Chapter 4- Vision

2151 Words
Bernadette's Pov: Pilit kong binigyang rason ang mga misteryong posibleng nakabalot dito sa Saint Runes ngunit kahit anong pilit ko sa sarili ko ay di ko makitaan ng tamang rason ang lahat. Na para bang sinadya ang lahat ng meron dito. Sinadya? Kung talagang sinadya iyon, ibig sabihin sinadya ding itago ang Academy? I stopped walking when that realization hit me. Why? Naitanong ko sa sarili ko ngunit katulad ng mga unang katanungan ay nanatili iyong walang sagot o hindi ko talaga mahanapan ng sagot. Para akong na-trap sa isang kwarto na walang kahit anong lagusan. Iyong pakiramdam na hindi ko alam kung paano ako napasok sa lugar na iyon at walang malalabasan. Itinuon ko ang atensyon ko sa lalaking nasa unahan ko. Patuloy pa din s'ya sa paglalakad habang nakapamulsa. Ni hindi n'ya namalayan na hindi na ako nakasunod sa kanya at ilang metro na ang layo ko sa kanya. Kailangan ko bang magtiwala sa kanya? What is his name again? Crayon? At ano iyong nangyari kanina? Bakit parang may kakaibang koneksyong nabuksan sa pagitan namin? Ano iyon? Iniisip din ba n'ya iyon? Sa sobrang dami ng tanong ko ay napahawak ako sa ulo ko. "Hays! Ang sakit sa ulo!" naiinis na sabi ko at humakbang ulit. Ngunit nang mapatapat na ako sa dalawang haligi ng tarangkahan sa magkabilang gilid ko ay hindi na ako makahakbang. Pilit kong inihakbang ang mga paa ko para makalampas ngunit walang nangyari. Sinubukan kong bumalik ngunit hindi ko din maihakbang pabalik ang mga binti ko. O mas tamang sabihin na hindi ko maikilos ang katawan ko. I was trapped! I tried to call Crayon ngunit ni hindi bumuka ang bibig ko. Nakailang subok ako ngunit ni kahit isang salita ay walang lumabas sa akin. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili kahit pa sobrang takot na ang nararamdaman ko. Ngunit lahat ng inipon kong tapang at tatag ng loob ay biglang naglaho. I found myself crying. I'm terrified! Sobra-sobrang takot na ang nararamdaman ko. At hindi pa nakatulong na lahat ng nangyari sa mga nakaraang araw ay isa-isang nagsulputan sa aking isipan. I heard voices. Boses ng bata, matanda, lalaki, babae. Iba't-ibang boses na habang tumatagal ay palakas ng palakas. Gusto ko mang takpan ang mga tainga ko ay hindi ko magawa. Those voices woke something in me. Para iyong mga boses na narinig ko na kung saan ngunit hindi ko alam kung kailan. Nawala ang mga boses at napapikit ako nang magsabog ng ibat-ibang kulay ang paligid. "Anak! Kanina pa kita hinahanap! Nag-aalala na ang iyong ama." Iminulat ko ang aking mga mata nang makarinig ulit ako ng mga boses. Nahanap ng mga mata ko ang may ari niyon. Isang babaeng may mahabang buhok at magandang ngiti ang aking nakita. May hawak siyang basket na punong-puno ng mga bulaklak. Ngunit ang ikinamangha ko ay ang naiibang kasuotan n'ya. Mahabang saya iyon at kulay ginto, maging ang ornamento sa kanyang buhok na tila hugis kidlat ay ginto din. I saw a sun mark on her left arm. Agaw pansin iyon dahil hindi naman ikinubli ng kanyang damit. Inilibot ko ang aking mga mata nang makarinig pa ako ng iba't-ibang boses. Kulang ang salitang gulat nang mapagmasdan ko ang aking paligid. I'm not in Sain Runes anymore. Iba na ang paligid ko. Wala na ang dalawang haligi ng tarangkahan ng eskwelahan. Wala na din si Crayon. Nasa isang lugar ako kung saan ay hindi ko alam kung anong pangalan. Maging ang mga kasuotan ng mga tao sa paligid ko ay naiiba. "Ina!" Napalingon ako sa aking likuran at halos mapapikit ako nang makita ang isang batang babae na tumatakbo sa direksyon ko. Inihanda ko ang aking sarili sa maaaring impact ng pagbagsak ko kasabay ng pagdaan ng batang babae sa kinatatayuan ko. I felt nothing. It's like I'm invisible. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa iba akong dimensyon o mas tamang nasa iba akong panahon kung ang kasuotan ng mga tao dito ang pagbabasehan ko. At ang nasa harap ko ngayon ay isang pangyayari na hindi ko alam kung mula sa nakaraan o sa hinaharap. Binuksan ko ang aking mga mata at hinarap ang babaeng may simbolo ng araw sa braso. Nakaluhod s'ya sa lupa at nakangiting nakikinig sa pagkwe-kwento ng batang babae. Paminsan-minsan n'yang kinikiliti ang bata na humahagikgik naman. Maya-maya pa ay tumayo na ito at inakay ang bata at lumakad na palayo. Ilang hakbang na lamang ang mga ito bago humalo sa kumpol ng mga tao nang tumingin sa direksyon ko ang babae, sa kinatatayuan ko mismo at tumitig sandali sa aking mga mata. And it's like, she saw me. She smiled bago sila nawala sa paningin ko. I searched the sorrounding with my eyes at inihanda ko ang mga paa ko para maglakad nang biglang magbago ulit ang paligid ko. I found myself standing in the middle of a room. "Mga pangahas na nilalang!" Napakislot ako nang dumagundong ang boses na iyon sa loob ng silid. Unti-unti kong inilibot ang aking paningin. Mistulang bulwagan ang silid sa laki niyon. Larawan din iyon ng karangyaan kung ang mga kasangkapan ang pag-uusapan. Nagsusumigaw na ginto ang dalawang chandelier niyon. Maging ang maliliit na kasangkapan sa bawat pader ay mistulang ginto. Ang mga upuan ay halatang simbolo ng kayamanan. Mula sa kisame hanggang sa carpeted na sahig. Isa-isa kong tiningnan ang mga nasa loob niyon. Ang mga kasuotan nila ay pawang mga may kamahalan. Maging ang mga alahas at pagkilos nila ay larawan ng isang nakaaangat sa buhay. Ngunit ang mas nakatawag ng aking pansin ay ang mga tensyonadong katawan nila at ang takot at pagkabahala na halatang halata sa bawat mukha ng bawat isa sa kanila. "Hindi ko mapapayagan ang kapangahasang ito! Sa lalong madaling panahon, kailangan kong pulungin ang mga pinuno ng mga kaharian!" Maging ako ay nakaramdam ng takot sa may-ari ng boses. Damang-dama ko ang awtoridad at kapangyarihang nakapaloob sa boses na iyon. At malinaw na isa iyong utos. Dahil sa hindi naman ako kasali sa panahong ito at alam kong hindi ako nakikita ay minabuti kong ihakbang ang mga paa ko at lumapit pa upang makita ang may-ari ng boses na iyon. Habang palapit ng palapit ay pinagmasdan ko ang buong silid. Mistula iyong courtroom. Tumigil ako nang nasa bandang unahan na ako. Isang may kataasang stage ang nandokn at may tig-dalawang kulay gintong upuan. Sa gitna niyon ay may mas mataas na lugar kung saan may isang upuan. Pawang mga bakante ang upuang nandoon. Iginala ko ang aking mga mata sa dingding sa mismong likuran ng may pinakamataas na upuan. Isang crest ang nandoon. Wala sa loob na umakyat ako sa elevated stage at lumapit sa crest. Isa iyong gintong shield na may pitong sulok. Sa gilid niyon ay kulay itim na nakalinya sa hugis niyon ngunit mas nananaig pa din ang gintong kulay niyon. Sa loob niyon ay mukha ng leon na kulay ginto din at may kulay asul na mga mata. Sa magkabilang gilid ng shield ay may mistulang kamay ng leon na kulay ginto din. Ang ibabang bahagi niyon ay may dalawang gintong ulo ng leon na magkatalikuran at may gintong vines. Sa pinakalikod ng shield ay may gintong espada. Pamilyar ang pakiramdam na hatid ng simbolong iyon sa akin kaya wala sa sariling hinawakan ko ang mukha ng leon. Halos mabawi ko nga lang ang kamay ko nang maglabas iyon ng liwanag na agad ding nawala. Muli kong hinawakan ang ibang bahagi niyon at pinasadahan ang bawat bahagi. Sinipat ko iyon at doon ko lang napagtantong purong ginto iyon. Maging ang itim na linya sa crest ay gawa sa mamahaling bato. Hinawakan ko ang mata ng leon at napaatras ako nang biglang magliwanag iyon. Hindi iyon katulad kanina. Mas maliwanag ang hatid niyon at mas nakakasilaw. Agad din iyong nawala. Nakarinig ako ng bulong-bulungan na nakapagpalingon sa akin sa mga taong nasa loob niyon. Pawang nakatayo na ang mga nakaupong maharlika kanina. Ang iba pa nga sa kanila ay nakalapit na malapit sa stage. "Anong nangyayari? Bakit nagliwanag ang Crest?" Narinig kong tanong ng isa. Naka-puting kasuotan ito at may nakaka-intimidate na itsura. "Grand Maester?" Tanong ng isa pa. "May nakialam ng oras," tanging sagot ng tinawag nilang Grandmaester. S'ya din ang may-ari ng makapangyarihang boses kanina. Nagdulot ng mas lalong pagbubulungan ang mga nasa loob ng silid. Lahat sila ay nagpapahayag ng pagkalito sa sinabi ng Grandmaester. Ang iba naman ay nahulog sa malalim na pag-iisip at parang naintindihan ang ipinahiwatig na sagot na mula sa Grandmaester. Nakuha ng tinawag nilang Grandmaester ang atensyon ko nang lumapit ito sa pwesto ko. Abuhing mga mata, kulay brown na buhok. Hindi na ito bata ngunit mababakas pa din ang matipunong pangangatawan nito at ang kakisigang hindi naitago ng iilang kunot sa balat nito. Dahang dahang n'yang hinawakan ang simbolo at narinig ko pa ang sinabi nya bago hatakin ng kung anong pwersa ang kamalayan ko. Mistula iyong bulong na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa akin. "Dumating na ang oras," ang huling salita n'ya na narinig ko bago ako mapadpad sa ibang lugar. Hindi katulad ng dalawang pangyayari, ang nagaganap ngayon ay kakaiba. Wala ang kaayusan at kapayapaan. Puro kaguluhan at mga nasusunog na gusali.ang nakita ko. Hindi ko maiwasang umiwas sa mga nagkakagulong tao. I walked then I run. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyayari ngayon. Mga iyak at paghingi ng tulong ang pawang naririnig ko at pagmamakaawa ng ilan. Isa lang ang sigurado ko, nasaan man ako ngayon isang digmaan ang nangyayari ngayon. I saw a little girl few meters away from me. Tinakbo ko ang distansya namin at nakitang nakakapit sya sa isang bato. Halos manginig ako sa takot nang makitang bangin ang babagsakan ng bata. Isang napakalalim at walang hanggang bangin. Napaupo ako sa lupa at unti-unting nilapitan ang batang babae. Halos mapasigaw ako nang mahulog ang isang bato. Ni walang tunog iyon nang bumagsak sa bangin na tila bumagsak at nahulog sa kawalan. I looked at the little girl's face at sobrang takot ang naramdaman ko. S'ya ang batang babaeng tinawag na anak ng babaeng may simbolo ng araw. Sa dungis ng mukha n'ya at ilang sugat ay alam kong s'ya iyon. Umiiyak s'ya at diretsong nakatingin sa akin. Pilit n'yang inaabot ng isang kamay ang isang bato upang hawakan. There. At the back of her palm, she has the symbol of a sun, just like her mother. "Help me please." Gulat na napatingin ako sa kanya. Nakikita n'ya ako! Mabilis na inabot ko ang kamay n'ya ngunit hindi ko s'ya mahawakan. Tumatagos lamang ang kamay ko sa kanya. " I cant," naiiyak na sabi ko at sinubukan ulit na abutin s'ya. Halos tumigil ang paghinga ko nang muntik na s'yang mapabitaw. "You can't, wala ka sa panahong ito. Hindi mo mababago ang mga nangyari na," she said. "Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko ngunit ngumiti lamang s'ya. Malungkot na tumingin s'ya sa kabilang bahagi ng bangin. "Help them," malungkot na sagot n'ya. Tiningnan ko ang tinitingnan n'ya. Wala akong makita kundi kaguluhan. Ngunit sa likod niyon ay may naaaninag akong isang lugar na nababalot ng itim na usok. "Andito sya!" Isang sigaw ang gumising sa akin mula sa likuran. Dali-dali akong tumayo nang makita ko ang isang kawal na may gintong baluti ang papasugod. On instinct ay humarang ako sa daraanan n'ya. Alam kong ang batang nasa bangin ang sadya ng kawal. "Don't!" mariing sigaw ko na nakapagpatigil sa kawal na para bang naramdaman n'ya ang presensya ko. It gave me time para pasadahan ng tingin ang kawal, maging ang simbolong nasa dibdib ng baluti n'ya. Walang iba kundi ang simbolong nakita ko sa marangyang silid kanina. "Dapat kang mawala!" Hindi ko napigilan ang paglapit ng kawal sa bata. Pinilit ko s'yang harangan kasabay ng panalangin na sana ay makita n'ya ako. Ngunit nilampasan lang n'ya ako. Tuloy-tuloy s'ya sa bata at itinaas ang kanyang espada. The girl looked at my eyes directly. She forced a smile at bago pa bumaba ang sandata ng kawal ay bumitaw na s'ya sa pagkakahawak sa bato. Nagliwanag din ang simbolo n'ya sa kamay habang nahuhulog ang katawan n'ya sa bangin. "Nooo!" I found myself shouting and crying kasabay ng isa pang boses. Ngunit bago ko pa malingon ang may-ari niyon ay naramdaman kong may isang malaking pwersang lumabas sa akin dahilan upang maitaboy ang kawal sa pinakagilid ng bangin. Nagawa n'yang makakapit sa batong kinapitan ng batang babae kanina ngunit isang malaking bato ang tumama sa ulo n'ya dahilan ng pagkahulog din n'ya sa bangin. That's the last thing I saw bago may malakas na pwersang humatak sa akin. Muli kong naramdaman ang aking katawan kasabay ng malakas na pagyugyog sa akin ng kung sino. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD