Bernadette's Pov: Ilan pang estudyante ang nakasabay ko sa paglalakad sa hallway. Excited pa ang iba sa pagtungo sa iba't-ibang direksyon. Rinig na rinig sa mga boses nila ang hindi maitagong kasiyahan. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko papunta sa Building D. Tulad ng nasa schedule, hindi na iyon kasama sa mga lugar na off-limits para sa aming mga estudyante. At ang una kong training ay sa building na iyon. Mas binilisan ko pa ang paglalakad nang matanaw ang building. May kabagalang pumasok ako doon habang pinagmamasdan ang kakaibang istruktura sa loob. Tama nga ang hinala ko. This is not just a plain school building. Maluwang ang unang palapag na para bang receiving area lamang. Inakyat ko ang hagdaan papunta sa second floor. Halos malalaking silid lamang ang nandoon. May iba