Someone's Pov:
Kitang kita ko ang pagkalusaw ng mga hollows nang tamaan ito ng atakeng sumalubong sa pinakawalan kong atake. Pati ang nagtatakang mukha ng itinakdang magistrate ay hindi nakalagpas sa aking paningin, maging ang pagmamadali nitong ayusin ang sarili at agad na pagdalo sa binhi.
Kitang kita ko din ang paggamit nito ng kapangyarihan para pakalmahin ang taong tanging dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito.
Tahimik na lumabas ko sa silid ng toreng pinagtataguan ko at walang anumang naglakad sa pasilyo niyon upang bumalik sa eskwelahan. Muli ko silang tiningnan at nakaramdam ako ng pagkamuhi nang makita ko pa ang pagdating ng dalawa pang magistrate at isang guardian na agad dinaluhan ang dalawa.
"Sisiguraduhin kong hindi ka na magiging maswerte sa susunod,
Bernadette."
Matalim ang tinging sabi ko sa babaeng buhat-buhat ni Crayon na ngayon ay wala ng malay.
Tahimik na ipinagpatuloy ko ang paglalakad sa pasilyo. Hindi ko din naman kailangang magmadali dahil sigurado akong walang estudyanteng nakakalat sa mga oras na ito. May ilang minuto pa bago matapos ang huling klase. At alam kong ni kahit isa sa kanila ay hindi nakapansin ng pagkawala ko.
Pagkaliko sa kanang bahagi ng pasilyo ay agad akong tumigil at sinuyod ang kahabaan niyon. Pansamantala ko ding pinagmasdan ang kabuuan ng pasilyo. Carpeted ang sahig at halatang mamahalin ang mga paintings sa magkabila ng dingding.
May kadiliman din sa bahaging iyon at tanging ang panghapong liwanag ng papalubog na araw lamang ang tanging nagbibigay liwanag. Pero hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon ko, kundi ang papalapit na nilalang sa bahaging iyon. At kung hindi ako nagkakamali, s'ya din ang nagligtas sa magistrate na inatake ko kanina.
In short, ang taong ito ang dahilan ng pagpalpak ng plano ko.
Ilang metro na lamang ang layo n'ya sa akin nang s'ya ay tumigil. Tahimik na sumandal s'ya sa pader at hinarap ang paligid sa labas. Sa tulong ng liwanag ng panghapong araw ay nakilala ko ang taong sumira ng plano ko. Isang nilalang na sigurado akong kauri ko dahil na din sa aurang meron s'ya na kapareho ng sa akin.
"Yo!"
Maikling bati n'ya at tumitig sa akin ang inaantok na asul na mga mata nya. Magulo ang buhok n'ya at mukhang kagigising lamang. Ni hindi ko din s'ya kinakitaan ng pag-aalinlangan tungkol sa ginawa n'yang pangingialam kanina.
"So it's you," puno ng katiyakang sabi ko. "You're one of us, bakit mo ako pinigilan?" Dagdag ko at sumandal sa balustre ng bintana.
"Yeah, tama ka. Iisa ang pinanggalingan natin, pero hindi ibig sabihin niyon..."
"Anong gusto mong sabihin?"
Naiiritang tanong ko. Hindi ko din nagustuhan ang maaaring kadugtong ng sasabihin n'ya.
Umalis s'ya sa pagkakasandal sa pader at umayos ng tayo. Hinarap n'ya ako at tinitigan sa mga mata.
"... Hindi ibig sabihin niyon na magkapareho tayo ng gustong mangyari," matatag na sabi n'ya at muling nilingon ang labas.
"You're one of us. Isa ka sa amin! Dapat lamang na nakikiisa ka sa dapat gawin ng mga katulad natin! Alam mo iyan!"
"Hindi ko nakakalimutan kung ano ako. At hindi ko din itatanggi iyon", putol n'ya sa sasabihin ko.
Pinasadahan n'ya ako ng tingin at
ibinuka ang kanyang kamao, mula doon ay naglabas s'ya ng kapangyarihan. Tila iyon apoy na itim na nanatili lang sa nakabukas na palad n'ya.
"Ito ang tanda kung ano ako. Ito ang kapangyarihan na para lamang sa mga mga katulad natin. Pero katulad ng sabi ko, hindi ako kayo at lalong hindi ako ikaw na sunod-sunuran sa pinag-uutos n'ya. I have my own power. I have my own mind at may kakayahan akong magdesisyon kung magiging ano ako at kung anong paggagamitan ko ng kapangyarihang meron ako," matatag na sabi n'ya kasabay ng pagkawala ng itim na usok sa palad n'ya.
"You can't do that. Lahat ng sagabal sa plano n'ya ay kailangang mawala. Kahit pa kauri ka namin. At kahit pa hindi mo gusto, wala kang magagawa sa tadhanang meron tayo." Walang emosyong sabi ko at tinumbasan ang lamig na dala ng hangin. Inihakbang ko ang mga paa ko para tawirin ang distansya namin.
"Then kill me."
Sabi n'ya na nakapagpatigil sa akin. I looked at him at kitang kita ko ang determinasyong nasa mga mata n'ya.
Determinasyong pigilan ako o determinasyong piliin ang kamatayan, kung para saan pa man ay hindi ko alam. Pinilit kong salubungin ang mga mata n'ya ngunit may kung ano sa mga iyon na di ko magawang tingnan man lang.
Napangiti naman s'ya nang mag iwas ako ng tingin. Humakbang s'ya palapit sa akin.
Tumigil s'ya sa tapat ko at kahit ayokong aminin ay nakaramdam ako ng kakaibang kilabot mula sa kanya. Walang anuman na namulsa s'ya at saglit na pinagmasdan ako bago tumingin sa pasilyong pinanggalingan ko.
"You can't, right? Because you're not the person you think you are. Hindi mo kayang manakit ng kahit sino lalo na ng kauri mo. Duwag ka lang talaga kaya di mo magawang umalis sa lugar na inakala mong tadhana mo." Tila tinatamad na sabi pa n'ya.
Hindi ko man gusto ay may parte sa akin na nakaramdam na totoo ang sinabi n'ya. Pinigil ko ang mapapikit at matatag na sinalubong kahit paano ang mga mata n'ya."Hindi mo alam ang sinasabi mo."
Kibit-balikat naman n'ya akong tiningnan."Talaga? Iyon kasi ang naramdaman ko nang pigilan ng kapangyarihan ko ang atakeng pinakawalan mo kanina. Hindi iyon atake na pantapos sa buhay."
Pinili kong manahimik kaya nagpatuloy lang s'ya.
"Hindi mo intensyong manakit kanina," It's a statement at tila naman hindi s'ya naghihintay ng kumpirmasyon ko.
Katulad kanina ay balewala lang na nilampasan n'ya ako. Bahagya pang nabangga ng balikat n'ya ang akin.
Nawala din ang aurang bumabalot sa kanya. Parang naging ordinaryong tao na lang s'ya. Hindi ko man gusto ay nilingon ko ang lalaking nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.
"Dice," tila bulong lang na lumabas sa bibig ko ang pangalan n'ya.
Ngunit hindi s'ya ordinaryong tao lamang kaya alam kong narinig n'ya ang pagbanggit ko sa pangalan n'ya.
Patunay doon ang pagtaas n'ya ng kanang kamay at kumaway bago lumiko sa kabilang bahagi ng pinanggalingan ko kanina. Naikuyom ko ang mga kamay ko at halos malukot ang bahagi ng palda ko nang hawakan ko iyon.
Ilang beses pa akong huminga ng malalim at pilit nilabanan ang nagye-yelong pakiramdam na hatid sa akin ng taong iyon. Hindi ko man aminin ay alam kong tama s'ya. Ngunit hindi ko alam kung saang parte ng sinabi n'ya ang naiisip kong tama.
Muli kong inayos ang uniporme ko at tinungo ang labas ng tore. Sumabay na din ako sa mga estudyanteng naglalabasan sa kani-kanilang mga silid.
❤