Chapter 11- Beyond

1665 Words
Bernadette's Pov: Tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng classroom namin. Kanina pa nagsasalita ang professor namin pero wala naman akong maintindihan. Hindi tinatanggap ng isip ko ang mga nalaman ko kaninang umaga kaya naman naaapektuhan pati ang mga klase ko. Si Donna naman ay nag-a-assist sa isang propesor sa laboratory. Hindi ko nga lang alam kung ano at para saan iyon. Ni hindi ko din nakita maging ang anino ni Queven. Bakante ang upuan n'ya pati na din ni Crayon. Tanging si Bhrail lang na seryosong nakikinig sa klase ang nandito at si Fern na nakikipaglandian sa mga kaklase kong babae. Nakakapagtaka pa nga na hindi man lang s'ya sinisita ng professor namin. Narinig ko din ang mga bagong estudyante na magiging kaklase namin pero hindi ko din pinakinggan ang ginawang pagpapakilala ng mga iyon. Nanatili akong nakatulala sa paligid sa labas. Malapit na akong makabuo ng pangarap nang may humarang sa harapan ko. "Hey!" Napatingala ako sa nagsalita. It's Zen Zacharias. S'ya ang estudyanteng nakita ko sa cafeteria. Matagal-tagal na din kaming magkaklase pero hindi ko masasabing malapit kami sa isa't- isa dahil lagi s'yang wala sa klase. Sinilip ko pa ang likod n'ya maging ang buong klase dahil sa pagtataka kung bakit nasa harapan ko s'ya ngayon. Wala na ang professor namin at medyo maingay na din ang mga kaklase ko pero tungkol sa iniwang activity ang pinag-uusapan nila kung ang mga naririnig ko ang pagbabasehan. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. He sat on the chain in my front and he leaned closer. "May emergency meeting ang mga professor. Nag-iwan s'ya ng activity at tayo ang magka-partner," sabi n'ya at bahagyang nilingon ang harapan. Tiningnan ko ang white board na tinitingnan n'ya at nakita ko ang mga pangalan namin by pair. "Anong activity?" Agad na tumayo si Zen at namulsa. "Gagawa tayo ng potion, come on." "Potion?" nagtatakang tanong ko. Kelan pa kami naging mangkukulam? "So, mukhang hindi ka nakikinig sa explanation ni Sir kanina," nakataas ang kilay na sabi n'ya. Bahagya pa s'yang namaywang sa harapan ko. "Hindi naman, hindi ko lang naintindihan," tabingi ang ngiti na sabi ko sa kanya. Agad na hinubad n'ya ang blazer nya at tiningnan ako. "Reasons. Halika na at baka wala na tayong maabutang dahon," agad n'ya akong tinalikuran at basta na lang inihagis ang blazer sa upuan n'ya. "Oy sandali!" Mabilis akong tumayo at basta na lang kinuha ang bag ko pero ang lalaking iyon, hindi man lang ako hinintay. Abalang-abala s'ya sa pagtutupi ng puting polo n'ya habang naglalakad. "Saan ba tayo pupunta?" Pilit kong tanong sa kanya nang maabutan s'ya sa may pintuan ng classroom. Tiningnan n'ya lang ako at nginitian ng nakakaloko. "Mamumundok tayo!" Sabi n'ya at muli akong tinalikuran. Naiinis na hinawakan ko s'ya sa braso pero bigla ko din s'yang nabitawan nang makaramdam ako ng may kalakasang boltahe ng kuryente mula sa kanya. Para akong na-ground. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko s'ya. Alam kong naramdaman din n'ya iyon dahil hinarap n'ya ako bigla. "Kuryente ka ba?" Nakangising tanong n'ya. Bago ko pa mapag-isipan ang tanong n'ya ay sumagot na ako. "Bakit?" Mas lumawak ang pagkakangiti n'ya na maging ang mga mata n'ya ay nagkabuhay. "May spark kasi tayo e." Nahampas ko s'ya ng dala kong bag at nilampasan. Tuloy-tuloy akong lumabas ng silid at naglakad sa hallway. Narinig ko pa ang halakhak n'ya at bago ko pa namalayan ay napangiti na ako sa ka-corny-han n'ya. Pero nagtuloy-tuloy lang ako sa lakad ko at pinabayaan ko s'yang sumunod. "Hey wait. Hindi mo nga alam kung saan tayo pupunta e," s sabi n'ya sa likuran ko. "Sabi mo mamumundok tayo," hindi lumilingong sagot ko. "Bakit rebelde ka ba para mamundok?" Naaaliw na tanong n'ya at narinig ko ulit ang paghalakhak n'ya. Tumigil ako sa paglalakad ko at nilingon s'ya kasabay ng pagdantay ng isang braso sa balikat ko. "Sa gubat tayo pupunta para kunin ang mga dahon na sinabi ni Sir," nakangiting mukha ni Zen ang sumalubong sa akin. S'ya din ang pangahas na bigla na lang umakbay sa akin. Tinaasan ko s'ya ng kilay at tinitigan ng masama sabay sulyap sa braso n'yang nasa balikat ko. Sinalubong naman ako ng mga asul na mata n'ya, tulad kanina ay punong puno iyon ng pagkaaliw. Pero sa likod ng mga matang iyon, ramdam na ramdam ko ang kalungkutang nakatago doon. Kalungkutang kahit na pilit n'yang itago ay kitang kita ko pa din. Tila nahipnotismo ako ng mga mata n'ya kaya saglit akong napatitig sa mga iyon. "Ehem!" Sabay pa kaming napalingon ni Zen sa tumikhim. Nakita kong nakatayo sa harapan namin sina Crayon at Queven. As usual ay nakangiti ang pilyong si Crayon pero ang ngiti n'ya ay katulad na katulad ng ngiti n'ya kagabi na nakapagpa-alala sa akin ng pagiging topless n'ya. Naiilang na nag-iwas ako ng tingin sa kanya kaya napabaling ako sa katabi n'ya. Tahimik na pinasadahan lang ako ng tingin ni Queven. May kung ano sa mga mata n'ya na hindi ko talaga kayang salubungin man lang. Bahagya din tumigil ang mga mata n'ya sa braso ni Zen na nasa balikat ko. Palihim ko iyong tinanggal pero mas idiniin pa ni Zen iyon at hinawakan pa ako sa kabilang balikat habang ngiting-ngiti sa dalawa. Nang muling tingnan ko si Queven ay bahagyang nakataas na ang isang kilay n'ya. There's something in his eyes, tila nanghahamon iyon. Bahagya ding nakataas ang isang sulok ng labi n'ya at matiim akong tinitigan. "Hi! Kumusta? Ako nga pala si... Aww!" Naputol ang sasabihin ni Zen nang tapakan ko ang paa n'ya. Bahagya s'yang lumayo sa akin at ipinadyak-padyak ang paa. Pero sa halip na magalit ay mas lumaki ang pagkakangisi n'ya habang nakatingin sa akin. Tila walang nangyari na naglahad ng kamay si Zen sa dalawa. "Zen." Maikling sabi n'ya. Tulad ng dati ay si Crayon ang tumugon. Tinanguan lang s'ya ni Queven. "Higher! Pupunta na ba kayo sa gubat?" Sabay-sabay kaming napalingon sa taong bigla na lang pumagitna sa amin ni Zen at pareho pa kaming inakbayan. "Fernando Ibarra, ang ingay mo." Mula sa likod ni Fern ay nakita ko ang papalapit na si Bhrail na may kasamang dalawang babae. Hindi ko sila matandaan sa mga kaklase ko kaya nasisiguro kong kasama sila sa grupo ng mga transferee na ipinakilala kanina. Hindi din kasi ako nakikinig kaya ni kahit pangalan ng isa sa kanila ay wala akong matandaan. "Gubat? Taong gubat na kayo ngayon?" Nang-aasar na bati sa kanila ni Crayon. "Siraulo ka Crayon. Cutting classes ka kasi ng cutting classes e. Potion Experiment. By pair," nakangiting sagot ng may itim at mahabang buhok na babae. "Alyssa naman e," kumakamot sa ulong sagot ni Crayon pero kitang kita ko nang kindatan n'ya naman ang babae na agad na napahagikhik. "Miracle," Queven uttered. I looked at him at nakita kong nakatitig s'ya sa babaeng nasa kanan ni Bhrail. "Hi Mr. Feene! Partner tayo sa potion making na ito," nakangiting sagot naman ng tinawag na Miracle. Agad akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko lalo na nang lumapit si Miracle kay Queven at humawak sa braso n'ya. "Tara na," narinig kong yaya n'ya kay Queven. Sandaling tumingin sa akin si Queven pero agad din s'yang nagpahila sa babae. Sinundan sila ni Bhrail at ng babaeng tinawag ni Fern na Alyssa. "Fernando 'yong kamay mo." Hindi lumilingong sabi ni Queven bago sila makalayo. Tinawanan lang s'ya ni Fern at tiningnan kaming dalawa ni Zen. "Tara na at baka kahit dahon ng bayabas ay wala tayong makuha," nakangiting sabi n'ya pa at sumunod na sa mga kaibigan n'ya. Tahimik na tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nanatili naman sa gilid ko si Zen at sinabayan ako. Ipinaliwanag din n'ya ang mga dahon na kailangan naming kunin sa gubat ng Academy. Pati ang mga kailangang gawin sa mga iyon pero nanatiling blangko ang isip ko. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi n'ya at nanatili ang mga mata ko sa likod ng isang pares sa may di kalayuan sa amin na masayang nag uusap. Na parang kilalang kilala nila ang isat-isa. May kalayuan ang gubat dahil nasa parteng dulo na iyon ng lupain na nasasakupan ng eskwelahan kaya inabot din kami ng halos isang oras sa paglalakad. "Doon tayo." Tiningnan ko ang direksyong tinuturo ni Zen. May ilang estudyante na din na doon sa parteng iyon pumasok. Kaya kahit paano ay naging komportable ako. "Sige." Tahimik na sinundan ko ang ka-partner ko papasok ng gubat. Bahagya pa n'yang hinahawi ang mga mahahabang sanga at malalaking dahon na nakaharang sa daan. Ilang minuto na din kaming naglalakad nang lingunin ko ang pinanggalingan namin. Wala na akong makita kundi puno at halaman. Parang biglang naging masukal ang parteng ito ng gubat at pati ang mga estudyanteng nasa paligid lang namin kanina ay di ko na nakita. "Atlast!" Nakangiting lumingon sa akin si Zen at may niyuko sa may paanan n'ya. Isang bulaklak iyon na may kakaibang dahon. He crouched in the front of the plant at maingat iyong binunot. Wala sa sariling napatingin ako sa likod ni Zen. There, I saw some shadows. Bahagyang gumagalaw ang mga aninong iyon na nasa pinakagilid ng malaking puno ilang metro ang layo sa amin. Pinakatitigan ko iyon sa pag-aakalang namamalikmata lamang ako pero talagang gumagalaw ang mga aninong iyon. Bahagya pang humakbang palapit ang isa sa mga iyon kaya nagawa kong makita ang kabuuan niyon. Isang hugis tao pero may kalakihan iyon sa pang karaniwang tao pero ang ikinaiba niyon ay ang kulay niyon na itim na itim na parang itim na usok lamang. At sa katawan niyon ay may iba't-ibang laki ng hugis bilog na tila sinadya. Isang itim na nilalang na punong puno ng butas sa katawan! Lumingon sa gawi namin ang isa sa mga iyon kaya tuluyan kong nakita ang kabuuan niyon na nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD