Bernadette's Pov:
I was running. Walang katapusang pagtakbo mula pa kanina. At iisa lang ang nakikita ko. Darkness. Walang katapusang kadiliman. Ni kahit katiting na liwanag ay wala akong makita sa lugar na kinaroroonan ko ngayon. Ilang beses na din akong nadapa.
Hindi ko alam kung saan o kanino ako tumatakbo. Ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo sa lugar na ito at sa kung sino mang humahabol sa akin.
Halos sumabog na din ng dibdib ko sa pagsisikip niyon. Tila nawawalan na din ako ng hangin dahil sa walang katapusang pagtakbo ko mula pa kanina. Masakit na din ang binti ko at ramdam ko na ang ilang kirot mula sa mga sugat at gasgas sa paa ko.
Pero hindi ako pwedeng tumigil. No, ayokong tumigil.
"Aray!"
Napahampas ang mukha ko sa lupa nang madapa ulit ako. Naiiyak na napaupo ako at tiningnan ang paligid ko. Walang nagbago, pawang kadiliman pa din ang nakikita ko. Puro iyak at hiyaw ang naririnig ko.
"Hindi ka makakaalis dito Bernadette. Ito ang kakambal ng tadhanang ibinigay sa'yo."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Malinaw ang mensahe n'ya pero kinilabutan ako sa lamig na dala niyon na para bang nagmula pa sa kailaliman ng lupa.
"S-sino ka?" natatakot kong tanong at pinilit ang sarili kong tumayo. Pero sadyang mahina na ang katawan ko kaya muli akong napasalampak sa lupa.
"Nakakaawa ka. Ikaw at ang angkang iyong pinagmulan."
Narinig ko na sabi ulit ng boses. Sa pagkakataong ito ay malapit na s'ya sa akin at kakaibang kilabot na ang hatid n'ya sa akin kaya kahit wala akong nakikita ay pinilit kong gumapang palayo sa may-ari niyon.
"Anong kailangan mo sa akin?
Sino ka? Nasaan ako?" pinilit kong patatagin ang boses ko sa kabila ng panginginig ng katawan ko. Ngunit tanging malutong na halakhak lamang n'ya ang narinig ko.
Halakhak na punong-puno ng pagkasuklam. Lalo iyong nagpatindi sa takot na nararamdaman ko. Sinabayan pa iyon ng malamig na pag-ihip ng hangin.
"You can escape here, Bernadette.
Isang bagay lamang ang kailangan mong gawin."
Napatigil ako sa paggapang ng marinig ko ang sinabi n'ya. Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaunting pag-asa. Pinilit ko s'yang aninagin sa kabila ng kadilimang bumabalot sa amin.
Tila hudyat naman iyon para unti-unting mawala ang kadiliman. Naa-amaze na tiningnan ko pa ang pantay na paghahati niyon sa dalawa. Literal na nahati sa puti at dilim ang kulay ng paligid.
Unti-unting umatras ang dilim sa harapan ko at nanatili naman ang liwanag sa likurang bahagi ko. Sa dalawang kulay na iyon, ako ang nasa gitna kaya kitang kita ko ang tila pakikipaglaban nila upang masakop ang isat-isa. Isang pamilyar na tanawin para sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko nakita.
Isang malaking bulto ng nilalang ang nakita kong tumayo sa harap ko. Hindi ko masabing tao s'ya dahil natatakipan ng kapang itim ang buong katawan n'ya at purong kadiliman ang nasa likod n'ya dahilan upang hindi ko makita ang mukha n'ya.
Pinilit kong tingalain ang nilalang na iyon. "Paano?"
Pulang pares na mga mata ang sumalubong sa akin.
"Death. You only have to die,B ernadette. No. You must die. Para matakasan mo ang nakakasuklam na tadhana mo. Die and I'll spare you from your own curse." Sagot n'ya na nakapagpanginig sa buong katawan ko at kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko ang pagngisi n'ya.
Naging alerto din ang bawat bahagi ng katawan ko. My body warned itself sa posibleng panganib na dala ng nasa harapan ko.
Mabilis na napailing ako at pinilit kong tumayo. "No. Hindi kita naiintindihan." Paika-ika akong humakbang palayo sa nilalang na iyon.
Pinilit kong pumunta sa bahagi ng liwanag ngunit nanatiling nasa gitna ako niyon at ng dilim sa harap ko. At kahit na ilang hakbang ang gawin ko ay hindi ko magawang makalayo. Para bang ako ang naghahati sa mga iyon.
"Ayaw mo? Then I'll kill you."
Takot na nilingon ko s'ya kasabay ng biglang pag-pula ng paligid ko. Tuluyang nawala ang liwanag at halos maging kasing pula ng dugo ang buong paligid.
Muli s'yang humalakhak na nagpakabog ng sobra sa dibdib ko.
"Inilahad n'ya ang dalawang kamay n'ya sa magkabilang gilid at mula doon ay may lumabas na itim na usok. Nagmistula iyong lubid at bago ko pa mahulaan ang balak n'ya ay agad iyong pumaikot sa leeg ko.
Pinilit kong tanggalin iyon ngunit mas lalo lamang iyong humigpit at sinakal ako. May pumulupot din sa baywang ko at parang hinahati niyon ang laman ko.
"P-please... S-Stop..."
Nahihirapang pakiusap ko sa kanya pero hindi s'ya tumigil. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko mula sa tinatapakan ko.
Pinilit kong tanggalin ang itim na lubid sa leeg ko pero sobrang higpit niyon. Naramdaman ko na din ang pamumuo ng luha sa mga mata ko dahil sa kakapusan ng hangin. Nag- init na ang dibdib ko at bumilis ang t***k ng puso ko na parang nagsusumigaw na lumanghap ako ng hangin.
Naiiyak na napatingin ako sa nilalang na may gawa niyon.
"This is your destiny Bernadette. You'll die.... Or they will die. Your choice," sabi n'ya at tila natutuwang tiningnan ang paligid.
Pinilit kong tingnan ang tinitingnan n'ya sa kabila ng panghihina ko. Ang kaninang kulay pulang paligid ko ay literal na naging paligid na punong-puno ng mga taong naliligo sa dugo.
Familiar and unfamiliar faces. Mga kaklase, kaibigan at itinuring kong pamilya. Lahat sila ay nakahandusay sa lupa at tila wala ng buhay.
My heart searched for someone. Someone that I didn't even know. Pero tila nakikilala ng puso ko kaya nahanap s'ya ng mga mata ko. Nakita ko s'ya ilang metro ang layo sa akin.
Naliligo sa dugo habang may espada pang nakatarak sa dibdib n'ya. His face was blurred pero hindi iyon nakabawas na sakit na bigla kong naramdaman sa puso ko.
My heart ached at sa di ko malamang dahilan ay parang dinurog ang puso ko sa nakikita ko.
"N-no," naiiyak na sabi ko at pinilit makawala sa bagay na sumasakal sa akin upang puntahan ang isang taong hindi ko nakikilala.
Napuno ng halakhak ang lugar na iyon. Halakhak na nagmumula sa mala-demonyong nilalang na nasa harap ko.
Wala akong nagawa kundi titigan ang walang buhay na katawan ng lalaking iniiyakan ng puso ko. Hanggang tuluyang bumigay ang katawan ko at tumigil sa pagtibok ang puso ko.
"Bernadette! Hoy!"
Agad ang pagbangon ko at halos nagkanda-ubo ubo ako sa kagustuhang sumagap ng hangin.
"Ayos ka lang?"
Nag-aalalang mukha ng kaibigan kong si Donna ang nakita ko.
"Heto, uminom ka muna para naman kumalma ka."
Nilingon ko ang nagsalita at nakita ang dormmate ko. Katulad ni Donna ay nag aalala ding nakatingin sakin si Venice.
Tahimik na tinanggap ko ang basong ibinibigay n'ya at ininom ang laman niyon. Ipinikit ko din ang mga mata ko at pilit na kinalma ang sarili.
"Bad dream?" narinig kong tanong ni Donna. "Okay ka na ba?"
Iminulat ko ang mga mata ko at hinarap sya. "Panaginip?"
"Yeah, bigla ka na lang nagsisigaw ng kung ano-ano. Tingnan mo nga oh, may luha ka pa."
Paliwanag ni Venice. Agad kong hinawakan ang kanang pisngi ko. Basa nga iyon.
I sighed as a relief pero agad din akong inatake ng takot nang maalala ang huling eksena sa panaginip ko. Napahawak ako sa leeg ko at nanghihinang napasandal sa kama ko.
"Ano ba ng nangyari? At saka Donna, bakit ka nandito?" Tanong ko sa dalawa.
Umupo naman si Venice sa tabi ko at nagpaliwanag.
"Ganito kasi iyan. Nawalan ka ng malay kaninang hapon. Dinala ka dito ng mga estudyante para makapagpahinga ka. Teka, wala kang maalala?" nagtatakang tanong pa n'ya.
Pumikit ulit ako at pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina.
Ang tungkol sa markang nakita ko sa cafeteria, sa clinic, si Crayon...
Ang mga boses at...
"Wala, wala akong matandaan," sabi ko at nag iwas ng tingin.
Tumango-tango naman ang dalawa saka nagpatuloy si Venice.
"Iyon na nga dinala ka dito. Hinayaan naman kitang makatulog para pagkagising mo ay masamahan kita sa clinic kaso lang may kailangan akong gawin sa library kaya pinakiusapan ko si Donna na s'ya na lang ang sumama sa'yo."
"Yeah, kaya umalis kana Venice at ako na ang bahala sa kanya," nang-aasar na taboy ni Donna sa dormmate ko na sinuklian naman nito ng irap.
"Tse! Oh sya, Bernadette aalis muna ako okey?" paalam ni Venice at bago pa ako tumango ay agad na s'yang lumabas ng silid dala ang ilang aklat.
"Magbibihis lang ako," sabi ko at bumaba na sa kama. Dumiretso ako sa banyo at inayos ang sarili. Hindi naman ako nagtagal at agad na niyaya palabas si Donna.
Tahimik na naglalakad lang kami sa pasilyo ng dorm nang maalala ko ang nangyari sa kanya kanina.
"Donna saan ka pala nagpunta kanina at anong nangyari?"
"May naalala kasi akong assignment na hindi ko pa natatapos kaya medyo na-praning ako kanina. Pasensya ka na," nakangiting sagot n'ya at humawak sa braso ko.
"Okey lang iyon praning ka naman talaga e," biro ko at nagtawanan kaming dalawa.
Medyo may kadiliman ang daan papunta sa clinic kaya minabuti naming magbiruan para hindi makaramdam ng takot.
Iilang poste ng ilaw ang tumatanglaw sa amin at ang clinic ay nasa mismong loob pa ng eskwelahan. Naramdaman ko din ang paghigpit ng kamay ni Donna sa braso ko kaya napatawa ako, pareho kasi kaming takot sa dilim at sa iilang buwan na pagkakakilala ko sa kanya ay nalaman kong isa s'yang malaking duwag.
"Ayon na ang clinic!" ngiting tagumpay ang nasa mukha n'ya kaya natawa ako.
"Takbuhin na natin? Paunahan tayong makapasok ha?" nakangising hamon ko sa kaibigan ko.
"Oo ba!" Sabi n'ya at pareho kaming tumigil pagkalampas namin ng gate. Saglit ko pang tinitigan ang dalawang poste sa magkabilang gilid niyon." On three... One... Two... Three!"
Pareho kaming tumakbo pagkabilang n'ya ng three at halos sabay pa kaming humawak sa pinto. Dahil gabi na naman at kampante kami na walang estudyante sa loob ay pareho namin iyong itinulak. Napahagikhik pa kami nang malakas na bumukas iyon.
But we're wrong.
Dahil may estudyante sa loob at hindi lang isa kundi apat sila. Apat na lalaki na pare-parehong nakatingin sa amin ngayon.
Ang isa ay agad kong nakilala, nakaupo s'ya sa unang kama sa silid at walang pang itaas! Nakalilis din sa gilid ang kurtinang puti na tumatakip sa bawat kama sa silid.
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Crayon na kampanteng- kampante sa pagkakaupo. He is literally topless! Pang-itaas lang ang wala s'ya pero sapat na iyon upang ipakita ang maganda at matikas na katawan n'ya.
Hindi ko man gustong tingnan ang nakahubad n'yang katawan ay wala naman akong magagawa dahil s'ya talaga ang unang makikita pagkapasok pa lang dahil na din sa nakaharap sa kanya direkta ang pintuan.
"Nagustuhan nyo ba ang nakikita nyo, girls?" Nakangising tanong n'ya sa amin. Maging ang mga mata n'ya ay tila tuwang-tuwa.
Nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi ko at pilit na iniiwas ang tingin ko. Naramdaman ko din ang pagkurot ni Donna sa braso ko. Sinulyapan ko s'ya at tulad ko ay namumula din ang pisngi n'ya.
"Magdamit ka na Crayon," sabi ng boses na nagpakabog sa puso ko.
I saw Queven.
Ilang hakbang lang ang layo n'ya sa amin kaya kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay n'ya. Gumalaw din s'ya at mula sa kinatatayuan n'ya ay hinarangan n'ya si Crayon sa paningin ko. He looked straight at my eyes. His stare is so intense na para bang napakalaking kasalanan kung hindi ko din s'ya tingnan.
"Ehem! Ladies, what are you doing here?" Tila nabasag ng boses na iyon ang kung anong hatid sa akin ng titig ni Queven.
Isang matangkad at nakangiting lalaki ang nalingon ko. Hindi sila pamilyar sa akin kaya sigurado akong transferee din sila ng katabi n'ya katulad ni Crayon.
"Nagkita ulit tayo Bernadette. By the way girls they are Fern and Bhrail, kapareho kong transferee and of courseI kilala n'yo na si Queven right?" pagpapakilala ni Crayon na hindi ko namalayang nakalapit na sa amin. Nakasuot na din s'ya ng pamilyar na trouser pero nanatiling naka-pajama pa s'ya ng pang- pasyente.
Sabay kaming tumango ni Donna at iniwasan kong tingnan ulit si Queven. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko kay Fern na mukhang masayahin at sa singkit na mukhang masungit na katabi n'ya. Nakipagkamay pa sa amin si Fern samantalang tinanguan lang kami ni Bhrail.
"And she is?" nakataas ang kilay na tanong ni Crayon habang nakatingin sa kaibigan ko.
"Si Donna. Bes, si Crayon," mabilis na sagot ko at muntik na akong mapangiti nang mas lalong mamula ang magkabilang pisngi ng kaibigan ko. Nahihiyang ngumiti lang si Donna kay Crayon.
Tumango-tango naman si Crayon at saglit na pinasadahan ng tingin ang kaibigan ko at tinungo ang restroom.
"Labas lang kami Uno," paalam ng singkit na lalaki kay Queven at tinapik pa ito sa balikat. Tumango lang naman si Queven sa dalawa.
Kunot noong sinundan ko ng tingin ang dalawa. "Uno?" Nagtatakang tanong ko sa isip ko nang maalala ang buong pangalan ni Queven ayon na din sa sinabi ni Crayon sa akin kanina. Queven Feene I.
"So, what are you doing here?"
Nakangiwing tiningnan ko si Queven na ngayon ay naka-crossed arm na. Talo pa n'ya ang isang matandang binata sa pagsusuplado.
"Ah, hihingi sana kami ng gamot kay Ms. Thalia," si Donna ang sumagot pagkatapos ay nilingon ako. "Paano, Bes? Dito ka lang at ako na ang maghahanap sa mga cabinet," dagdag pa n'ya at bigla na lang umalis sa tabi ko. Tinungo n'ya ang kabilang bahagi ng clinic kung saan nakalagay ang mga cabinet.
Wala akong nagawa kundi isumpa ang kaibigan ko sa isip. Naiwan kami ni Queven na parehong nakatayo lang. Tila ba tumahimik ang buong lugar at tanging kaming dalawa lamang ang naroon.
"Where's your manners, Bernadette?"
Basag n'ya sa katahimikan.
Napaangat naman ako ng tingin at kahit hindi ko gusto ay napatitig ako mga mata n'ya.
"Huh?"
"Hindi ka ba marunong kumatok? Paano na lang kung hindi kaaya-ayang tanawin ang nakita nyo kanina?"
Sabi pa n'ya na nakapagpataas ng kilay ko. "Hindi naman kami nakakita ng hindi kaaya-aya!" defensive na sabi ko at huli na nang marealize ko ang sinabi ko.
Nagsalubong ang kilay n'ya and he step forward. Tumigil s'ya sa mismong harap ko at inilebel ang mukha n'ya sa mukha ko. "So, isa palang magandang tanawin ang katawan ni Crayon para sa'yo?"
"No, I mean... Hindi namin sinasadya na hindi kumatok. Nagmamadali lang kami na makarating dito para makahingi ng gamot," naiilang na sabi ko at hindi ko namalayang humakbang na ako paatras. Pero agad n'ya akong hinawakan sa kaliwang braso kaya napigil ang pag-atras ko.
Kinakabahang sinalubong ko ang titig n'ya at parang nakita ko doon ang pagkabahala.
"Gamot? Sa'yo?Para saan?" Kunot noong tanong n'ya.
Saglit pa akong tila nahulog sa mga mata n'ya bago sumagot. "For nightmares. Hindi ako makatulog dahil sa masasamang panaginip..."
Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya.
Nakaramdam ako ng panlalamig at pagsisikip ng dibdib kasabay ng paglitaw ng mga imahe ng napanaginipan ko kanina. Luminaw ang mga larawang kasama niyon.
Tila sinuntok ang dibdib ko nang makita ang nag-aalalang ekspresyon ni Queven. Tinangka n'ya akong hawakan sa magkabilang braso pero umiwas ako.
Then, a familiar feeling came. Ang pagkadurog ng puso ko at ang pagkirot niyon. My heart ached katulad kanina at bago ko pa mapigilan ay tila may sariling isip ang mga luha ko. Bigla na lang lumabas at umagos sa pisngi ko. Para ba silang nakikiisa sa sakit at paghihirap na nararamdaman ng puso ko.
Agad na binawi ko ang braso kong hawak ni Queven at walang sabi- sabing tinungo ang pinto at tumakbo palabas.
Nakita ko pa ang nagtatakang reaksyon ng dalawang transferee, maging ang pagtawag sa akin ni Queven. Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang makalabas ako ng tarangkahan ng eskwelahan. Dire-diretso pa din ako kahit na lumampas na ako sa daan papunta sa dorm.
My heart is aching and I can't stop it from hurting. Nagsusumigaw ang puso ko hindi dahil sa bilis ng takbo ko kundi dahil sa sakit na nararamdaman niyon. Hindi ko alam kung bakit pero iisa lang ang sigurado ko. May kinalaman iyon sa mga nakita ko sa panaginip ko kanina.
Tumigil ako sa pagtakbo nang makita
kong nakapasok na ako sa gubat. Sumandal ako sa katawan ng isang puno.
Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang sakit niyon. At pilit inaalis sa utak ko ang larawang nakita ko. Ang taong iniyakan ng puso ko sa panaginip ko.
Pero parang mas luminaw pa iyon. Ang katawang duguan na tila wala ng buhay, ang espadang nakatarak mismo sa dibdib n'ya. Ang taong iyon sa panaginip ko ay ang taong tinawag na Uno ni Crayon.
Si Queven.
❤