Bernadette's Pov : "Ashton," Bhrail uttered. Bahagya kaming nilingon ng lalaking basta na lang lumitaw mula sa kung saan. Bahagya din n'ya akong pinasadahan ng tingin bago ibinalik ang tingin sa harapan n'ya. "Pangahas ka!" Dumagundong ang boses ni Fhaye. Nang tingnan ko s'ya ay mas nanlilisik ang mga mata n'ya. Ang ilang hibla ng buhok n'ya ay nililipad na din ng hangin, mas uminit na din ang paligid namin. Ang mga kasama n'yang itim na nilalang ay halos kalahati na lang. Ang iba ay naglahong parang bula nang tamaan ng kung anong liwanag na mula sa bagong dating. "Paanong nakapasok sa eskwelahan ang mga Hollows na ito?" Hindi lumilingong tanong ng bagong dating. "Hindi namin alam, nagawa din nilang itago ang presensya nila," si Crayon ang sumagot. Tumango-tango lamang ang tinawag