Bernadette's Pov : Ramdam ko ang marahang ihip ng hangin. Nagdadala iyon ng kakaibang lamig dulot ng mga puno. Naririnig ko din ang ingay na ginagawa niyon sa mga dahon. Tahimik. Sobrang tahimik. At hindi ako sanay sa nakikita ko kay Crayon. He's cold as ice. Kitang-kita ang lamig sa mga mata n'ya na tila ba sinadya n'ya kaya di man lang s'ya nag- abalang itago iyon. This is my first time of seeing him like this. Wala na ang ngiting laging naka-plaster sa mukha n'ya. Ang pilyong kislap ng mga mata n'ya ay parang bulang naglaho din. Parang ibang tao na s'ya ngayon. At halos mabigla ako nang maramdaman ang di karaniwang pakiramdam na iyon sa loob ko. Anger. Hatred. Regrets... Longing? Iyon ba ang mga iyon? Halo-halo iyon ngunit nangingibabaw ang huli. I heaved a sigh. Pilit kong ki