Chapter 12- Protector

1324 Words
Bernadette's Pov: Nanlalaki ang mga matang napatitig lang ako sa harapan ko. Hindi ko magawang makakilos sa kinatatayuan ko. I want to warn Zen pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita. The shadow looked at me. Pulang-pula ang mga mata n'ya at wala ng ibang kulay iyon kundi pula lang. Kumilos iyon at tiningnan ang nakaupo pa ding si Zen. "Nakuha ko na. Ang hirap pala nitong bunutin," nakangiting sabi ni Zen habang nakatingala sa akin. Inilagay n'ya ang halaman sa plastic na dala. Kasabay nang pagtayo n'ya ay ang pagdaan ng mga larawan sa isip ko. Mabilis iyon at halos hindi ko makita ang mga nandoon. Napapikit ako at pinilit na tingnan ang mga laman niyon. Katulad ng mga nauna, puro karahasan ang laman niyon. Ang natatanging laman niyon ay ang nilalang na nasa harap namin at ang duguang katawan ni Zen. Malinaw ang mensahe niyon. Mapapahamak si Zen! Nanlalamig na nagmulat ako ng mga mata. Kitang-kita ko kung paanong umangat ang katawan ng nilalang na iyon at ang paglalabas niyon ng maitim na bola mula sa bibig. Tila tumigil ang oras nang direktang tamaan niyon sa likod si Zen at ilang metro ang inilipad ng katawan n'ya bago tumama sa isang malaking puno ang katawan n'ya. "Zen!" Nahimasmasang tinakbo ko ang ka-partner ko. Kitang-kita ang sakit na nasa mukha n'ya. Hawak-hawak din n'ya ang parte ng likod n'ya na mukhang napuruhan sa pagtama sa kahoy. "Okey ka lang? Kaya mong tumayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya bago s'ya inalalayang makatayo. "I just flew Bernadette. Hindi okey iyon," nakangiwing sagot n'ya pero sa kabila niyon ay naramdaman ko pa din ang amusement sa boses n'ya. Nahahapong napasandal s'ya sa puno. "Kailangan nating makaalis agad dito para makahingi ng tulong," dagdag pa n'ya. Naguguluhang tumingin ako sa kanya. "B-bakit? Ano ba ang nilalang na iyon? Bakit may ganoon dito?" Bigla akong natigilan nang makaramdam ako ng kakaibang lamig sa likuran ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig na namumuo sa may likod ko. Puno ng takot ang mga matang tumingin ako sa mukha ni Zen. Bahagya pang nanlalaki ang mga asul na mata n'ya na nakatingin sa likuran ko. "Bernadette you have to trust me." Mabilis na sabi n'ya at bago pa ako makasagot ay walang sabi-sabing niyakap n'ya ako at isinandal sa puno. Nagkapalit kami ng posisyon kaya kitang-kita ko ang nilalang na ngayon ay may malaking itim na bola ng kapangyarihan. Ilang hakbang ang layo niya sa amin at nanlilisik ang mga pulang mata n'yang nakatitig sa akin. Tila iyon galit na galit at handang pumatay. Pinakawalan n'ya ang malaking bolang itim pero bago pa man iyon tuluyang tumama sa amin ay agad iyong nabalutan ng kulay asul na liwanag at agad na naglaho. Nagtatakang tiningnan ko pa ang malaking bilog na iyon bago tuluyang maglaho. Maging ang itim na nilalang ay napaurong at nanlilisik ang matang tumingin sa amin. No, kay Zen s'ya mismo nakatingin. Saka ko pa lang nakita ang ginagawa ni Zen. Wala naman s'yang ginawa maliban sa paglabas ng mapusyaw na kulay asul sa buong katawan n'ya. Tila asul na usok iyon na kumakalat sa paligid namin. Nakita ko pa na napaurong ang itim na nilalang nang maabot s'ya ng asul na liwanag. Bahagya ding naglaho ang parte ng katawan n'ya nang makapitan iyon ng liwanag ni Zen hanggang tuluyang maglaho iyon at mawala sa harap namin. "Ayos ka lang?" Zen asked. Iniharap n'ya ako sa kanya at bahagyang pinasadahan ang kabuuan ko upang tingnan kung may sugat ba ako o ano. Puno ng pagtatakang tiningnan ko s'ya. Bahagya din akong lumayo sa kanya. "Anong.... Paanong?" Hindi ko alam kung ano ang gusto kong itanong kaya minabuti kong huwag na lang magsalita pero nasiguro kong naihatid ng mga mata ko ang mensaheng nais kong iparating at itanong sa kanya. At alam kong naintindihan n'ya iyon dahil bahagya s'yang tumango sa akin. "Magpapaliwanag ako but for now kailangan nating makaalis dito Bernadette. Nararamdaman ko ang iba pang katulad nila," he said sabay hawak sa braso ko. Kahit di n'ya sabihin ay alam ko kung ano ang tinutukoy n'ya at sapat na iyon para manumbalik ang takot na nararamdaman ko. Takot sa kakaibang nilalang na nakita ko at takot sa mga kakaibang nangyayari sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon. Kinuha n'ya sa akin ang bag ko at mabilis ang kilos na naglakad s'ya habang inaalalayan ako. May isang oras na din siguro kaming nagpapaikot-ikot sa loob ng gubat pero hindi pa kami nakakalabas. Maya-maya pa ay bumuhos ang malakas na ulan, narinig ko pa ang mahinang pagpalatak ni Zen bago mabilis na tumakbo sa may isang kalakihang puno. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. "Mukhang minamalas tayo," sabi ni Zen at pinapagpagan ang nabasa n'yang damit. Tahimik na tiningnan ko lang s'ya at tiningala ang langit. Madilim iyon at mukhang magtatagal pa ang ulan. Ni hindi din humihinto iyon at sa sobrang laki ng mga patak niyon ay nagawa pa din kaming basain kahit na nakasilong kami sa mayabong na puno. Maging ang lupa ay naging maputik na agad, pati ang paligid namin ay nababalutan na ng papakapal na hamog. "We dont have a choice but to wait." Narinig kong sabi ni Zen. "Mukhang matatagalan pa tayo dito, mas mabuti kung... Hoy anong ginagawa mo?" Aagad na napatalikod ako nang bigla na lang s'yang maghubad. Ni hindi ko namalayang wala na s'yang suot na trouser at ngayon ay pati ang polo n'ya ay wala na din. Bakit ba trip na trip ng mga itong maghubad? Naiinis kong tanong sa isip. Narinig ko pa ang paghalakhak ng lalaki. "Basang-basa na ako at kailangan kong pigain ang damit ko. Ayokong magkasakit." "Pero hindi mo kailangang maghubad sa harap ko!" Naiinis na sagot ko sa kanya at hinarap s'ya pero agad din akong napatalikod nang makitang wala pa din s'yang pang itaas. Maganda naman ang katawan ni Zen, halata iyon kahit na nakadamit pa sya at alam kong isa iyon sa mga dahilan ng pagkakagusto ng mga babae sa kanya. Kaso lang wala akong planong sumanib sa samahan ng mga babaeng iyon. Narinig ko ang tubig na nagmula sa pinipigang damit ni Zen. Ipinagpag din n'ya iyon dahilan upang mabasa ako ng kaunting tubig na nagmula doon. "Correction, hindi ako naghubad sa harap mo. Nasa gilid mo kaya ako," naaaliw na dagdag pa nya na parang walang nangyari sa amin kanina. Saglit ko s'yang nilingon, saglit ko ding nakita ang malaking pasa n'ya sa likod bago pa man n'ya maisuot ang polo n'ya. Kahit paano ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. At kahit ayoko ay sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. "Masyado ng madilim at hindi tayo pwedeng magtagal dito," sabi ni Zen nang maisuot na n'ya ang polo n'ya. Hindi sya nag-trouser kaya nakabakat pa din ang katawan n'ya sa basang uniform n'ya at kitang-kita ko ang pasa sa likod n'ya na ngayon ay kulay violet na. Tinanguan ko lang s'ya at nagpatiuna na sa paglalakad. We walked at katulad kanina ay halos wala na kaming makita. Mas kumapal ang hamog kaya mas nahirapan kaming hanapin ang daan palabas. "Ah!" Napangiwi ako nang bigla akong lumagapak sa lupa. "Okey ka lang? Bakit kasi nauuna ka?" Paninisi sa akin ni Zen pero ramdam ko ang pag aalala n'ya. Inalalayan n'ya akong tumayo pero agad din akong napaupo dahil sa matinding kirot sa binti ko. "Parang may naipit na ugat sa binti ko," naiiyak na sabi ko sa kanya. "Akin na ang bag mo," maya-maya'y sabi n'ya at inabot ang bag ko. Isinukbit n'ya iyon sa balikat n'ya at naramdaman ko na lang ang pag- angat ko mula sa lupa. "Zen..." "Huwag ka ng magreklamo. Wala ka sa sitwasyon para tumanggi," maikling putol n'ya sa sasabihin ko. Wala akong nagawa kundi hayaan s'yang buhatin ako. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD