Chapter 13- Acid Rain

1107 Words
Bernadette's Pov : Ilang beses din kaming nagpaikot-ikot sa loob ng gubat. Tahimik lang si Zen habang hinahanap ang daan palabas. Ni hindi ko s'ya nakitaan ng pagod at hindi ko din s'yang narinig magreklamo pero ramdam ko ang pagmamadali n'ya. Halos magdasal na din ako sa lahat ng santo para ipanalanging wala kaming makasalubong na mga itim na nilalang. "This is an emergency! All students, all of you must leave the forest right now!" Bahagya pa kaming natigilan ni Zen at nagkatinginan nang marinig ang boses ng isa sa mga propesor. Gamit n'ya ang intercom kaya sigurado akong narinig ng lahat ng nasa gubat ang mensahe n'ya. Hindi din nakatakas sa akin ang pagmamadali at takot na nasa boses n'ya. Paulit ulit ang mensaheng iyon. "Emergency?"Ulit ko sa sinabi ng propesor. "Yeah," mahina lang ang naging tugon ni Zen. Katulad ko ay naguguluhan din s'ya. Nakakapagtaka din naman kasi na gagamitin pa ng propesor ang emergency intercom dito sa gubat. Kung tutuusin naman ay iilang estudyante lamang ang nasa loob ng gubat, klase nga lamang namin yata e. "Baka nag-aalala s'ya sa atin na baka magkasakit tayo dahil sa malakas na ulan." Ako na din ang nagbigay ng maaaring dahilan pero maging ako ay hindi kunbinsido sa sinabi ko. Napatigil si Zen at tiningala ang langit. "Ulan?" Wala sa sariling sabi n'ya at kitang-kita ko ang paniningkit ng mga mata n'ya. Tumingala din ako at pinasingkit ang mga mata ko pero wala naman akong nakitang kakaiba sa langit, mas makulimlim lang iyon tanda ng mas malakas na pagbuhos ng ulan. "We have to move faster, hindi maganda ang kutob ko sa ulang ito." Halata sa boses at mukha ni Zen ang pagmamadali bagay na nakapagpakaba sa akin. "Bakit? Anong meron sa ulan?" Hindi n'ya ako sinagot bagkus ay iniupo n'ya ako sa isang nakatumbang puno at lumuhod patalikod sa akin. "I'll give you a piggy back," sabi n'ya at tinapik pa ang mga balikat n'ya. Umiling ako at bahagyang itinuro ang likod n'ya. "May pasa ka d'yan." "We have to get out of here. Bernadette. Acid rain ang kasunod ng ulang 'yan!" Nagpa-panick na sabi n'ya at basta na lang hinila ang dalawang kamay ko pasampa sa likod n'ya. "Pamilyar ka naman siguro sa asido hindi ba? At alam mo ang mangyayari sa oras na umulan ng asido dito and I'm telling you, kapag sinabi kong uulan ng asido, literal ang ibig kong sabihin," dagdag pa n'ya na nakapagpatahimik sa akin. Inayos ko ang sarili ko sa likod n'ya at hinigpitan ang hawak sa balikat n'ya. Isa pang ipinagtataka ko, paanong nagkaroon ng asido sa langit? At paanong uulan ng asido? "Pero paano tayo lalabas? Ni hindi natin makita ang daan palabas." Maya-maya'y tanong ko sa kanya. Hindi kasi s'ya kumilos at nagpalinga-linga lang sa paligid. "Susundan natin ang pinanggagalingan ng boses sa intercom," kalmadong sabi n'ya. "Nasisiguro kong iyon ang dahilan kung bakit paulit-ulit ang mensahe. Iyon ay para sundan natin at gawing gabay iyon para makalabas ang mga tulad nating nakulong sa kasukalan ng gubat." Napatango-tango ako at kumapit sa balikat n'ya. "Naiintindihan ko, ready na ako Zen." Tila natutuwa naman akong nilingon ni Zen. "Good. Ngayon kumapit ka, tatakbo tayo." Iyon lang at agad kong naramdaman ang marahas na hangin sa mukha ko. Mabilis ang naging pagtakbo ni Zen at ang mahigpit na kapit ko sa balikat n'ya ay nagmistulang yakap na sa takot na baka mahulog ako. Ilang liko pa ang ginawa namin at ilang sanga pa ang naramdaman kong tumama sa binti ko. Maging sa katawan ni Zen ay alam kong ilang galos at sugat na ang nakuha n'ya dahil sa mga matutulis na sanga na tumama sa kanya. Pero ganoon pa man ay nanatili ang isang kamay n'ya sa harapan namin para hawiin ang mga dahon at sangang maaaring tumama sa mukha ko. Ang maliliit na gestures ni Zen ang naging dahilan kaya kahit paano ay naging komportable ako sa presensya n'ya. Dahil alam kong hindi n'ya ako papabayaang mapahamak. "Ayun!" Natutuwang sigaw ko at hindi ko napigilang ituro ang labas sa may di kalayuan. Medyo mahamog pa din pero sapat na ang kaunting liwanag upang makita ko iyon. Nakaramdam ako ng relief at kahit paano ay nawala ang takot ko. Tila hudyat naman iyon para kay Zen, inilang hakbang n'ya ang distansyang iyon at pareho pa kaming tila nakahinga ng maluwag nang tuluyan kaming makalabas. "Aray!" Napahawak ako sa binti ko nang maramdaman ang pagpatak ng mahapding likido. Tila napaso ako niyon at napakainit. "Dito! Bilisan n'yo!" Napigil ng boses na iyonn ang pagtatangkang pagbababa sakin ni Zen. Pareho naming tiningnan ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Crayon, nasa may pintuan s'ya ng isang mini- bus na malapit lamang sa amin. "Tiisin mo muna Bernadette," iyon lang ang narinig ko at naramdaman ko na lang ang muling pagtakbo ni Zen. Ilang singhap pa ang nagawa ko dahil sa ilang dampi ng tila asidong ulan sa binti at braso ko. Kahit na naka blazer ako ay ramdam ko ang pagtagos niyon sa uniform ko. Halos paiyak na ako nang marating namin ang mini-bus. Sinalubong naman kami ng ilang propesor at ni Crayon. "Mabuti at nakarating kayo kaagad. Kayo na lang ang naiwan sa gubat." Narinig kong sabi ng isang propesor pero hindi ko na alam kung sino sa mga iyon ang nagsalita. Mas nanaig ang hapding nararamdaman ko sa braso at binti ko. "You have to check her, Sir. Naulanan s'ya." Zen explained. Agad na pumasok s'ya sa loob ng mini-bus. "What happened?" Pamilyar na mukha ni Queven ang sumalubong sa akin. Katulad n'ya ay nasa loob din ang mga kaibigan n'ya maliban sa dalawang babae. Pero sila lang ang estudyanteng nandito at ang ilang propesor na nanatili sa labas. Walang sumagot sa amin ni Zen, mas minabuti n'yang ibaba ako sa u:isang upuan na may mahabang sandalan. "May nurse ba dito?" Bagkus ay tanong n'ya sa kanila. Queven looked at me. Siguro ay nakita n'ya ang sakit sa mukha ko kaya bahagyang lumambot ang ekpresyon n'ya bago n'ya hinarap si Zen. "Hindi pa tayo tapos, magpapaliwanag ka sa akin." Queven warned him at agad na tumalikod. Nakita kong kasama na n'ya ang isang nurse nang muli s'yang umakyat. Bago pa man makalapit sa amin ang nurse ay nakaramdam na ako ng matinding pagod. Parang naipon ang takot at pagod ko kanina at ngayon lang dumating. Wala akong nagawa kundi magpahila sa antok. Ang huli kong nakita ay ang tila nagsisising si Crayon at ang mga tensyonado n'yang kaibigan na nag-uusap-usap. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD