Thalia's Pov:
"Magsisimula na ang kinatatakutan natin, kailangang maghanda ng lahat! Isa itong napipintong digmaan ng buhay at kamatayan. Kaya kayo, Guardians and Magistrates ay pagsasamahin sa kauna-unahang pagkakataon. Ang paglitaw ng kahel na buwan ay signus na nalalapit na ang araw na kinatatakutan nating lahat. Hindi natin mababago ang itinakda, pero alam kong maiiwasan natin ang pakikialam ng mga Hollows!"
Tahimik ang lahat habang nakikinig sa anunsyo ng Head Magistrate.
"Hinihingi namin ang kooperasyon ng lahat mula sa inyo. Magkakampi tayo, iisa ang kalaban natin. Hindi natin magugustuhan kung magtatagumpay na naman ang mga Hollows."
Saglit na tumahimik ang Head Magistrate bago tinanguan ang Head Guardian na nasa kanan n'ya.
"Makikipagtulungan ang bawat isa. Ang kulay na tutugma sa inyong mga singsing ang magiging palatandaan ng kapareha n'yo sa magiging misyon n'yo sa ibaba. Ito ang napagkasunduan ng Council of Trius. Tandaan nyo rin ang mga ipinagbabawal, ang mga patakarang inyong nilagdaan ng inyong kaluluwa," dugtong ni Head Guardian Quivo sa naunang sinabi ng Head Magistrate na si Fillo.
Nangalumbabang inilibot ko ang aking paningin sa paligid ko. Nasa loob kami ng isang conference room na nasasakupan ng Council sa Faya.
Ang Faya ay isang lugar na hindi makikita at mauunawaan ng ordinaryong tao. Isa itong kaharian ng mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng mundo. Ang kahariang nangangalaga sa buhay at kamatayan.
At isa ako sa kanila. Hindi ako ordinaryo. Pero kung anyo ang pagbabasehan ay masasabing katulad kami ng mga ordinaryong tao. Lahat kami dito.
Ang Council of Trius naman ay ang binuong samahan ng mga nilalang sa Faya. Ang binuo ng mga Magistrate, Guardians at Slayer. Samahang naglalayong pigilan at pabagsakin ang mga Hollows.
Sa kanan ko ay ang mga Guardians. Ang kanang bahagi ng Faya ang nasasakupan nila, ang Fortes.
Sila ang tagapagbantay sa binhi at sa mga tao. Pwede ding Guardian Angel o tagapagligtas.
Their job is to guard and secure every human and the chosen seed. Mga nakasuot sila ng kasuotang para sa kanila sa ganitong uri ng pagtitipon. Color white. White long sleeve. White pants. White coat. White shoes. All white.
"Boring na kulay," napapailing na wika ko at nilingon ang kaliwang bahagi.
Sila naman ang tinatawag na Magistrate. Ang kaliwang bahagi ng Faya ang tirahan nila, ang Palas.
Tagasundo. Bringer of Death. Taker. Pero hindi sila si kamatayan. Sila lang ang bahalang sumundo at gumabay sa mga kaluluwa ng mga taong pumanaw na. Kulay ube at itim ang kulay ng kasuotan nila.
"Scary," nakangusong sabi ko at itinuon ang atensyon ko sa mga kasamahan kong nasa pinakagitnang bahagi.
Kami naman ang tinatawag na Slayers mula sa Yuz. Ang Yuz ang nasa sentrong bahagi ng Faya.
Ang mga Slayer ay binubuo ng mga matataas at makapangyarihang mga nilalang. Kami ang nagsisilbing bantay ng mga Guardians at Magistrate. Purong kulay ginto naman ang aming kasuotan.
Walang alitan sa nasasakupan ng Faya. Nagkataon nga lang iba iba ng gawain, kaya hindi ko din masisisi kung hindi nagpapansinan at nag uusap-usap in friendly ways ang mga Guardians at Magistrate.
Kaming mga Slayer ay nananatiling taga-balanse lamang ng dalawang mahahalagang nilalang sa mundong ito.
At ito nga ang kauna unahang pagkakataong tinipon ang lahat sa iisang lugar at sa iisang dahilan. Ang maiwasan ang pagkuha at paghigop sa natatanging binhi ng henerasyong ito.
Ang binhing hanggang ngayon ay walang alam sa tunay n'yang katauhan.
Dati kasi ay hindi naman nagtutulungan o nag jo-join force kami. Kumbaga, mahihina ang hollows kaya kahit magkanya kanya ay okay lang. Pero iba ngayon, naging agresibo na at mas lumakas ng triple ang lakas ng mga Hollows.
Hollows. Sila naman ang mga nilalang na matatawag na kamatayan, literal na kamatayan. Dahil kahit buhay ka pa ay kukunin ka na nila. Bagay na hindi hinahayaang mangyari ng mga Guardians. At kung patay naman na ang isang tao ay nanakawin ng mga Hollows ang kaluluwa nito at dadalhin sa kaharian nila, dahilan kung bakit nilikha ang mga Magistrate. Upang magabayan ang mga kaluluwa sa tamang lagusan.
Madalas naipagkakamali ang mga Magistrate sa mga Hollows, ngunit malaki ang kaibahan nila.
Ang Libyn, ang kaharian naman ng mga Hollows. At nito ngang nakaraang mga buwan ay pilit nilang pinakikialaman ang gawain namin.
Nagnanakaw sila ng mga kaluluwa at kahit mga taong di pa dapat mamatay ay kinukuha na nila. Mas malakas na ang pwersa nila ngayon. At kung sakaling swertehin sila at ang kaluluwa ng Binhi ang mahigop nila, game over na.
Tuluyang mawawasak ang Faya. Mawawalan ng balanse ang buhay at kamatayan. Magugulo ang mundo. Maghahari ang mga Hollows. Bagay na ikinababahala naming lahat.
"Intindihin ang mga napag usapan natin dito. Ang mga nakatakdang Slayer na magbabantay sa inyo ang magsasabi sa inyo ng mga maliliit na detalye. Mangyayari ang pag uusap ninyo pagkaraan ng isang oras mula ngayon sa mga silid na itinakda sa inyo." Pagtatapos ni Head Quivo at agad silang naglaho pati na din ang mga bumubuo sa Council of Trius
Pumalakpak naman ang mga Higher Officials upang ipagbigay alam na pwede na kaming lumabas at maghanda para sa usapin mamaya.
"Nakakaantok naman," humihikab na sabi ko at pilit kong idinilat ang maliliit kong mga mata.
Pilit din akong nakipag unahan sa mga kasamahan ko palabas ng conference room na iyon. Malaking misyon ito kaya kinakailangan kong magpahinga.
Iidlip muna siguro ako bago ko harapin at kausapin amg mga kabataang Guardian at Magistrate.
Ikinumpas ko ang aking daliri ng makalabas ako sa silid na iyon. Agad namang lumapag sa harap ko ang isang malaking gintong dahon.
"Uno!"
Agad kong nilingon ang boses. Nakita ko ang pagtigil ng isang lalaki at ang paglingon nito.
"A guardian," mahinang sabi ko matapos s'yang pasadahan ng tingin at sumandal sa magic leaf ko.
"Crayon," narinig kong sambit ng tinawag na Uno. Halos magsalubong din ang mga kilay na hinarap nito ang papalapit na binata. Sinundan ko ng tingin ang binatang tinukoy ni Uno.
Kulay itim at ubeng kasuotan.
A magistrate. Di tulad ng binatang guardian, ang magistrate na ito ay mukhang masayahin, maaliwalas ang bakas ng mukha nito at mukhang maloko.
Napansin ko din ang bahagyang paglayo ng ibang mga ka-uri nila sa dalawa. Pati na din ang dalawang guardian na kasama ni Uno ay umalis na.
Napasipol ako nang maramdaman ko ang aurang bumalot sa dalawa ng tuluyang makalapit si Crayon sa Guardian.
Iba ang aurang ito. Malaki ang kaibahan sa aura ng ordinaryong Magistrate at Guardian lamang. At kahit na mas mataas ako sa kanila, nangilabot pa din ako sa aking naramdaman.
Lalo na sa mga eksenang nagsulputan sa aking isipan.
"Long time no see! Biruin mo iyon, tayo ang magkapareha sa misyong ito sa ibaba," nakangiting sabi ni Crayon.
"Who cares?" Suplado namang sagot ni Uno at ikinumpas ang mga kamay.
May maliit na tila sinulid ang lumabas dito at nagpakalat kalat sa paligid.
Nanatiling nakapamulsa lamang si Crayon at maya maya pa'y humalakhak ito. Nakaramdam ako ng tensyon sa paligid.
Napaseryoso ako sa aking pwesto at agad na hinarangan ang mga larawang pilit na pumapasok sa aking isipan. Mga eksenang sangkot ang dalawang binata sa aking harapan.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang dalawa. Ginamit ko din ang kakayahan ko upang makilala ang dalawa. Doon ko lang naintindihan ang kakaibang aura ng dalawa.
Ang Guardian na si Uno ay hindi normal na tagabantay lamang.
He's the only heir of Dreid Clan. Ang angkan na pinakamakapangyarihan sa Fortes.
Mga Guardians na hindi kasing ordinaryo ng iba. Mas malakas ang kapangyarihang taglay. At bilang nag-iisang tagapagmana ng henerasyon nya, Uno can be the powerful Guardian of Fortes. Iyon ay kung hindi nya gagawin ang mga nakita ko. Kung mababago nya ang kapusukang gagawin nya sa hinaharap.
Inilipat ko ang tingin ko sa Magistrate na kausap mg Guardian.
He's the grandson of Head Fillo, ang pinakamatanda ngunit pinakamatalinong Head Magistrate ng Palas. This magistrate resembles nothing but power.
As I looked at Crayon, I realized that I was deceived by his looks. Despite of his innocent face, there's a monster hiding inside him.
Pero ang hinaharap nya ay masyadong malabo. Pero natitiyak kong isa s'ya sa Magistrate na magkakaroon ng malaking kaugnayan sa binhi.
Gulat na napasandal ulit ako sa gintong dahon ko. Hindi pa nagsisimula ang misyon pero may mga palaisipan na agad.
Agad akong sumakay sa magic leaf at inutusan itong lumipad. Kailangan kong makausap ang pamunuan ng Yuz, pati na din ang Council of Trius.
Dahil alam ko, ngayon pa lang isa na itong suliranin sa kaharian ng Faya.
Sa huling sandali ay nilingon ko ang dalawang binata.
❤