Bernadette's Pov: "Aray!" Mahinang daing ko nang masagi ako ng isang lalaking estudyante na tumatakbo. "Hoy Seven! Mag-ingat ka nga!" malakas na sigaw ni Venice sa estudyante bago umabrisete sa akin. Sandaling tumigil ang tinawag n'yang Seven saka kumakamot sa ulong yumukod bago muling tumakbo. "Kahit kailan, 'yang pitong yan." I heard Venice tsked. Naaaliw na sinabayan ko lang s'ya sa paglalakad. Umaga ngayon at kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa Academy. Iilan pang estudyante ang kasabay namin at ang ilan nga sa kanila ay nagtatakbuhan pa. Sinulyapan ko ang relo sa pala-pulsuhan ko at tiningnan ang oras. Maaga pa naman at mamaya pa magsisimula ang klase. Hyper lang talaga ang mga estudyante lalo pa't ngayon ang unang araw para sa training ng bawat isa. Mukhang noong un