Chapter 7- Puzzles

1706 Words
Crayon's Pov: Nakangiwing nagmulat ako ng mga mata. Gustuhin ko mang matulog at magpahinga pa ay hindi ko naman magawa dahil na rin sa kirot ng sugat sa balikat ko. "Mabuti at gising ka na, ilang oras ka ding walang malay matapos ka naming dalhin dito." Saglit na pinagmasdan ko muna ang puting paligid ko bago ko nilingon ang nagsalita. Tahimik na nakaupo s'ya sa may lamesa di kalayuan sa akin kung matatawag na pag-upo iyon, para kasing nakasandal lamang s'ya sa pasimano ng lamesa. May hawak s'yang maliit na kutsilyo at isang mansanas na halos patapos na n'yang balatan. "Bhrail," pagkilala ko sa kanya. Isa s'ya sa pinakamalakas na Magistrate sa Palas at kilala bilang kaibigan ko. S'ya din ang tinawagan ko kanina matapos kaming atakehin ng hindi nakikilalang kalaban. Napaupo ako bigla nang maalala ang nangyari kanina. Maging ang kakaibang pagkabog ng dibdib ko ay bumalik. "Si Bernadette?" nag-aalalang tanong ko. "She's safe. Nasa dorm na s'ya at kasalukuyang nagpapahinga. May nagbabantay na ding Guardian sa kanya." Nilingon ko ang nagsalitang kapapasok pa lamang sa silid. Kaiba sa kasuotang itim na may kulay lila ni Bhrail, purong puti naman ang suot ng isang ito. "Long time no see Crayon," bati pa n'ya at naupo sa upuang malapit sa bintana. "Fern, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko. Ni hindi s'ya naka-uniporme kaya paniguradong iba ang pakay n'ya sa pagbaba dito sa Academy. Napatingin din ako kay Bhrail nang maalalang pareho silang hindi estudyante ng eskwelahan. Pumorma naman itong tila nasaktan. Sinapo pa n'ya ang kanang dibdib. "It hurts, you know. Masyado ka bang nasugatan kanina at ni hindi mo matandaan na magkasama kami ni Bhrail na tumulong sa inyo kanina?" tukoy ni Ferb sa kapwa ko Magistrate na abala sa pagkain ng mansanas na dapat ay sa akin. Tiningnan ko si Bhrail at alam kong nabasa n'ya ang mensaheng nasa mga mata ko. "Dito na kami mag-aaral pareho ni Fernando..." "Bhrail naman! Pasintabi naman sa pangalan ko!" putol ni Fern na agad na nakalapit kay Bhrail. Kahit ako ay pansamantalang natawa nang marinig ang buong pangalan n'ya. Pero tila walang narinig si Bhrail na pinagpatuloy ang sinasabi. "Tulad ng sabi ko, ipinadala kami ni GrandMaester upang dito na mag-aral at para tulungan kayo sa misyon nyo," seryosong paliwanag ni Bhrail. "Yeah, unti-unting tumataas ang bilang ng mga nawawalang kaluluwa. Kaya inutusan n'ya kaming bumaba dito para na din alalayan kayo lalo na at naka-seal ang mga kapangyarihan n'yo ni Uno," dagdag ni Fern at kahit ako ay kinabahan sa kaseryosohan n'ya. Isa lang kasi ang ibig sabihin niyon. Unti-unting pumapabor sa mga kalaban ang nangyayari at dumagdag pa ang katotohanang wala kaming kaide-ideya sa tunay na pagkatao ng nilalang na nasa likod ng pagiging agresibo ng mga hollows. Maging ang walang pag-aalinlangan ng umatake sa akin kanina kahit na nasa loob ng eskwelahan ay malaking palaisipan pa din sa akin. "Kung ganon, kadarating n'yo lang kanina? Paano n'yo nalaman na kailangan ko ng tulong?" kunot noong tanong ko sa dalawa. Dahil kung ako ngang itinakdang Magistrate, hindi nagawang maramdaman ng presensya ng kalaban lalo na ng dalawang ito. Kibit-balikat lang ang nakuha ko kay Fern kaya kay Bhrail ako tumingin na agad namang nagpaliwanag. "Si Ms. Thalia ang sumalubong sa amin kanina. Inihatid n'ya kami sa Admin office para pormal na ipakilala bilang estudyante. Pero may pasyente daw s'ya kaya iniwan n'ya din kami agad. Sa totoo lang hindi din namin naramdaman ang presensya ng umatake sa inyo Crayon." Paliwanag ni Bhrail na parang may naisip pa kaya napakunot din ang noo. Binitiwan n'ya agad ang hawak na kutsilyo at lumapit sa kama ko. Tumanaw s'ya sa bintana pagkatapos ay parang wala sa sariling nagpalakad-lakad. Hindi naman ako nagkomento at hinintay s'yang magpatuloy. Kilala ko si Bhrail, kapag ganito ang ikinikilos n'ya ay may bagay na gumugulo sa kanya panigurado. Tumigil s'ya pagkaraan ng ilang sandali at seryosong tumingin sa akin. "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito Crayon pero sigurado akong naramdaman namin ni Fern ang presensya mo nang lumabas ka ng eskwelahan. Pero wala akong naramdamang iba bukod sa'yo. Hindi ko naramdaman ang presensya ng babaeng kasama mo." Umayos ako ng upo at sinalubong ang tingin n'ya. "Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil s'ya ang binhi." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Bhrail maging ang guardian na si Fern ay halatang nabigla. "Nakita nyo na s'ya ng ganito kaaga?" gulat na tanong ni Fern. Ramdam ko ang pagkabahala sa boses ni Fern pero maging ako ay walang alam kung paano ipapaliwanag ang mga nangyayari kaya minabuti kong itikom na lamang ang bibig ko. Pinilit kong sumandal sa headboard ng kama ko at halos mapangiwi ako nang muling kumirot ang sugat ko. "May isa ka pang dapat malaman Crayon," sabi ni Bhrail na nakapag-palingon sa akin sa kanya. "Ang kalabang umatake sa inyo kanina. Hindi namin naramdaman ang presensya n'ya kahit kaunti, maging ang sa mga hollows. Para silang itinago. Pero ang ipinagtataka ko lang..." pansamantala s'yang tumigil at tumingin sa akin bago nagpatuloy. "Alam kong ginamit mo ang hangin para magpadala ng mensahe sa mga Magistrate na nasa malapit pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napuntahan namin kayo agad." Naguguluhang tumingin ako sa kanilang dalawa. "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko. "There's a certain aura na biglang nagparamdam. Parang pinapasunod kami niyon sa labas. Sigurado s'yang susunod kami dahil na din sa dilim ng presensyang bumabalot sa may ari niyon. At dahil alam ng may-ari ng aurang iyon na susunod kami sa kanya, agad s'yang nawala pagkalabas na pagkalabas namin." Si Fern ang sumagot. "Nahanap na namin kayo bago pa dumating ang mensahe mo. Hindi lang iyon, ilang metro na lang kami sa inyo at handa na sana kaming gumamit ng kapangyarihan nang muling magparamdam ang presensyang iyon. Plano ko sanang kontrahin ang atakeng muntik ng tumama sa'yo pero naunahan ako ng kung sinuman", dagdag paliwanag ni Bhrail. Katulad ko ay naguguluhan din ang ekspresyon n'ya. "Ang sinasabi mong naunahan ka ng kung sinuman. Ang sinumang tinutukoy mo, iniligtas n'ya ako kanina hindi ba?" tanong ko. "Oo," sagot ni Fern at umalis s'ya sa pagkakaupo at marahang lumapit sa akin. "Pero ang taong tumulong sa'yo Crayon ay s'ya ding may-ari ng madilim na aura na dahilan ng paglabas namin kanina." "Yeah att katulad din n'ya ang nilalang na umatake sa'yo kanina," Dagdag ni Bhrail na mas lalong nagpalito sa akin. "Hindi ko kayo maintindihan, sinasabi n'yo bang iisang presensya lang meron ang umatake sa akin at ang tumulong sa akin? Paano nangyari iyon?" "Hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ko. Iisa ang aurang meron sila pero nasisiguro kong magkaibang tao din sila. Pero ang ginawang pagtulong sa'yo ng isa habang inatake ka ng isa pa, wala akong paliwanag dun," sagot ni Bhrail. "Hindi ko maintindihan. Kung iisa ang aurang meron sila, pareho silang merong koneksyon sa mga hollows pero bakit ako tutulungan ng isa sa kanila?" Hindi ako sinagot ng dalawa. Tinanguan lang ni Bhrail si Fern na nakalapit na sa akin. Mula sa kaliwang kamay n'ya ay naglabas s'ya ng matingkad na liwanag na kulay puti. Maliit lang iyon hanggang sa maging kasinglaki na ng bola ng tennis. Ang mistulang usok sa loob niyon ay nagpaikot-ikot lang na parang naghihintay ng tamang oras para lumabas. "May I?" Paghingi ng pahintulot ni Fern. Tumango naman ako at nililis ang kamay ng patient gown ko. Nakita ko pa ang bahagyang pangingitim ng bahaging iyon ng balikat ko bago walang sabi-sabing idinampi ni Fern ang palad n'yang may kapangyarihan sa mismong palad ko. Nagmistulang puting usok ang bolang iyon bago unti-unting pumasok sa sugat ko. Halos mapasigaw ako sa sakit at kirot ng tuluyan iyong pumasok sa katawan ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig nang makaramdam ako ng ginhawa. Parang malamig na tubig na tumutupok sa init ng sugat ko ang kapangyarihana ni Fern. Unti-unti iyong nagdulot ng ginhawa sa akin pero agad ko ding naramdaman ang unti-unti niyong paglabas sa katawan ko. Ang paggamot at pagpapagaling sa mga sugat ay isa sa natatanging kakayahan ng mga Guardian. "Ito ang gusto kong sabihin sa'yo Crayon." Seryosong mukha ni Fern ang natingala ko. Saglit na tiningnan n'ya ako bago bumaba ang mga mata n'ya sa palad n'ya. Kunot-noong tiningnan ko iyon at gulat na pinagmasdan ang kapangyarihan n'ya. Ganoon pa din naman iyon, tila puting usok pa din na bumubuo ng bola ng kapangyarihan pero kung kanina ay purong puti iyon, ngayon ay may halo na iyong iilang hibla ng itim na usok. "Kakaiba ang sugat na nakuha mo Crayon, kumbaga contaminated iyan at hindi basta-basta kayang pagalingin ng Guardian lamang. Ilang beses kong sinubukang tanggalin ang lason sa sugat mo habang natutulog ka pero kakaunti lang ang nakukuha ko," paliwanag ni Fern. Naglaho na din ang kapangyarihan sa palad n'ya. "Pansamantalang pagsasara lang ng sugat mo ang nagagawa ko. I'm telling you Crayon, delikado kapag nakapasok sa mismong sugat mo ang lasong iyan." "Anong gusto mong gawin ko? Do I have any choice?" Nanghihinang sabi ko at sumandal sa headboard ng kama ko. Agad namang napangiti si Fern at natutuwang tumingin kay Bhrail. Saglit pa silang nag-usap sa pamamagitan ng mga mata pero hindi ko na sila inintindi. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at humanda sa maaaring mangyari. Naiitindihan ko ang gusto nilang sabihin. Matagal-tagal na din nang huli kong makita ang nag-iisang taong kailangan ko ngayon. Hindi na din siguro maiiwasan ito dahil iisa ang misyon namin at masyadong maliit ang eskwelahang ito para hindi kami magkita ng dati kong kaibigan. Madami din kaming kailangang pag-usapan kaya mas mabuti na din siguro ito. "Ako na ang bahalang humanap sa itinakdang Guardian," narinig kong presinta ni Fern. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagsara ng pinto. "Magpahinga ka na muna Crayon, gigisingin na lang kita. Medyo matatagalan sigurado si Fern dahil matigas din ang ulo ng hahanapin n'ya." Tinanguan ko na lang si Bhrail. Iisa lang naman ang tinutukoy namin. Walang iba kundi si Queven o mas kilala ko bilang Uno, the Chosen Guardian. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD