Bernadette's Pov: Pinilit kong labanan ang pwersang humihila sa akin para manatili. Pero katulad ng mga nangyari, wala akong nagawa. Tuluyan akong natangay ng malakas na pwersa palayo sa marahas na nakaraan ni Ara. Una kong naramdaman ang katawan ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Napapikit pa ako nang salubungin ako ng liwanag na nagmumula sa ilaw ng silid. In-adjust ko muna ang mga mata ko sa liwanag bago iginala ang paningin. Madilim na ang paligid sa labas ng bintana. Hinanap ko ang orasan at tiningnan iyon. Mag-a-alas otso na ng gabi. Mukhang kahit na naglakbay kami sa ibang panahon ay hindi pa rin kami naging ganon katagal doon. Kahit pakiramdam ko ay ang tagal tagal namin. Naramdaman kong basang-basa ang pisngi ko kaya agad ko iyong pinunasan. My heart ached. Mas lal