Bernadette's Pov:
Ilang beses pa akong lumingon sa likuran ko, pati sideviews tiningnan ko pero kahit anong tingin ko normal lang talaga ang nakikita ko.
Ang malapad na kalsada, ang mga in-house establishments sa magkabila ko at ang mga puno na natatanaw ko na ilang hakbang na lang ay malalampasan ko na.
Malapit na ako sa Saint Runes Academy, ang eskwelahan kung saan ay nasa pang-huling taon na ako ng high school.
Ito din lang ang tanging eskwelahan na may kompletong anemeties mula sa dorm at may sarili din itong kagubatan na nasa hangganan ng lupain nito.
"Guni-guni ko lang yata iyon," sabi ko sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay kung ano-ano na ang nararanasan ko.
Kung ano-ano na din ang nakikita at nararamdaman ko. Mga bagay at nilalang na sa telebisyon ko lamang nakikita. Pilit nila akong kinakausap at hinihingan ng pabor, bagay na kinatatakutan ko.
Kung dati ay pinapantasya kong makakita ng mga kakaibang nilalang, ngayon ay hindi na. Tinalo ko pa ang suminghot ng isang box ng katol sa sobrang paranoid ko. Nakakatakot na kasi itong mga nararanasan ko,
na nagsimula lamang two weeks ago.
Malapit na din akong maniwala sa mga bulong ng mga multong ligaw sa akin. Hindi naman talaga sila bumubulong, parang dinadala lang ng hangin ang mga mensahe nila bagay na ipinagtataka ko. Nakakapagtaka naman kasing naririnig ko ang sinasabi ng hangin.
Ilan sa paulit-ulit na hatid sa akin ng hangin ay ang tungkol sa nalalapit na kaarawan ko. Wala ng dalawang buwan bago ang birthday ko. Anong kinalaman ng pagpapalit ko ng edad?
At hindi ko talaga maintindihan ang lahat ng ito. Kumbaga, out of my beautiful imagination na. Hindi na maipaliwanag ng siyensya!
Minadali ko ang paghakbang at halos tumakbo na nga ako para lamang makalapit sa tarangkahan ng eskwelahan. Grabe naman kasi tong school na 'to, ilang hilerang puno muna sa magkabilang gilid bago ang tarangkahan.
Napangiti pa ako ng malapit na akong makapasok. Wala din akong makitang ibang estudyante.
Sabagay, maaga pa naman kasi talaga. Ala-sais palang ng umaga at mamaya pang alas-otso ang simula ng klase. Na-tripan ko lang agahan ngayon dahil may mga assignments pa akong kailangang tapusin.
Kumaliwa ako pagkalampas ko sa main gate. At didiretso na sana ako sa library na g bigla nalang may lumitaw na estudyante sa harapan ko.
"Ay kabayong nagkakatol!"
Napatingin ako sa estudyanteng nasa harapan ko at halos manlaki ang mga mata ko. Maputlang labi at kulay. A lame and lifeless smile.
Lifeless. Pero hindi s'ya katulad ng mga nakikita o napapanaginipan ko. There's something with her na tila humihila sa akin.
"Sandali. Huwag kang matakot."
I looked at her. Lifeless and harmless naman s'ya kaso nakakapangilabot pa din ang makipag-usap sa uri n'ya.
"Ako? Gusto mong makausap?" Tinuro ko pa sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko ang uri n'ya.
"Kaibigan ako Bernadette. Hindi mo ako dapat katakutan," sabi pa n'ya with her lame smile again.
Saglit akong natulala, "Anong kailangan mo sa akin? You're not a human, spirit ka."
"Tama ka, pero maniwala kang kailangan mo mg tulong ko. Lalo na at hindi mo pa nalalaman ang tunay na katauhan mo."
Medyo kinabahan ako sa sinabi n'ya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Huwag kang mag-alala, malalaman mo.din ang lahat. Hindi nga lang ako ang dapat na magsabi niyon sa'yo."
Sabi n'ya at bigla na lang naglaho.
Ilang sandali pa bago ako nakabawi sa pagkabigla. Sa mga naranasan kong kakaiba nitong mga nakaraang araw, ito na ang pinakamalala.
Pilit na tinanggal ko sa isip ko ang nangyari bago nagpatuloy sa library at ginawa doon amg sadya ko.
Hindi din naman ako nagtagal sa library. Matapos ang halos kalahating oras ay agad akong dumiretso sa cafeteria at nag-almusal. Mag-isa nga lang ako dahil ang roommate ko, paniguradong kakagising pa lang ngayon. Natutulog pa kasi s'ya noong lumabas ako ng dorm.
Matapos kumain ay dumiretso na ako sa classroom namin. Tipikal na uri ng mga estudyante ang makikita. May maingay, magulo, may tahimik at walang pakialam sa paligid n'ya.
Naiiling na umupo na lang ako sa upuan ko at nangalumbabang naghintay ng propesor.
Hindi naman nagtagal ay pumasok na si Sir Dren, ang isa sa pinakamabait at pinakagwapong propesor dito sa Saint Runes!
Naalala ko pang halos kasabayan ko lang dito si Sir. Kaka-transfer ko pa lang nang maging propesor s'ya dito.
Kahit inaantok ay pilit kong itinuon ang atensyon ko sa pagtuturo ni Sir. Halos isang oras din yata akong nakipaglaban sa antok.
"Okay everyone, that's all for today," pamamaalam ni Sir Dren sa amin at lumabas ng silid.
Tinatamad na isinubsob ko ang mukha ko sa desk ko. Sumasakit na din ang ulo ko sa kakaisip sa mga posibleng dahilan ng mga nangyayari sa akin ngayon.
"Hay," nangalumbabang tumingin ako sa labas ng bintana.
Literal na napalapit ako doon nang bigla na lang maghati ang liwanag at dilim sa labas. Para iyong nagkikiskisan at pilit na sinasakop ang isa't isa.
Nakita ko pa ang unti-unting pagpasok ng dilim sa puting bahagi at ang pagdilim ng bawat madaanan niyon. Sobrang bilis ng pagkilos ng dilim na iyon at agad na naging kulay itim ang kalahati ng bahaging iyon ng liwanag.
Ilang beses ko pang kinusot ang mata ko pero ganon pa din ang tanawin sa labas.
Nakakapangilabot at nakakabinging katahimikan.
"Nagsisimula na sila," mahinang sabi ng boses babae.
Gulat na napalingon ako sa may-ari ng boses. Nasa likod ko si Ara at tulad ko'y nakatingin din s'ya sa labas.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Tiningnan ko ang mga estudyanteng nasa silid pero lahat sila ay abala sa kanilang mga ginagawa. Na para bang hindi nila nakikita ang paglalaban ng dilim at liwanag sa labas.
Mabilis na lumabas ako ng silid at tinakbo ang hallway. Agad na tinungo ko ang malaking salaming bintanang nandoon. Pero wala na ang nakita ko. Normal na ulit ang paligid na para bang walang nangyari.
I saw a male student near me.
Nakasandal s'ya sa may bintana paharap sa akin ngunit ang atensyon n'ya ay nasa labas. Siguradong nakita din n'ya ang kakaibang nangyayari sa paligid.
Pero hindi tulad ko, kalmado lang s'ya. Na para bang natural lamang ang kakaibang pangyayaring ito.
At may isang bagay sa kanya na hindi ko maintindihan. Kaya kahit gusto ko s'yang lapitan ay na-estatwa na din ako. Ni hindi kumilos ang mga paa ko para lumapit. Kunot noong tinitigan ko na lang s'ya at pilit na kinilala.
Para namang naramdaman n'ya ang presensya ko at lumingon s'ya sa gawi ko, bagay na naghatid sa akin ng kilabot at pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. At nagsusumigaw ang lahat ng parte ko na tumakbo palayo.
Literal na humakbang paatras ang mga paa ko. Ni hindi ko namalayang napahawak ako sa pader. At hindi ko man gusto ay parang gusto kong pagsisihan ang pagkilala sa taong ilang hakbang ang layo mula sa akin at matiim na nakatingin.
A deathly glare.
Queven Feene. A famous baseball player. Gwapo. Arrogant. Matalino. At higit sa lahat, kilala bilang taong yelo. All of him shouts nothing but danger.
This is my first time of seeing him.
Kaklase ko s-ya pero mi-minsan lang sya um-attend sa klase dahil naka-focus sya sa baseball club ng eskwelahan. At kahit na gusto ko pang makipagtitigan sa kanya ay hindi ko na ginawa.
Mabilis na umalis ako doon at bumalik sa silid namin.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko ngunit mas lalo akong kinilabutan.
Sinulyapan ko ang labas at halos wala ng bakas na may kakaibang nangyari doon kanina.
Naramdaman kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok na para bang may nakatingin sa akin kaya kahit ayoko ay nilingon ko ang pintuan ng silid.
Wala doon ang hinahanap ko.
Kinakabahang tiningnan ko ang isa pang pintuan ng classroom.
There, Queven Feene is standing beside the door while staring at me.
Ang maiitim na mata n'ya, ang makapal at mahabang pilik-mata na nakadagdag sa kung anong dulot ng pagtitig n'ya.
Nangunot ang noo ko nang makitang tila naguluhan ang lalaki bago walang babalang naglakad paalis.
❤