Chapter 5- The Chosen Magistrate

1850 Words
Crayon's Pov: Tahimik lang na naglalakad ako palabas sa Academy. Ramdam ko din ang presensya ng babaeng estudyante sa likod ko. Magsisinungaling ako kung itatanggi ko ang isinisigaw ng kung anong koneksyong nabuksan sa pagitan namin. I know it. She's the Chosen Seed. Pero sobrang aga pa para mabuksan agad ang koneksyon ko sa kanya. Parang minadali ang takbo ng mga pangyayari, maging ang koneksyon namin. Wala sa lugar at sa oras ang pagkikita namin ngayon. Everything is a mess right now. Isa pa si Uno, kundi dahil sa kanya ay hindi ako mag iisip ng kung ano-ano ngayon. Kung hindi ko nalamang si Uno ang nagdala sa kanya sa clinic, hindi ko makukutuban na espesyal ang babaeng ito. "That jerk. Kung hindi ko lang alam na mas gugustuhin n'yang tumulong sa bagong panganak na pusa kaysa sa magdala ng babae sa clinic, hindi sana mananakit ang ulo ko sa kakaisip, nasaan na nga pala ang taong yun?" naiinis na palatak ko. Nagulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Then I felt something weird. Tumigil ako sa paglalakad at pa-simpleng inobserbahan ang paligid. There's nothing but silence. At sa mga katulad kong sanay sa pakikipaglaban, isa lang ang ibig sabihin ng katahimikan. Panganib. I closed my eyes at pinakiramdaman ang bilang ng nasa paligid namin. There's a bunch of shadows hiding at my 12 o'clock, a few shadows at my 3 and 9 o'clock. And at my 6 o'clock... "s**t!" Napamulat ako ng mata nang hindi ko maramdaman ang presensya ni Bernadette sa likuran ko. Mukhang sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nakalimutan kong kasama ko s'ya. But that can't be, lalo pa ngayon. Maingat na tiningnan ko ang aking harapan at unti-unting naglabas ng kapangyarihan. Kasabay ng pagluhod ko sa lupa ay ang paglabas ng moon orb ko sa aking unahan. Ang moon orb ay hugis katulad ng kalahating buwan, mala-diyamanteng uri ito ng sandata na may mga simbolo ng bituin sa bawat blade nito. Hindi ito kailangang hawakan, mananatili lamang itong nakapaikot sa akin sa kahit na anong posisyon ko gustuhin, katulad ngayon. It serves as my defense. Pagkalabas na pagkalabas nito ay inutusan ko itong maglabas ng tila maninipis at matutulis na kidlat. Pinuntirya ko ang mga nasa unahan at gilid ko habang unti-unting humahakbang pabalik. "Damn this hollows!" I clenched my teeth as I saw numbers of hollows coming from the shadows. Direkta nila akong sinugod. Ang iba ay natamaan ng kidlat na lumabas sa moon orb ko at biglang naglaho ngunit sa halip na maubos ay mas lalo silang dumami. I tried to walk as faster as I can para makalapit kay Bernadette ngunit mukhang hindi iyon madali. Hollows are kind of aggressive creatures. Sabay-sabay nila akong sinugod and I dont have a choice kundi labanan sila isa-isa. Mula sa aking kamay ay inilabas ko ang aking sandata. It's a scythe with a long handle. A blade made of gold with a mark that is only for me. For a chosen magistrate. Iwinasiwas ko ito at bawat tamaan ng talim ng aking ay agad na nawawala. I tried to clean atleast my front then I structed my weapon on the ground. Nagbitak-bitak ang lupa at mula doon ay may mga kamay na humila sa mga hollows pailalim sa lupa. Nagawang makatakas ng ilan ngunit karamihan ay nahila ng mga kamay na iyon pailalim. Naramdaman ko ang butil-butil na pawis sa noo ko at ang pag-iinit ng dibdib ko. Muntik na akong mapaluhod sa pagod kundi ko lang naitukod ang hawakan ng sandata ko sa lupa. Maging ang paghinga ko ay malalim at mabigat na. "That old man! Nakakagigil talaga s'ya!" Naiinis na sabi ko at marahas na hinawakan ko ang ibabang collar ng aking uniform na naging dahilan ng pagkakatanggal ng ilang butones niyon at naging dahilan upang mahantad ang parte ng dibdib ko. Sinilip ko ang parte kung saan ay may isang marka sa tapat mismo ng aking puso. It's a contract mark na inilagay mismo ng matandang iyon. I'm not just an ordinary Magistrate at hindi katulad ng normal na mga ka-uri ko, mas malakas ako sa kanila at mas makapangyarihan. Pero dahil sa markang ito at sa kadahilanang hindi ko maintindihan ay limitado lang ang kapangyarihan at lakas na nagagamit ko. At pakiramdam ko nga ay mas mahina pa ako sa ordinaryong magistrate. Limitado ang kilos at maging ang kakayahan ko. Inililis ko ang sleeves ko, hinubad ang blazer ko at basta na lang iyon itinapon sa tabi. I held my weapon as I observed the remaining hollows. Mukha din silang nag-oobserba lang. Dahan dahan akong nag-ipon ng bola ng kapangyarihan sa kaliwang kamay ko at nang maramdamang sapat na iyon ay basta ko na lang iyon inihagis sa harapan ko. It created a wild force at pansamantala niyong nilipad ang mga hollows na malapit sa akin. Agad na tinakbo ko ang distansya namin ni Bernadette at kahit na ilang metro lamang ang layo n'ya ay parang iyon na ang pinakamabagal na takbo ko. Nakita ko s'yang nakasalampak sa lupa at nakatungo, mukha namang hindi s'ya naapektuhan ng mga hollows kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Nasa dalawang metro na lang ang distansya ko nang biglang may bagay na dumamba sa likod ko. Nawalan ako ng balanse at halos mapasubsob sa lupa kundi ko lang naitukod ang isang kamay ko. Gumulong ako pakanan upang maiwasan ang atake na lumabas mula sa butas sa katawan ng may kalakihang hollows na dumagan sa akin. Halos masinghot ko din ang alikabok sa lupa. Hinihingal na napaupo ako at itinukod ko muli ang tuhod ko at gamit ang aking weapon ay inalalayan ko ang aking katawan upang makatayo. I felt a sudden pain on my back. Kasabay ng pagsikip ng aking dibdib tanda na naabot ko na ang limit ng kapangyarihang itinakda ng seal. Muli kong naitukod ang aking kamay at pinalabas muli ang moon orb. Umikot ito sa aking likuran at katulad kanina ay nagsilbi itong depensa ko sa mga hollows na umaatake sa akin mula sa likuran. Nakita ko din ang ilang hollows na mabilis na tumakbo sa direksyon ni Bernadette. I closed my eyes and exhaled. At kasabay ng pagmulat ko ay nag-concentrate ako sa babaeng may malaking papel sa mundong ito. Alam ko at ng uri ko kung bakit namin kailangang lumaban. Alam ko kung bakit kami naiiba at hindi ang mga hollows na nasa paligid ko ngayon ang magiging dahilan ng pagkasira ng misyon ko. I focused on the ground at gamit ang kakayahan ko ay ginamit ko ang lupa upang protektahan ang babaeng hanggang ngayon ay nakasalampak pa,din sa lupa. Umangat ang lupang kinauupuan n'ya at tumaas iyon. Mula din sa lupang iyon ay agad na lumabas ang mainit na temperatura na naging dahilan ng pagkatunaw ng mga hollows na nagtangkang lumapit sa kanya. Ang iba naman ay walang nagawa kundi lumayo sa init ng singaw ng lupa. As a magistrate, talagang naiiba kami. Dahil na din sa uri namin, hindi kami katulad ng mga Guardian na may direktang kaugnayan sa liwanag. We're far different from them. Hindi kami nilalang ng dilim pero hindi namin magagamit ang liwanag ng direkta laban sa mga Hollows. Ang liwanag ang isang kahinaan ng mga hollows, ngunit dahil alam naming hindi namin magagamit iyon nag-isip kami ng alternatibong solusyon. Iyo ay ang init o mataas na temperatura. Ang init ang isa sa dahilan ng pagiging buhay ng bawat nilalang, bagay na wala ang mga hollows. Napag-alaman din naming katulad ng liwanag, isa ito sa kinatatakutan ng mga hollows. Halos maipikit ko ang isang mata ko sa pagkirot ng contract seal sa dibdib ko. Ngunit dahil sa may iilan pang hollows na malapit kay Bernadette ay mas pinatindi ko pa at pinalawak ang init ng lupa. Halos matupok nito maging ang mga lumayo at bago pa man maglaho ang kahuli-hulihang hollows sa paligid ni Bernadette ay nakaramdam ako ng isang palasong tumama sa kaliwang balikat ko. I felt my blood coming from my wound. Maging ang kirot at hapdi na dala niyon. Iba iyon sa atakeng tumama sa likod ko kanina. Mas malakas iyon at sigurado. I looked at my 3'oclock, doon nanggaling ang atake. Ang presensyang hindi ko din naramdaman kanina ay naramdaman ko na ngayon. True to my observation, nagsiurong ang mga natitirang Hollows. Someone out there is controlling them. At kung sino man iyon, masasabi kong malakas s'ya kung ang presensya n'ya ang pagbabasehan ko. At this moment alam kong ako ang puntirya ng kalaban, hindi nga naman nila makukuha ang binhi kung hindi nila ako tatanggalin sa landas nila. Pinanatili ko ang paningin ko sa harapan ko at hinayaan ang namumuong panibagong atake mula sa tumira ng palaso. Naramdaman ko din nang bitawan ng may-ari ng palaso ang pangalawang atake n'ya ngunit ilang segundo lamang ng mula sa kabilang gilid ko ay may mabilis na pwersang dumaan. Iyon ang sumalubong sa atakeng pinakawalan ng nasa kaliwa ko. Lumikha ng kaunting liwanag ang nagsalpukan na kapangyarihan ng dalawang nilalang na hindi ko nakikilala. Bago ko pa man matukoy ang eksaktong lugar ng misteryosong nilalang na tumulong sa akin ay may ilang bolang apoy na lumitaw mula sa kanan ko at tumupok sa mga natitirang hollows. Isa-isang nawala ang mga hollows hanggang walang maiwan ni kahit ang bakas nila. Pinakiramdaman ko ang magkabilang paligid ko at kunot-noong pinasadahan ko ng tingin ang magkaibang direksyon. Their presence,parehong malakas at nakakatakot ngunit ang ipinagtataka ko ay iisa ang presensya nila. Galing sa magkaibang tao ngunit pareho lamang ang isinisigaw ng kapangyarihan nila. Iisang uri sila at hindi ko alam kung ano. At basta na lang sila nawala na hindi ko man lang natukoy ang pinagkukublihan ng kahit isa sa kanila. Dahan-dahan kong ibinaba ang lupa na kinauupuan ni Bernadette. Tinanggal ko din ang mainit na temperatura kasabay ng pagkawala ng sandata ko. Kinuha ko ang vest ko at inayos ang sarili ko bago ako nag-desisyong lumapit sa babaeng hanggang ngayon ay hindi padin kumikilos. I crouched in front of her at marahan s'yang niyugyog. Ngunit nanatili s'yang nakatungo, marahan kong itinunghay ang mukha n'ya at naramdaman ko ang mga luhang naglalandas sa magkabilang pisngi n'ya. Ngunit ang mas nakakagulat ay ang mga mata n'ya. It's all white. "Bernadette! Wake up!" May pagmamadali kong niyugyog ang magkabilang balikat n'ya. Marahan ko ding tinapik-tapik ang pisngi n'ya. "s**t! This is too soon! Hindi na maganda ang nangyayari." "Wake up!" Sigaw ko at pinilit s'yang gisingin. "C-crayon..." Atlast, she opened her eyes. Pero parang dam pa din sa pag-agos ang mga luha n'ya. "C-Crayon," she called my name again at bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na lang ang nanginginig n'yang katawan na yumakap sa akin. She cried. Halos madurog ang puso ko sa nakikitang paghihirap ng babaeng ngayon ko lang nakilala. Wala akong nagawa kundi haplusin ang buhok n'ya at tapikin ang balikat n'ya habang patuloy s'yang umiiyak sa dibdib ko. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD