Nahihiyang hinila pababa ni Adrianna ang shorts na kanyang suot-suot. Maiksi kasi iyon masyado para sa kanyang mahaba ang biyas. "Naku, pasensya ka na hija. Kay ma'am Lyriz kasi iyan." Sabi sakanya ni Yaya Amel, alam niya ang pangalan nito dahil nagpakilala na ito sakanya kanina. Biglang kumunot ang kanyang noo. "Sino ho si Lyriz?" "Pamangkin nila Ma'am Delia at Ser Marius. Hindi ko man siya nakita sa personal dahil nga sa bago pa lamang ako rito ay nakita ko naman siya sa letrato. Maliit lang si Ma'am Lyriz kaya umiksi sayo ang shorts niya. Wala naman ho siyang ibang natirang damit kasi dinala na lahat sa Amerika." Tumango-tango siya. "Okay lang ho iyon, mas mabuti na itong may masusuot ako kesa sa wala." Tsaka siya ngumiti. Bigla naman silang napatigil nang may marinig na tumikhim sa