Chapter 14- Doubts

1158 Words
Bernadette's Pov: "Kumusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang mukha ni Crayon ang nabungaran ko. Bakas sa mukha n'ya ang guilt na ipinagtataka ko. Marahang tumango ako at inilibot ang mga mata sa paligid ko. Hays, ilang araw pa lang pero naging suki na ako ng clinic. Isip-isip ko nang makita ang pamilyar na itsura ng clinic. Mukhang mula sa mini-bus ay nakabalik na kami sa eskwelahan pero sa halip na nasa dorm ay dito ako idiniretso dahil sa mga pasong nakuha ko mula sa ulang may halong asido. "Siguradong okey ka lang?" Paninigurado pa ni Crayon na parang walang tiwala sagot ko. Nakangiting tinanguan ko s'ya at umayos ng pagkakaupo sa kama. Inalis ko ang kumot ko at marahang ibinaba ang mga paa ko sa sahig. Hinayaan ko din si Crayon na alalayan ako. Saglit na pinagmasdan ko ang mga nakuha kong paso sa binti at braso ko pero nakapagtatakang kahit kaunting peklat ay wala iyon. Wala ni kahit anong bakas ng hapding naramdaman ko kanina. "Paanong...?" I trailed off. Tiningala ko si Crayon pero nag-iwas lang s'ya ng tingin. Ngunit hindi pa din nakatakas sa akin ang guilt na nasa mukha n'ya. Na para bang may ginawa s'yang kasalanan na hindi masabi-sabi. Naguguluhang tiningnan ko muli ang mga sugat ko pero wala na talaga, maging ang mga gasgas ko sa katawan ay wala na din. Dinama ko din ang mukha ko kung may galos doon pero makinis iyon at wala akong makapang kahit ano. Pagkalito at takot ang agad na naramdaman ko nang magkaron ako ng ideya sa mga nangyayari. Ideyang ayokong tanggapin pero natatanging sagot sa mga tanong ko. Napahawak ako sa ulo ko, ramdam ko ang p*******t niyon dahil sa mga nangyayari. Sa mga nangyayari na hindi ko mahanapan ng dahilan. At hindi ko alam kung paano nagsimula at kung may katapusan kaya. "Okey ka ba? Anong masakit sayo?" Tiningnan ko si Crayon. Tila hindi talaga s'ya kumbinsido sa sagot ko. Isang tanong ang lumabas sa bibig ko kasabay ng nabuong desisyon ko. "Anong klaseng nilalang ka Crayon?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha n'ya. Halatang hindi n'ya inaasahan ang tanong ko pero nagawa pa din n'yang maging kalmado. Gayunpaman ay hindi n'ya ako sinagot, tumingin lang s'ya sa kawalan at malungkot na ngumiti. "Hindi ito ang tamang lugar para ipakilala ng tunay na katauhan ko Bernadette," tanging sabi n'ya. "Tamang lugar? Kailangan bang nasa tamang lugar tayo para mabigyan n'yo ng paliwanag ang mga nangyayari sa akin ngayon? At saka nakakapagtaka na parang ordinaryong-ordinaryo sa inyo ang lahat," mali man ay nakaramdam ako ng pagdududa sa katauhan ni Crayon maging sa maaaring koneksyon n'ya sa akin. Tipid na ngumiti naman s'ya sa akin at nagsalita. "Huwag kang mag alala, pagkagaling na pagkagaling mo ay masasagot ang lahat ng tanong mo." Makahulugang sabi n'ya at tumingin sa may pintuan. "Narito na ang bantay mo, aalis na muna ako." True to his words, iniluwa ng pinto ang hindi ko inaasahang magbabantay sa akin ngayon kahit hindi ko naman talaga kailangan ng bantay. Saglit na nagtanguan sina Crayon at Queven bago tuluyang lumabas si Crayon. Dire-diretsong pumasok sa silid si Queven at dire-diretsong lumapit sa kama ko. Bago ko pa mahulaan ang plano n'ya ay iniangat na n'ya ang mga binti ko at maingat na inilapag sa kama. Agad din n'ya akong kinumutan at itinuro ang higaan. "Matulog ka," maikling sabi n'ya. "Kakagising ko lang," naiilang na sabi ko sa kanya. Tumango lang s'ya at umalis sa harapan ko. Maya-maya'y bumalik s'ya na may dalang dalawang unan. Lumapit ulit s'ya sa akin at marahang inilagay ang mga unan sa likod ko. "Mas mabuti kung magpapahinga ka pa din," sabi pa n'ya at naupo sa upuang kaharap ng kama ko. Pinagmasdan n'ya ako na nagdulot ng pagkailang sa akin. Agad din s'yang nagbawi ng tingin at mula sa bulsa ay inilabas n'ya ang isang maliit na aklat, binuklat n'ya iyon at nagsimulang magbasa. Nahihiyang tumungo ako. " Hindi mo na ako kailangang bantayan. Hindi mo ako responsibilidad." Tinanggal n'ya sa maliit na aklat ang atensyon n'ya at matiim akong tinitigan. "Nagkakamali ka. Dahil responsibilidad kita." Natigilan ako sa sinabi n'ya, gusto kong magtanong pero bigla kong naalala ang sinabi n'ya sa akin tungkol sa tadhanang meron ako. "Kasama ba sa responsibilidad mo ang pagbabantay sa akin?" nananatiyang tanong ko. "Oo," mabilis na sagot n'ya. Nasa boses n'ya ang kasiguraduhan doon. Sinalubong ko ang tingin n'ya at tinumbasan ang tatag ng boses n'ya. "Pero wala ka kanina." Sabi ko at hindi ko naiwasang hindi lagyan ng pagtatampo ang boses ko. Hindi kami malapit sa isa't-isa pero hindi ko alam kung bakit parang hinahanap-hanap ng sistema ko ang presensya n'ya. Nagsimula iyon nang araw na makita ko ang pagbabago ng paligid. Na para pang matagal ko ng kilala si Queven. Hindi ako sinagot ni Queven. Nanatili s'yang walang imik. Tumayo s'ya sa pagkakaupo at pumunta sa bintana. Hinawi n'ya ang kurtinang tumatakip doon kaya nakita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Mukhang hindi iyon tumigil mula kanina. "That rain, kontaminado iyan at nagtataglay ng mala-asidong tubig," simula n'ya pero hindi ko naman maintindihan ang pinupunto n'ya kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Sa oras na mapatakan ka ng kahit kaunti niyan ay mapapaso at malalapnos ang balat mo katulad ng nangyari sa 'yo kanina. Fortunately, naagapan agad iyon." Pagpapatuloy n'ya at mataman akong tiningnan. "Bago pa man pumatak ang ulan, hinanap ka namin. Pero hindi namin kayo nakita." Tahimik na tiningnan ko lang s'ya. Alam kong may gusto pa s'yang sabihin pero hindi na n'ya dinagdagan iyon. Pero sapat na sa akin ang marinig na hinanap nila ako, na hinanap n'ya ako at nag-aalala s'ya sa akin. Lihim na napahawak ako sa dibdib ko, tila galak na galak iyon sa mga nalaman. Isang bagay na patuloy na gumugulo sa akin. Muli syang lumapit sa akin, dumukwang s'ya at inilagay ang isang braso sa may kama ko. "May itatanong ako sayo and I want you to answer me honestly," seryosong sabi n'ya. "A-Ano iyon?" Gusto kong mainis sa sarili ko. Ano ba naman kasi, ngayon pa talaga ako nautal! Nakakahiya! Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin at diretsong tinitigan ako sa mga mata. May panghahamon doon kaya matatag na sinalubong ko iyon, bagay na pinagsisihan ko din agad. "Anong nararamdaman mo para sa akin?" Prangkang tanong n'ya. Kasabay ng pag-akyat ng lahat ng dugo sa mukha ko. Ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para sumagot. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at kahit ako ay natanong ko ang sarili ko kung ano nga ba. O kung meron nga kaya? Kung oo, sapat na bang dahilan ang kakaibang nararamdaman ko sa tuwing malapit s'ya. Pero maging sa sarili kong katauhan ay nagdududa ako, kaya paano ko papaniwalaan ang sarili kong damdamin? ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD