Queven's Pov: Agad na niluwagan ko ang necktie ko pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang sa sahig ng pasilyo. Mabuti na lamang at wala masyadong tao dito, walang mangkwe-kwestyon sa biglaan kong paglitaw dito. Sabagay, limitado lang naman ang mga taong maaaring pumasok sa lugar na ito. O maaaring ngayon na ang huling araw na magiging lihim ito sa ibang estudyante. This is our training hall. Kung titingnan sa labas ay isa itong town house, inaakala ng mga estudyanteng hindi namin ka-uri na isa itong pribadong pag-aari ng mga nakaaangat sa buhay kaya ipinagbabawal itong pasukin ng kahit sino. Hindi nila alam na ito ang nagsisilbi naming training ground. Binubuo ito ng maraming maluluwang na silid na kompleto sa mga kagamitang para sa pagsasanay. Lihim akong natuwa sa kaalamang mula nga