GrandMaester's Pov: Ilang sandali pang nakatitig lang ako sa pintuang nilabasan ng dalawang itinakdang binata. I'm confused. Alam kong wala akong magiging problema sa kanila. Mula pagkabata ay parehong responsable sila. They were trained to be a warrior. Ang kapangyarihan din nila ay hindi ko dapat pagdudahan, dahil higit silang malakas kaysa ordinaryong uri nila. Ngunit iyon din mismo ang dahilan kung bakit nag-aalala ako ng ganito. Dahil nangangamba pa din ako sa mga pangitaing ibinahagi sa amin ni Thalia, ang Elite Slayer na may kakayahang makita ang hinaharap. Lalo na't parang nangyayari iyon. Isang malaking tanong pa din sa akin kung paanong naunang nabuo ang koneksyon nina Bernadette at Crayon. Hindi ko mahanapan ng sagot kung bakit naging ganon kadali para sa dalawa ang buui