Chapter 8- Risk

1441 Words
Crayon's Pov: Nagising ako sa malakas na tunog ng tila binalibag na pinto. Inaantok na nagmulat ako ng mga mata at sinilip ang pinagmulan niyon. "Kailangan mo daw ng tulong ko?" I sighed. Boses pa lang talaga n'ya nakakairita na. Tinatamad na tiningnan ko ang oras sa relo sa kanang braso ko at sinilip ang labas sa paligid. Ala-siyete na ng gabi, halos apat na oras din pala akong nakatulog. Kaya siguro nakakaramdam na din ako ng gutom. Sinulyapan ko ang papalapit na estudyante, katulad ko ay isa din s'yang nilalang mula sa Faya. Pareho din kaming estudyante dito, mas matagal na nga lamang s'yang nag-aaral dito sa Saint Runes hindi katulad ko na kaka-transfer lang kanina. S'ya din ang kaibigan ko. Dating kaibigan. Naa-amuse na pinagmasdan ko s'ya. Mula sa tinatamad na itsura n'ya hanggang sa unipormeng suot n'ya. Unipormeng para sa mga mag-aaral ng eskwelahang ito. Isang puting pang-ilalim with a cream trouser, partnered with a black blazer, a black necktie, maging ang pantalon ay itim din. Kulay krema ang linya sa dulo ng lapel ng uniporme nito hanggang sa pinakaibabang bahagi niyon, maging sa dulo ng blazer at sa linya ng dalawang bulsa ng blazer ay kulay krema din. Nilawakan ko ang pagka-kangiti ko nang may maisip at sinalubong ng ngisi ang nakabusangot na si Uno. He is the chosen Guardian. Ang tadhanang ibinigay sa kanya at tuluyang naging dahilan ng pagkakaroon ng pader sa pagkakaibigan namin. Pader na habang tumatagal ay lalong tumataas at kumakapal. "Naks, Uno mukhang bagay sa'yo ang uniporme mo ah! Hindi halatang Guardian ka sa kulay n'yan, " nakangising sabi ko. "Shut up, Crayon. Anong kailangan mo sa akin?" Tanong n'ya at binalewala ang pang- aasar ko. Nakita ko namang lumapit sa kanya si Bhrail at hinayaan kong s'ya ang magpaliwanag sa mga nangyari. Tinanguan ko din ang pagsenyas ni Fern bago ito lumabas. Alam kong maghihintay s'ya sa labas ng pinto ng clinic para siguraduhing walang makakarinig ng pinag-uusapan namin dito sa loob. Ako din lang naman ang nandito sa loob kaya mas mabuting ang labas ang bantayan. Tinatamad na isinandal ko ang katawan ko sa headboard ng kama ko at hinintay na matapos silang mag-usap. Nakakaramdam na din ako ng kirot at kakaibang init sa sugat ko na pumapaso sa bahaging iyon ng balikat ko. Nakaramdam din ako ng panginginig ng katawan ko at halos pagpawisan na ako ng malamig. "Pwede ko bang makita ang sugat mo Crayon?" Makalipas ang ilang sandali ay tanong ni Uno. Nanghihinang tumango ako at muling inililis ang kamay ng suot kong patient gown. Ilang sandali n'ya iyong pinagmasdan at kunot-noong tumingin sa akin. "Hindi ordinaryong sugat ito kaya sigurado akong hindi din ordinaryong hollows ang umatake sa'yo," sabi pa n'ya. Naglabas din s'ya ng maliit na portion ng kapangyarihan. Naiiba iyon sa kapangyarihang inilabas ni Fern kanina. Hindi iyon bola ng kapangyarihan. Para iyong sinulid na nagmumula sa mga daliri n'ya. Mapusyaw na linya iyon na naghahalong asul at puting kulay. Tila linya iyon ng sinulid na nagsanga-sanga."Ready?" Tatango na sana ako nang biglang magliwanag ang mga nagsanga-sangang liwanag sa mga daliri n'ya. Nakangiwing tiningala ko si Uno. "On second thought, bakit hindi na lang si Ms. Thalia ang gumamot sa akin? May kakayahan din naman s'ya hindi ba?" "Shut up Crayon, alam mong mas may kakayahan kaming mga Guardian sa mga ganitong uri ng sugat. Wala ding magagawa si Ms. Thalia at ako lang ang tanging makakatulong sa'yo ngayon at alam mo kung bakit," walang pakialam na sagot n'ya at mas pinatindi pa ang kapangyaraihan sa kamay n'ya. Napapakamot sa ulong tumalikod ako sa kanya. "Yeah, you're the chosen Guardian of course." Itinapat n'ya ang kamay n'ya sa mismong sugat ko at naramdaman ko ang pagpasok ng kapangyarihan n'ya sa sugat ko. Literal na pumasok iyon at kakaibang init ang hatid niyon, kaiba sa lamig na dulot ng kapangyarihan ni Fern. Hindi iyon init na nakakapaso at ramdam ko ang paglaban niyon sa init na dala ng sugat ko. Nawala ang kirot sa balikat ko at pumalit ang pamamanhid. Maya-maya pa ay literal na tinatahi ng kapangyarihan ni Uno ang sugat ko. Naramdaman ko din ang pag-ginhawa ng pakiramdam ko at pagkawala ng kirot sa balikat ko. "Tapos na. Just wait for it to heal itself." Tiningnan ko si Uno at kahit hindi n'ya ipakita ay nakita ko pa din ang pagkahapo sa mukha n'ya. "Mukhang naka-seal pa din ang kapangyarihan mo ah. Dahil din sa seal na iyon kung bakit ako nasugatan." Puna ko at inayos na ang sarili. Nanatili naman s'yang walang imik at tumingin lang sa akin. Pagkatapos ay dire-diretso n'yang tinungo ang pintuan. "Wait," pigil ko na nakapagpatigil sa kanya. "Ano pang kailangan mo sa akin Crayon? I saved you from your mess." Malamig na sabi n'ya na nakapagpangiti sa akin. Well, old traits never dies. Umupo ako ng ayos sa kama ko at iginalaw-galaw ang balikat ko. Hinawakan ko iyon at hindi ko man lang naramdaman ang dating sugat doon, mukhang kahit maliit na peklat ay walang naiwan sa balat ko. "Buo na ang koneksyon namin ng itinakdang binhi," maikling sabi ko pero sapat na iyon para makuha ko ang atensyon n'ya. "Paano nangyari?" Tanging tanong n'ya at muntik na akong matawa sa reaksyon n'ya. Gulat na gulat s'ya at mukhang hindi makapaniwala. Tuluyan din s'yang humarap sa direksyon ko. "Basta na lang nangyari," inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng silid saka muli syang hinarap. "Dito din sa lugar na ito. Nakipagkamay lang ako sa kanya pagkatapos ay naramdaman ko na lang na nabuksan ang koneksyong nag-uugnay sa amin." Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong napalitan ng pagkabahala ang ekpresyon ni Uno. "Heto na!" Sabay pa kaming napatingin sa bumukas na pintuan kasabay ng paghagis ng isang maliit na bag sa mukha ko. "Ikaw Fernando kota ka na sa akin ha!" Kunwaring sita ko sa Guardian. Kinuha ko mula sa bag na bigay n'ya ang isang pares ng uniporme. Pinasadahan ko din sila ng tingin ni Bhrail at ngayon ko lang napansin na pareho na silang naka-uniporme katulad ni Uno. "Teka bakit ba kayo namomroblema kung nagbukas na ang koneksyon ng binhi sa'yo Crayon? Mas mabuti nga iyon hindi ba? Dahil ang koneksyon na lang nila ni Queven ang kailangang magbukas," sabi ni Fern at itinuro pa si Uno. "Hindi mo naiintindihan Fern, dahil kung naunang nagbukas ang ugnayan ng itinakdang binhi at Magistrate, hindi na magiging ganoon kadali ang pagbubukas ng ugnayan ng binhi at ng itinakdang Guardian. Aabutin iyon ng matagal na paghihintay. Dahil literal na naunang nagkaroon ng kaugnayan ang binhi sa kamatayan. Nawala ang balanse at hinarangan niyon ang buhay na isinisimbolo ng itinakdang Guardian. Oras ang kalaban natin. At dumagdag pa ang walang katiyakang misyon nila." Pareho kaming tumango ni Uno bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Bhrail. "Hindi lang iyon. Dahil hanggat hindi nabubuksan ang koneksyong mag-uugnay sa amin ng babaeng iyon, mas magiging mahirap sa akin ang gawin ang misyon kong protektahan s'ya. Dahil hindi ko magagawang malaman ang nangyayari sa kanya o maramdaman man lang ang presensya n'ya," dagdag ni Uno. "Kung ganoon, ang tanging makakaprotekta sa binhi ay ikaw, Crayon tama?" may katiyakang tanong ni Fern. Nakita ko din ang pagtingin sa akin ng dalawa pa. Pare-pareho silang naghihintay ng sagot. "Hindi din," sagot ko at diretsong tinitigan si Uno at nagpatuloy. "Dahil tanging ang Chosen Guardian lamang ang makakaramdam ng buong presensya ng binhi. Hindi ko magagawang maramdaman ang presensya n'ya". Hindi ko man gusto ay naalala ko ang nangyari kanina. Kasabay niyon ang pagsibol ng takot sa dibdib ko. "Maaari ko s'yang maramdaman..." "And?" Bhrail asked with curiousity. "...Pero maaari ding huli na bago ko pa s'ya maramdaman. Or maramdaman ko man s'ya o maabot sa pamamagitan ng ugnayang nagdudugtong sa amin, maaaring napahamak na s'ya." Pagtatapos ko na ikinatahimik nilang tatlo. "We don't have any choice..." "Kundi pilitin ang matandang iyon na tanggalin na sa atin ang seal na inilagay n'ya." Magkasabay na sabi namin ni Uno. Hinubad ko ang kasuotang pang-pasyente at isusuot ko na sana ang pang-ilalim ko nang biglang bumukas ang pintuan ng clinic. Iniluwa niyon ang itinakdang binhi at ang isang babae na may mga kulay tsokolate at bilugang mga mata. Pare-parehong napatingin kaming apat sa dalawang babae na bigla na lang napatulala sa amin o mas tamang sabihing shocked na nakatingin direkta sa akin. Huli na nang ma-realize kong wala pa pala akong suot na pang-itaas at naka-balandra ang katawan ko. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD