Bernadette's Pov: "Ilang oras na s'yang natutulog, hindi pa ba natin s'ya gigisingin?" "Fernando, tumahimik ka kung ayaw mong kutusan kita." "Pero Bhrail..." "Tumahimik nga kayong dalawa. Hayaan muna natin s'yang makapagpahinga at makabawi sa nangyari." Nakarinig ako ng mga papalayong yabag. Mukhang lumabas na ang mga tao sa silid na kinalalagyan ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata nang marinig ko ang pagsasara ng pinto. Kanina pa ako gising at kanina ko pa din naririnig ang pagtatalo nila. Alam ko ding nandito na kami sa dapat na puntahan namin. Pero minabuti kong magtulog-tulugan para iwan nila ako. Mula kasi nang magkamalay ako kanina ay lihim ko na silang ino-obserbahan kahit na nanatili akong nakapikit. Alam kong hindi nila ako iniwan at kung may aalis man sa kanila ay