Bernadette's Pov "Wow," humahangang inilibot ko ang mga mata sa maliwanag na bulwagan. Kakaiba ang disenyo ng silid, halata naman iyon sa mga mamahaling muwebles na mas lalong nagparangya sa itsura nito. May mga iilan ngunit mga mamahaling obra at painting ang nasa pader. Maging ang sahig nito ay nalalatagan ng ginintuang carpet, kapareha ng naglalakihang kulay gintong kandelarya na nakasabit sa kisame. May mga taga-silbi din ng inumin at halos ang lahat ng panauhin ay may hawak hawak na wine glass. Nasa nakaraan pa din kami ni Ara at nasa isang lugar kami kung saan ay may magaganap na pagtitipon. Pero mukhang hindi lamang iyon ordinaryong pagtitipon dahil kung tama ako ng pagkakatanda, nasa loob kami ng Council of Trius. Kaya kahit aparisyon lang ako, nangingilag pa din ako sa mg