Bernadette's Pov: Mukhang nasanay na ako sa paghila sa akin ng kung anong pwersa at paglipat-lipat ng panahon kaya nang maramdaman kong tumapak ang paa ko sa lupa ay agad akong nagmulat ng mata. Hindi ko din alintana ang init na hatid ng araw, sa tirik na sikat ng araw ay nakatitiyak akong tanghaling tapat dito sa panahong ito. Panahon at paligid lang naman ang nagbabago pero nasisiguro kong nananatili pa din kami sa loob ng Academié Féroce. Nasa likod kami ngayon ng isang two storey building na mukhang nasa pinakalikod na bahagi ng eskwelahan. Halos iilan lamang ang nakikita kong estudyante na halos ilang metro pa ang layo mula sa kinatatayuan ko. Dahil na din siguro sa nasa may hangganan na ito ng lupang kinatatayuan ng buong Academy, patunay doon ang malaki at mataas na pader na nak