Chapter 3- Crayon

1667 Words
Bernadette's Pov: Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Magaan ang katawan na umupo ako sa kama. Kama? Bakit ako nasa kama? Halos magpanic ako nang pagmasdan ko ang paligid ko. All white, may magkabilang puting kurtina sa gilid ko, may maliit na mesa sa tabi ng kama at may isang upuang kulay puti din. May tabing na puting kurtina din sa paanan ko. Ang espasyo niyon ay kasya lamang sa isang pasyente at isang nagbabantay. At alam kong isa lang ang kamang hinihigaan ko sa mga kamang nandito sa kwartong ito. Nasa clinic ako ng eskwelahan. Sa ulunan ng aking kama ay isang bintana na sinisilipan ng sinag ng kulay kahel na araw. "Hapon na? Gaano ako katagal na nawalan ng malay?" Mahinang tanong ko sa sarili at pilit inalala ang mga nangyari. Unti-unting luminaw ang aking alaala at isang bagsakan na lumitaw ang mga larawang rumehistro sa aking isipan. Mula sa kakaibang pangyayari kaninang umaga sa classroom hanggang sa isang pares ng kulay asul na mata sa cafeteria. Naramdaman ko muli ang takot at pagkabahala. Maging ang pagtataka at pagdududa sa lahat ng bagay ay muling bumalik sa akin. Kasabay niyon ay ang magkahalong init at lamig na pakiramdam. Parang pilit na pinapakalma niyon ang nagwawalang takot sa aking dibdib. Ngunit bagkus makatulong ay nakadagdag pa iyon sa bigat ng aking nararamdaman. Para iyong nagwawala at gustong lumabas. Isang bagsakan ang emosyon at halos magsikip ang aking dibdib. Napahinga ako ng malalim at pilit na kinalma ang aking sarili. Paulit ulit na exhale at inhale ang ginawa ko. Halos malukot na din ang sapin ng kama sa higpit ng pagkakakapit ko doon. Naramdaman ko din ang mga butil ng pawis sa aking noo. Ilang segundo kong nilabanan ang pagwawala ng kung ano sa loob ko. At nang maramdaman ko ang unti-unting pagkalma ng aking pakiramdam ay nakarinig ako ng mahihinang ungol sa kanan ko, sa bahagi ng natatakpan ng puting kurtina. Napalunok ako sa takot na baka kakaiba na naman ang mangyayari sa pagkakataong ito. Napausog ako sa gilid ng kama ko nang muling kumilos ang nasa likod ng tabing, inihanda ko na din ang mga paa ko para tumakbo kung sakali. Pero bago pa ako makagalaw ay gumalaw na ang puting kurtina at mula sa kabila ay may nahulog na isang bagay kasabay ng tiling kumawala sa bibig ko. Ang takip na puting kurtina ay sumama sa malaking bagay na nahulog dahilan upang makita ko ang kabilang kama. Isang palatak ang narinig ko mula sa "bagay" na nahulog. Pero dahil sa takot ay hindi ko na naintindihan ang sinabi niyon. Nang gumalaw ang puting kurtina ay lalo akong napasiksik sa dulo ng kama. Halos balutin ko din ng kumot ang sarili ko sa takot at ramdam na ramdam ko ang pagkawala ng kulay sa mukha ko maging ang pagbalik ng kabog ng dibdib ko. Humulma iyon sa isang malaki at matangkad na bulto kasabay ng pagkilos ng natatakipan niyon. Tumayo iyon na lalong nagbigay sa akin ng kakaibang takot. Pilit din niyong inaalis ang kurtinang tumakip sa kanyang kabuuan. Kung ano-anong uri ng nilalang ang naisip kong nasa loob niyon. Maaari ding mga kaluluwang nagpapakita sa akin nitong mga nakaraang araw. Pasimple kong hinawakan ang bag ko na ngayon ko lang napansin na nasa upuan pala katabi ng kama ko. Handa ko na iyong ibato sa nilalang sa ilalim ng kurtina nang bumukas ang tabing sa paanan ko. Nag-aalalang mukha ng school nurse ang bumungad doon. Marahil ay narinig n'ya ang pagtili ko kaya napasugod s'ya dito. Kinakabahan man ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa kagandahang taglay ng nurse. Hindi din s'ya pamilyar sa akin, mukhang isa s'ya sa bagong miyembro ng medical staff ng eskwelahan. Nag-aalalang tiningnan ako ng kulay brown n'yang mga mata at sinipat ang maaaring dahilan ng pagkakasiksik ko sa kama. Lalapit sana s'ya ng mapansin n'ya ang nasa kanan ko. Ang pag-aalalang nasa mukha n'ya ay napalitan ng nangungunsuming itsura para sa isa pang tanawin sa harap namin. Namaywang s'ya at nakataas ang kilay na tiningnan ang malaking bagay na gumagalaw sa harap n'ya. "You're here again, Crayon." Kasabay niyon ay ang tuluyang pagkawala ng pagkakatakip ng kurtina sa nilalang na nasa loob niyon. Napasalampak iyon sa sahig kasama ng kurtinang nakabalot pa sa kalahati ng kanyang katawan. Naiinis na inihiwalay n'ya iyon at iniitsa lang sa tabi. Mukha pa s'yang napapagod na sumandal sa kama bago humarap sa nurse. "Masyadong boring sa klase Nurse Thalia, saka mas matalino pa ako sa mga teacher dito. Why a sudden transfer huh? Mas gusto kong magsanay..." Naputol ang sasabihin n'ya nang matuon sa akin ang atensyon n'ya. Mukhang ngayon din lamang n'ya ako nakita. He has a playful look para sa isang estudyante. Gumuhit sa labi n'ya ang isang pilyong ngiti kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata. "And you are?" "Don't mind him Bernadette. He's just a lazy transfer student here. Doing nothing but cutting classes," pagsingit ng school nurse at hindi pinansin ang kunwaring paghawak ng transfer student sa kanyang dibdib. "Are you okey? I'm Thalia at ako ang bagong nurse dito. Ako din ang naka-duty nang dalhin ka dito ni Queven ng walang malay. He told me that you need a full rest kaya binigyan kita ng pampatulog. Thirty minutes before uwian ay maaari ka ng umuwi. You don't need to worry," paliwanag ni Nurse Thalia at hinawakan ang noo ko. Tumango lang ako sa kanya. At pinakiramdaman ang ginhawang hatid ng kayang palad. "Aha! Close pala kayo ni Uno!" the transfer student exclaimed. Kunot noong tiningnan ko s'ya. "Sinong Uno?" Again, he chuckled. Tumayo s'ya at umupo sa kama. Nakangising humarap s'ya sa akin."Nagpabuhat at nagpadala ka sa isang taong ni pangalan hindi mo alam? How naive of you, milady!" Isang batok mula sa nurse ang bumura sa pagkakangisi n'ya. "Shut up Crayon. Pumasok ka na sa klase mo. Hindi silid-tulugan ang clinic." Sermon pa ni Nurse Thalia at hindi nakalampas sa pandinig ko ang bantang kalakip niyon. Marahang hinawi n'ya ang kurtina at hinarap ako. "Don't stressed yourself okey?" matamis ang ngiting wika ng magandang nurse at tuluyan ng lumabas. Naiwan kami ni Crayon at ilang sandaling namayani ang katahimikan sa amin. "B-bakit?" Naiilang na tanong ko sa transfer student. Kanina pa n'ya ako tinititigan at maging ang pilyong ngiti sa mga labi n'ya ay naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. Nag-stretch muna s'ya ng mga braso saka naglahad ng kamay sa harapan ko. "Queven Feene I, he's Uno. I bet hindi mo alam iyon, that jerk. By the way, I'm Crayon. Crayon Edelstein." Tiningnan ko muna s'ya bago inabot ang kamay nya. Ganoon na lamang ang pagkamangha ko nang may liwanag na lumabas ng magdaop ang aming mga kamay. Mistula iyong mahabang laso, puting manipis na laso na mula sa akin at pinaghalong itim at lila ang kulay naman na mula sa kanya. Mahaba at nagliliwanag. Namamanghang napatingin ako sa kanya. Sinalubong ako ng abuhin n'yang mga mata, matiim at seryoso s'yang nakatingin sa akin. Nang muling ibinalik ko ang aking mga mata sa aming palad ay nakapaikot na ang lasong mula sa kanya sa akin at ganundin ang sa akin sa kanya. Nagsabog iyon ng kulay puti, itim at lila na liwanag at nagtagpo ang parehong dulo sa gitna. Nagliwanag iyon at naitakip ko pa ang kabila kong kamay sa aking mga mata dahil sa nakasisilaw na liwanag. "Just like what I thought," Crayon murmured. May sinabi pa s'ya na hindi ko na naintindihan dahil mukhang sa sarili lang n'ya iyon sinabi. Hindi ko na din tinanong. Blangko ang ekspresyon na tumingin s'ya sa akin at itinuro ang bag ko. "Get ready. Ihahatid na kita," sabi n'ya sa seryosong tinig. Ang kislap ng mga mata n'ya ay wala na. Maging ang mapaglarong ngiti niya ay hindi ko na makita. Gusto ko mang magtanong kung ano ang nangyari at kung ano ang liwanag na iyon ay hindi ko na ginawa. Isa lang ang sigurado ko, anuman ang nangyari kanina ay nagbukas iyon ng kakaibang koneksyon sa akin at kay Crayon. Kaya pinili ko na lamang munang tumahimik. Sa ngayon. Tahimik na kinuha ko ang bag ko at sinundan s'ya sa paglabas ng silid na iyon. Tahimik lang s'yang naglalakad habang palabas ng eskwelahan. At dahil di pa naman tapos ang klase ay walang estudyante maliban sa aming dalawa. Sinundan ko lamang s'ya. I don't know why pero may parte ko na nagsasabi na magtiwala lamang kay Crayon. Ang eskwelahan ay may sariling dorm. Ngunit kaibahan sa ibang school, ang dorm ng Saint Runes ay nasa kabilang kanto pa. At mga establisyementong pag-aari din ng eskwelahan ang nakapagitan dito kasama ang mga kalsadang nadadaanan lamang ng mga pribadong sasakyan ng staff ng paaralan. Malaki at malawak ang lupang nasasakop ng eskwelahan bagay na ikinaiba nito sa ibang school dito. Para itong isang lugar na kompleto sa pangangailangan ng bawat estudyante. At habang naglalakad ay doon ko lang napansin ang malaking kaibahan nito sa ibang eskwelahan. Ang lawak nito na di maipaliwanag at kakaibang structure. Bukod sa dorm na nasa kabilang kanto ay may mga mistulang town houses din na nakabukod at nasa dulo ng lupain na sakop ng Saint Runes katabi ng mataas na pader na nagsisilbing harang niyon sa totoong buhay sa labas. Ang mga town house na iyon ay pag- aari ng mga estudyanteng may salapi at ayaw manirahan sa dorm na nakalaan sa kanila o kaya naman ay nagsisilbing safe haven nila. Iyon lamang ang alam ko sa dulong bahagi ng eskwelahan dahil sa pribado iyon at hindi ko pinangangahasang puntahan. Kung titingnan mula sa itaas ay hugis tatsulok ito. Ang harang na hugis tatsulok talaga. Ang eskwelahan sa tuktok, nasusundan ng mga establishments. Ang dorm sa gitnang bahagi. Ang mga pribadong townhouse sa kanang dulo at isang kagubatan sa kaliwang bahagi nito. Kagubatan? Bakit nga pala may kagubatan sa isang eskwelahan? Sa isang eskwelahang mukhang ibinukod sa city? ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD