya, naging masaya si Kuya noon nakita ko naman. Walang may gusto ng nangyari except that Ate Xylona choose to leave kuya behind"
Buti nga ang kuya niya nagawang ipagsigawan sa mundo na mahal nito ang asawa nito. Kahit pa sa kakaunting sandal lang na nagsama ang dalawa. At least naiparamdam ng kuya niya ang pagmamahal sa babaeng inalayan nito ng buong puso.
Samantalang siya naman wala, walang pag-asa.
Hanggang pangarap nalang na mangyari ang pagsintang purorot niya.
.................................................