Bernadette's Pov: "Sandali! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang tinatanggal ang kamay ni Crayon sa braso ko. Bigla na lang n'ya akong hinila kanina pagkalabas ko ng laboratory. Naiwan ko pa nga si Zen sa loob na abalang- abala sa pagkakatas ng mga dahon para gawing potion. "Naiwan ko si Zen, ni hindi ako nakapagpaalam," dagdag ko pa. "Hindi n'ya mapapansin ang sandaling pagkawala mo," mula sa gilid ko ay sabi ni Queven. Gulat na tiningnan ko pa s'ya. Ang alam ko kasi ay nasa training pa s'ya sa ibang eskwelahan. Bigla na lang silang sumusulpot at bigla na lang manghihila sa kung saan. Hindi ko s'ya pinansin at binalingan na lang si Crayon. Tinampal ko ang kamay n'yang nasa braso ko pero nginisihan n'ya lang ako. Hindi naman mahigpit ang hawak n'ya pero hindi ko pa din iyon mat