Bernadette's Pov: Katulad ng sinabi ni Ara, agad din kaming umalis sa bahaging iyon ng nakaraan n'ya. Ni hindi ko man lang nakita kung ano ang sumunod na sitwasyon ng tatlo. Nandito kami ngayon sa mismong araw ng kaarawan n'ya. Isang buwan matapos ang pagkakatuklas kay Queven bilang piniling Guardian. At wala akong nakikitang senyales na nagpapakita na may natatago ngang kakayahan si Ara. Sa mga nakita ko, kakayahang umiyak lang yata at saktan sina Crayon ang nakita ko. Lihim na napatawa ako sa naisip ko. Hindi din mawala sa isip ko ang sinabi n'ya. Ito na ang huling alaala sa nakaraan n'ya na maiipakita n'ya. Kumabog ang dibdib ko sa mga nakakatakot na maaaring dahilan kung bakit n'ya sinabi iyon. That can't be! Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang masasamang naiisip ko at pinilit