Bernadette's Pov: Masama ang loob na bumalik ako sa training room. Ni hindi nga yata ako nakakain ng ayos at mukhang magkakaroon pa ako ng indigestion. This is unfair! Dapat no to brutality muna. Unang training ko tapos si Queven ang ka-sparring ko? Baka maging punching bag lang ako! Pasimpleng tiningnan ko s'ya habang paakyat kami sa ikatlong palapag. Ganoon pa din ekspresyon ang n'ya mula kanina. Akala mo walang kasama at may sariling mundo. Pasimple ko s'yang binelatan pero naramdaman n'ya yata ang paninitig ko kaya bumaling s'ya sa akin. Agad na pagtatago ng dila ang ginawa ko dahilan para makagat ko iyon. Karma real quick. Umiling-iling s'ya bago ako nilampasan. Nanggigigil na tiningnan ko s'ya. Kung pwede lang na saktan ko s'ya. Kaso not now! Maging ang bawat hakbang ko papa