Chapter 2- Connection

1589 Words
Bernadette's Pov: "Hoy!" "Hoy ka din!" Bulyaw ko kay Donna nang bigla nalang n'ya akong sigawan. Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain. "Super tulala ka Bes, anong nangyari ba? Kanina kapa ganyan pagkatapos ng klase naten kay Mr. Dren. Don't tell me hanggang ngayon crush mo pa din sya?" Gulat na sabi n'ya at nagtakip pa ng kamay sa bibig. "Shut up Donna," mahinang sabi ko. Pinagmasdan ko s'ya. Maikli ang kulay blonde n'yang buhok at hanggang balikat lang iyon. Bilog ang mga mata at may malalantik na pilikmata. Hindi na din kailangan pang kortehan ang kanyang kilay, natural na iyong may korte. Manipis at mapula-pula ang labi. She's perfect. Huwag nga lang aatakehin ng pagka-wirdo. "Alam kong maganda ako Bes, 'wag mo akong tingnan ng ganyan baka ma-tomboy ka." Napailing na lang ako at nangalumbaba. Hindi talaga magandang ideya ang tingnan ang kaibigan kong ito. "Ano bang problema, Bernadette? Para kang nakakita ng sampung aswang sa itsura mo. Kanina ka pa tulala, kahit sa klase," sabi pa ni Donna at umupo sa katabi kong upuan. Tiningnan ko lang s'ya."Hindi ka ba kakain?" Mukha kasing wala s'yang planong kumain dahil wala s'yang dalang kahit anong pagkain. "Nope, diet ako," proud pang sagot n'ya. "Ewan ko sa'yo, bahala ka d'yang magutom," sabi ko na lang at tinapos na ang pagkain. Nanatili naman s'yang nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan. Kunot noong tinitigan ko s'ya. There's something unusual kay Donna. Ngayon ko lang napansin pero may kakaiba sa kanya. Lagi na s'yang tulala at parang laging wala sa sarili. Inayos ko na lang ang aking bag at tumayo pero parang napunta na naman sa kawalan ang aking kaibigan. Hahawakan ko na sana ang kanyang balikat nang maramdaman ko ang paghangin ng malakas. Napatingin ako sa paligid ngunit wala naman akong makitang may gawa niyon. At katulad kaninang umaga ay mukhang ako lang ang nakaramdam niyon. Ipinilig ko ang aking ulo at muling nilingon ko si Donna na tulala pa din. "Donna, mauna na ako. May report pa ako. Kailangan kong mag-ready." Sabi ko at akma ko s'yang yuyugyugin nang mapansin ko ang maliit na hugis bilog sa may batok n'ya, sa ilalim ng kanang tainga n'ya. Para iyong simbolo ng YinYang. Ngunit ang kaibahan lang ay may mas maliit na simbolo ng Yin at Yang sa bilog na iyon at baliktad ang kulay nito sa mas malaking YinYang. Ngayon ko lang iyon nakita, sabagay ngayon ko lang naman nakita ang bahaging iyon ng batok ni Donna. Dahil na din siguro sa hangin kanina. Bigla akong kinabahan sa naisip. Hangin? "Don't touch me!" Halos mapaupo ako sa gulat nang tabigin ni Donna ang kamay ko. Nang tingnan ko s'ya ay matalim na ang mga mata n'ya. At hindi ko maintindihan ngunit parang may mapusyaw na liwanag na lumalabas sa may batok n'ya. Para iyong nagwawalang kulay itim at puting liwanag. Parang pinipilit niyong lumabas. "S-sorry Bes, magpapaalam lang sana ako," paghingi ko ng paumanhin pero ni hindi n'ya ako sinagot. Matalim pa din ang tingin n'ya bago padabog na tumayo at umalis. Ni hindi n'ya ako nilingon kahit na ng lumabas s'ya ng tuluyan sa cafeteria. Nag-aalala man ay pinili ko na lang na huwag s'yang sundan. Baka may problema lang s'ya kaya lagi s'yang tulala nitong mga nakaraang araw. Wala sa sariling napatingin ako sa pwesto kanina ni Donna at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang naroon padin ang magkahalong puti at itim. Mukhang ang ilang nagwawalang kulay sa may batok n'ya ay nakawala. Wala sa loob na iniangat ko ang kamay ko at unti unting inabot ng daliri ko ang palutang lutang na kulay. Ngunit hindi ko pa tuluyang nahahawakan iyon ng mabilis na iyong lumapit at kusang pumaikot sa hintuturo ko. Paikot ikot iyon at laking gulat ko nang bigla iyong maghiwalay. Ang puting kulay ay agad na dumiretso sa kamay ko at parang in-absorb 'yon ng katawan ko. Ang itim na kulay naman ay halos magwala sa ere ngunit agad ding naglaho. Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nasaksihan ko. Lalabas na sana ako ng cafeteria nang may mapansin ako sa may kalayuan. Isang mapusyaw na liwanag ang kumuha sa aking atensyon. Pinaningkit ko ang aking mga mata upang makita iyon, ngunit masyadong natatakipan iyon ng ibang estudyante. Mukhang nasa kumpulan ng mga estudyante sa may dulo ng cafeteria nagmumula ang liwanag. Natatakot man ay napilit ko ang mga paa kong humakbang upang tingnan ang pinagmumulan ng liwanag. Unti-unti kong nilapitan ang kumpulan ng mga estudyante. At habang papalapit ay palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Unti unti ding sumisibol ulit ang takot sa puso ko. Pero bago pa man magpadala sa takot ay agad kong nilapitan iyon. Nasa gitna ng mga estudyante ang pinanggagalingan ng liwanag. Nasa katawan o sa katawan ng isang nakatalikod na estudyanteng lalaki nagmumula ang liwanag. Mabuti na lamang at magulo talaga ang mga estudyante sa parteng ito ng cafeteria kaya walang pumapansin sa akin. Pasimple akong lumapit sa kumpulan ng mga estudyante at pinagmasdan ang bagay na kumuha sa atensyon ko. Nasa may leeg iyon ng isang lalaking estudyante. At kahit unang beses ko lamang makita iyon ay natitiyak kong katulad iyon ng simbolong nakita ko kanina kay Donna. A YinYang symbol with another of it na mas maliit at nakabaliktad. Ang maliit na parte ng kulay itim ay naglalabas ng itim na liwanag sa gitna ng puting liwanag. Sa kabila naman ay naglalabas ng mapusyaw na liwanag sa gitna ng itim na paligid nito. Mapusyaw na liwanag ang nagmumula sa kulay puti, mistulang itim na usok naman ang nagmumula sa kulay itim. Sa unang tingin palang ay masasabi ng nagkokontrahan ang dalawang kulay. Liwanag at Dilim. Gustong-gusto ko iyong makita ng malapitan at mahawakan. Wala sa loob na nahiling kong sana ay pansamantalang tumigil ang oras. Ganoon na lamang ang kaba ko nang bigla kong maramdaman ang pagbigat ng hangin. Maya-maya pa'y napansin ko ang tila pagtigil ng galaw ng lahat ng estudyante dito sa loob ng cafeteria. Pati ang ilang bagay ay naka-suspinde sa ere. Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ay mabilis na kumilos ako at lumapit sa kumpulan ng mga estudyante. Agad na tinungo ko ang lalaking estudyanteng may kakaibang simbolo. Nangunot pa ang noo ko nang makita iyon ng malapitan. Wala sa loob na hinawakan ko ang simbolong iyon. Naglandas ang mga daliri ko paikot sa simbolo. At katulad kanina ay bigla na lang naglaho ang kulay itim na liwanag at ang puting liwanag ay agad na pumunta sa akin. Sunod-sunod iyon at hindi tumigil. Umikot ikot iyon sa harap ko bago direktang pumasok sa katawan ko. Halos manikip ang dibdib ko sa nangyari. Binawi ko ang kamay ko at napahawak sa aking dibdib. Parang may kung anong enerhiya sa loob ko na nagwawala. Weird pero iyon ang nararamdaman ko. At bago pa ako makabawi ay bumigay na ang mga tuhod ko. Inihanda ko ang katawan ko sa pagbagsak pero may dalawang kamay na humawak sa braso ko na nagpatatag sa pagkakatayo ko. Ramdam ko ang kakaibang presensya sa likuran ko. Inalalayan n'ya ako at kahit hindi ko gusto ay napasandal ako sa kanya. "You should be careful. Muntik mo ng mapatay ang sarili mo," sabi ng nasa likuran ko na nagdulot sa akin ng kakaibang kilabot kasabay ng pagtaas ng mga balahibo sa batok ko. At kahit hindi ko s'ya nakita, alam ko kung sino s'ya. Ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing nasa malapit s'ya. Ang kilabot na hatid ng kahit titig lang n'ya. Gusto ko man s'yang lingunin ay hindi ko magawa. Hinang-hina ang pakiramdam ko at hindi ko na maikilos maging ang leeg ko para tingnan man lang ang ekspresyon ng mukha n'ya. I have no choice kundi ang sumandal sa kanya. Halos mapapikit ako sa sobrang pagod na nararamdaman. "Hey, may kailangan kayo? Hmm?" Pinilit kong hawakan ang aking paningin. Maingay at buhay na buhay na ulit ang paligid. Bumalik sa pagkakagulo ang mga estudyante. Bumalik na muli ang oras, gumagalaw na ulit ang lahat ngunit nanatili sa estudyanteng nakatalikod ang paningin ko. Sa estudyanteng may nagliliwanag na simbolo katulad ng kaibigan ko. At kahit nanatiling nakatalikod s'ya, alam kong s'ya ang nagsalita. He turned around. A set of deep blue eyes mine. Matangos na ilong, mahahabang pilikmata, manipis at mamula-mulang labi. Inosenteng ngiti ang nakaplaster sa kanyang labi. Mistula din syang inaantok. There's something in his eyes na hindi ko maipaliwanag. Ilang segundo ko ding tinitigan ang mga mata n'ya hanggang maramdaman kong tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko. Bumigay ang katawan ko na agad namang nasalo ng may-ari ng mga brasong nakahawak sa akin. Naramdaman kong binuhat nya ako. "Wala. Mind your own business," supladong sagot ni Queven at dire-diretsong tinungo ang pintuan ng cafeteria. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang mga estudyanteng nadaanan namin na nagbubulungan at gulat na gulat. Ang iba ay matatalim ang mga matang nakatingin sa akin. Walang anuman na lumabas si Queven sa malaking pinto ng cafeteria. At bago tuluyang magsara ang pintong iyon ay nilingon ko ang estudyanteng nakitaan ko ng kakaibang simbolo. Alam ko at ramdam ko na hindi n'ya ako hiniwalayan ng tingin. Nanatili s'yang nakatitig sa akin habang may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi n'ya. He is Zen Zacharias, ang may ari ng mga asul na pares ng matang iyon. Iyon lamang at nilamon na ako ng kadiliman. Nahulog ako sa malalim na pagkakatulog. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD