Bernadette's Pov : Sandali ko pang sinulyapan ang kabuuan ng kastilyo ng Trius bago sinuyod ang kabuuan ng paligid ko. Nakalabas na kami at ngayon nga ay babalik na kami sa Academy. Agaw pansin ang laki ng kastilyo pero agaw pansin din ang mga taong nakatira dito. Maliban sa mga bata, halos lahat ng nakikita ko ay nakasuot ng kulay ginto, puti o itim. Tanda ng uri nila, simbolo sa kung anong nilalang sila at kung anong responsibilidad ang meron sila. Narinig kong nagpaalam si Fern kay Bhrail pero hindi ko naintindihan kung saan s'ya pupunta. Nakita ko na lang na tumakbo s'ya sa kung saan kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa pagmamasid sa paligid. Marahan ang pag-ihip ng hangin at bahagyang nililipad pa ang ilang maliliit na dahon. Nalalanghap ko din ang mabining amoy ng mga bulak